CHAPTER 19☆

320 12 1
                                    

EVIYEN'S POV

"Carl! Carl! Carl!" sigaw ni Coline sa labas ng room namin.

Punyemas naman talaga! Kung kelan may ginagawa ka tatawagin ka pa nang bungangera!. Kung hindi ka lang talaga kaibigan ni Vanna nako! Baka inaanay ka na!

Tumayo ako sa pagkaka-salampak sa upuan at nilapitan sya. Wala naman yung next lecturer namin kaya sige lang!.

Hinatak ko sya sa gilid nung room namin.

"Bakit ba? Ang ingay ingay mo nakakaistorbo ka!" hindi nya ko pinansin. Titig na titig sya sa mukha ko.

"Woi! Bakit ba ganyan ka kung makatingin!" tanong ko tyaka sya inuga uga.

"A-ahm....O-oo ganon nga! Oo n-nga g-anon nga, sabi nga daw ikay mahal ko na" sagot nya habang tumuturo kung saan saan.

Nagulat ako sa sinabi nya!

Ikay mahal ko na
Ikay mahal ko na
Ikay mahal ko na

Paulit-ulit na nag-eco sa pandinig ko yung mga sinabi nya. Punyemas naman talaga!

May sapi ba to?

"Woi Coline! Anong Oo ganon nga? Anong ika'y mahal ko na? Hindi ko maintindihan!" sita ko sa kanya.

Tumayo sya ng maayos tyaka nahihiyang tumingin sa akin.

"E-ehe....W-wala l-ang yon, s-sige alis na ko." Aalis? Kung makatawag sya kanina akala ko importante yung sasabihin nya.

"Yun lang ba ipinunta mo dito? Kung makatawag ka kanina akala ko may sasa-bihin kang importante" asar na sabi ko.

"Ayy...Oo nga pala! Yun nga pala yung pinunta ko dito." Wag mo na kayang sabihin?

"Ano ba kase yun? Bakit hindi mo subukang sabihin?"

"Wag ko na kayang sabihin sayo....Ahm let me think, ay wag na nga! Mukhang ayaw mo naman akong makita kawawa naman dun si Vanna nakikipagsagutan daw kila---"

Hinitak ko sya papalapit sakin.

"Hey! W-what are you doing?" nagreklamo ka pa ng lagay na yon ah! Daig mo pa kamatis sa pamumula!

"Nasan si Vanna? Anong nangyari kay Vanna?" Punyemas! Nginitian lang ako ni Coline tyaka nandila. Isip bata ang king-ina!

"Coline!kinakausap kita ng maayos!" Bwisit!

Mas lalo ko pa syang hinapit at sinandal sa pader. Pulang pula na yung mukha nya. Haha!

"Arouch naman!" Arouch? Aray at Ouch ba yon? " Bahala ka nga dyan! Aalis na ko! Kawawa naman si Vanna don"
Sabi nya tyaka umupo at gumapang para makakawala sa pagkaka-corner ko sa kanya.

Sinuntok ko yung pader "That's it! Ubos na pasensya ko sayong babae ka! Pag may nangyaring masama sa kapatid ko sisiguraduhin kong pagsisisihan mong sinilang ka sa mundong ito!"

Sigaw ko habang nakatingin sa pader. Hindi ko magawang tumingin sa kanya kase kita yung short nya.

Gumapang sya papaatras tyaka umupo sa harapan ko at tumayo para makabalik sa pagkaka-corner ko kanina! Baliw talaga sya!

"Okay Fine! Nasa room daw sya, nakikipagsagutan kila Cy---"

Hindi ko na tinapos yung sasabihinin nya mas mahalaga yung kapatid ko kesa sa mga dada nya.

"Carl!" Habol nya sakin. "Hintayin mo naman ako!"
"Ano ba Carl!"
"Isa! Pagsinigaw kong mahal kita wag kang aangal ahh"

"Paki ko sayo?" Sabi ko saka mas binilisan yung paglalakad, bwisit! Kaya nya ba?

When I Meet the Bad Boy King ( Watty's 2019 )Where stories live. Discover now