CHAPTER 25☆

234 14 4
                                    

"Ang epal mo talaga! Tara na nga at baka hinihintay kana ni Cyrus your luvs mo don!" aya nya sakin.

J3j3 amp0t3k!

Pumunta kami dun sa park na katapat lang nang condo na to. Hindi ko pa man din na igagala yung paningin ko nahanap na nang mga mata ko si Cyrus. Nakaupo sya dun sa ilalim nang puno at mukhang relax na relax na parang hindi kinakabahan! Bay kung ako yung nakabuntis baka hindi na ko mag kandaugaga kakaisip kaso wala naman akong etits. HAHAHA!

"Vanna nakita mo na si Cyrus?" naghahanap na tanong ni Coline sakin.

"Ah eh ih hindi nga eh,baka hindi tayo sisiputin" pag sisinungalin ko at pilit syang nililihis dun sa gawi ni Cyrus.

"Doon tayo" turo ko dun sa kabilang fountain.

"No, hindi! Dito lang tayo" kontra nya.

Ikaw na kontrabida nang taon!

"Epal naman nito" bulong ko.

"Oh, ayon pala sya ehh! Feel at home lang ang peg dito sa park ahh" turo nya sakin.

"Anong feel at home?" takang tanong ko.

"Yan ohh mukhang ginawa nang tirahan tong park" turo nya sakin.

"Wag muna natin syang lapitan!" pang-uuto ko sa kanya.

"Oo nga noh! Kunwari hindi tayo pupunta HAHA!" pag sang-ayon nya.

"Oo nga yun nga hehe" kamot ulong sabi ko.

"Tara dito tayo sa likod nang halamanan" turo nya sakin at hinitak ako.

"Malamok dito oh!" sita ko sa kanya at akmang tatayo nang bigla nya kong hilain pabalik at napaupo ako.

"Mag tago muna tayo! Ssshhhh" pag papatahimik nya sakin.

"Oo na sige na" walang ganang sagot ko.

"Mas maganda pag yuyugyugin natin tong halaman para akala nya may multo. HAHA!" tatango tangong suhestiyon nya.

Kahit kelan isip bata talaga. Hinawakan nya kung halaman saka niyugyog nang niyugyog hanggang sa.

"ARAYY....."
"ANO YON! ANG SAKIT ARAY"
"Coline takbo! May putakteeee"

Sigaw naming pareho na naging dahilan nang pag lingon samin lahat nang mga tao. Hinitak ko palayo si Coline dun sa halamanan......

"Boogshh" may nabangga kami.

Pareho pareho kaming bumagsak sa bermuda pero wala lang sakin yon. Nag iinit yung braso ko. Parang isang batalyon nang putakte ang kumagat sakin at sa ibat ibang bahagi nang katawan ko.

"Anong ginagawa nyo dito?" takang tanong ni C-cyrus???????

Tinayo nya kami ni Coline at hinarap sa kanya.

"Pupuntahan ka namin" sagot ni Coline na nag papikit sakin na para bang ayoko nang dumilat pa muli

"Bakit nyo naman ako pupuntahan?" takang tanong ni Cyrus sa kanya.

"Tanga naman neto! Si Vanna yung-----" hindi ko pinatapos yung sasabihin nya at tinakpan ko yung bibig nya.

"Hehe, wala yon sige una na kami" akma kong hihitakin si Coline papalayo sa kanya nang hitakin nya yung braso ko at iharap ako sa kanya.

"Not, until hindi pa sinasabi sakin ni Coline kung bakit kayo nandito!" titig na usal nya saka nilayo sakin si Coline at tiningnan sa mata.

"Anong ginagawa nyo dito ni Vanna?" tanong ni Cyrus.

"Coline may nakita ko dun na magandang aso" pilit pang-uuto ko kay Coline kahit na nakatingin sya kay Cyrus.

"Close your mouth or else Im goin to kiss it to stay shut!" malanding usal nya habang nakatingin sa labi ko.

When I Meet the Bad Boy King ( Watty's 2019 )Where stories live. Discover now