CHAPTER 29☆

207 6 0
                                    

Naiyak ako dito, huhuhu


TYRON'S POV

"Ty, tara na baka hinahantay na tayo nila Mommy sa house" pagmamadali sakin ni Keziah.

"Just wait okay! Ayokong minamadali ako" sigaw ko.

Just imagine na sya si Vanna okay!

Bumaba ako at naabutan kong nakahiga si Keziah sa sofa.

"There you are" sagot nya habang nakaturo sakin.

Lumapit sya saka ako niyakap. " I missed you so much" sabi nya.

Tinulak ko sya." Ilang oras lang tayong hindi nag kita na miss mo na ko agad" galit na sabi ko sa kanya.

"Buti nga ako oras oras na mi-miss ka samantalang si Vanna hindi" ngusong sita nya.

"Wag mong dinadamay sa usapan yung taong wala dito para depensahan yung sarili nya, okay!" galit na sabi ko saka lumabas at sumakay sa kotse.

Kung alam mo lang na ayaw ni Vanna na nagkakahiwalay kami kase ikakamatay daw nya.

Padabog na sumakay si Keziah at tiningnan ako.

"Mag drive kana! Baka hinihintay na tayo nila Mommy don" galit na sigaw nya.

Pinaandar ko nang mabilis yung kotse na halos ikahimatay nya. Kung si Vanna siguro yung kasama ko hahagalpak pa nang tawa yon. Malapit lang yung bahay nila sa bahay ko. Hindi ko nga alam sa babaeng to kung bakit gusto pang mag kotse. Bumaba agad ako at hindi nag-abalang alalayan sya pababa.

"Argh" sigaw nya.

Pagpasok ko sa bahay nila agad na sumalubong sakin si Tita at hinalikan ako sa pisngi.

"Where's my baby?" tanong sakin ni Tita pero nginitian ko lang sya saka lumapit kay Tito na nakaharap sa piano.

"Oh nandyan na pala kayo" sabi ni Tito saka ako niyakap. Vanna needs him.
"Nasan yung anak ko?" tanong sakin ni Tito.

Ngumisi ako. " Si Vanna po ba?" tanong ko.

"Ehem! Ahm, ikaw naman Tyron bakit hindi mo man lang inalalayan yung princess nang Tito mo" singit ni Tita saka ngumiti nang pilit.

"Princess po ba ni Tito? Si Vanna po ba tinutukoy mo? Ahm, nasa condo po sya ngayon habang naghahanap ng pagmamahal ng isang ama" sarkastikong sabi ko at naupo sa lamesa.

Napahinto silang tatlo. "Hehe! Nako Mommy yan talagang si Tyron nag bibiro nanaman! Alam naman nyang ako lang princess ni Daddy" pilit ngiting sabi ni Keziah saka tumabi sakin.

"Tch" dabog ko.

"So let's talk about your wedding" sabi ni Tito.

Sumandok ako nang pagkain at walang ganang nakinig sa usapan nila. Napasilip ako kila Tita at Keziah habang kumakain
Nagpapaartihan siguro sila sa pagkain. Kung si Vanna at tita M yung kasama ko ngayon dito sigurado kong nagpapaligsahan sila sa pinakamaruming lamesa. Napangiti ako sa iniisip ko.

"What's with that smile?" ngiting tanong sakin ni Tito.

Napatingin ako sa kanya. " I just remembered my first love." sagot ko na nagpatigil sa kanila.

"He's joking dad" pilit pangungumbinsi ni Keziah sa daddy nya.

Im not joking!

"So what's your plan? Do you want Beach wedding or church wedding?" tanong ni Tito kay Keziah.

"Ahm, dad I want beach wedding" ngiting ngiting sabi ni Keziah

"Okay darling" sagot ni Tito.

"San gaganapin honeymoon nyo?" tanong ni Tito.

When I Meet the Bad Boy King ( Watty's 2019 )Where stories live. Discover now