CHAPTER 16☆

354 18 0
                                    

Cyrus POV

"Caleb" bwisit na tawag ko sa kanya. Kahit kelan talaga ang babaero nya. Andaming nakapalibot sa kanyang babae.

Nakaupo sya dun sa gitna ng stage. Nakakahiya sya!

Anakng! Nandila pa ang puta!.
Nilapitan ko sya tyaka hinawi yung mga babaeng nakapalibot sa kanya.

"Halika nga! Bwisit ka!" Sita ko sa kanya tyaka pinungot yung tenga nya. At hinitak sya papalayo dun sa malalanding babae na nakapalibot sa kanya.

"Aray! Ano ba! alam mo bang base sa R.A 123456 bawal saktan ang isang poging katulad ko."

Umaandar nanaman yung pagkaisip bata nya! Saming tatlo sya yung pinakamakulet.

"San mo naman nalaman yan? Wala namang natatag na ganyan ah!" Sita ko sa kanya.

"Meron kaya! Kanina lang"
Natawa nalang ako sa kaabnuyan nya! Kahit kelan talaga.

"At alam mo rin bang Base sa R.A 7891011 dapat isang tawag ko lang lalapit kana!" Napakamot sya sa sinabi ko. Akala nya sya lang may kayang maging isip bata.

"Eto na nga eh! Ano ba kasing kailangan mo?"

"Tanggalin mo si Vanna sa Target list" utos ko sa kanya, tiningnan nya ko at nagtataka sya.

Ang sarap sa pakiramdam ng sariwang hangin. Mabuti na tong nakakalanghap ako ng sariwang hangin dahil mamaya may reresbakan kami.

"Bakit naman? Hindi pa nga nag-uumpisa yung pagpapahirap sa kanya ng mga schoolmate natin tatanggalin mo na! Hindi ko pa nga sya nakikita kung pano lumabanan!" Sabi nya habang nakanguso. Suntukin ko kaya yan para unmurong?.

"Ang tanga mo talaga! Sa tingin mo maniniwala syang gusto ko sya kung alam nyang ako yung dahilan kung bakit sya tinatrato ng ganon ng mga schoolmate natin? Pano na yung plano?"

Nakuha na siguro nya kung anong ibig sabihin ko

"Ahh! Oo nga noh! Ang tanga ko talaga!" Sabi nya tyaka inalog alog yung ulo nya.

"Wag mo nang alugin yang ulo mo! Baka mas lalong mawala yung utak mo"

Babatukan sana nya ko buti nalang nakukuha sya ng tingin ko.

"Sige ituloy mo at ibabaon kita dyan sa kinauupuan mo" pagbabanta ko sa kanya.

"Oo na eto na nga aalisin na! Diba parang mas maganda kung gagawa ka ng scandal" WTF? scandal? Kingina.

Binatukan ko sya kaya nasubsob yung mukha nya sa lupa.
Tiningnan nya ko ng masama

"Aray naman! Ano bang scandal yang nasa isip mo! Sige nood pa!napaghahalataan ka!" Bwisit talaga! Hindi naman ako katulad nya!.

"Ano ba! Mag seryoso ka nga! Linawin mo kase!" Sita ko sa kanya pero siniringan nya lang ako.

"Ikaw yang kung ano-anong iniisip tapos ako pa hindi nagseseryoso! Yung scandal kase na sinasabi ko eh yung gagawa ka ng eksena para mapaniwala si Vanna, hindi lang si Vanna kung di lahat ng schoolmate natin. Biruin mo non, ngayon lang gagawin ng Bad Boy king yon."

Nangiti ako sa kalokohang gagawin namin. May utak din naman pala sya kaso hindi lang nya ginagamit.

"Tara?" Tanong ko sa kanya. Mukhang nagtaka pa sya. Anong gusto nya bukas ko pa gawin?

"Anong tara? Oyy anong binabalak mo ah" Kingina naman talaga! Ang hirap kumausap ng taong sarado yung utak.

"Gago! Gagawin ko na yung sinabi mo! Ayoko nang paabutin pa to ng bukas!"

"Ahh ganon ba!" Sabi nya tyaka tinawag yung bago naming Miyembro na si Tristan

"Tristan! Halika ka dito. Itipon mo lahat ng schoolmate natin sa field at may sasabihin si Cyrus sa kanila."

When I Meet the Bad Boy King ( Watty's 2019 )Where stories live. Discover now