CHAPTER 23☆

246 9 2
                                    

"Si Dad, sya yung kaunaunahang lalaking nanakit at nang-iwan sakin. Well, ganon talaga pag nagsawa na yung isang tao ibabasura nalang kayo. Mahal naman daw kami ni Dad eh pero hindi ko dama. Haha" pilit ngising kwento ko.

"Im sorry"

"No, its okay"

"Ang bait mo naman! akin nalang tong ice cream nyo ah" akma nyang kukunin yung ice cream ko nang isara ko yung ref at naipit yung kamay nya. HAHA!

"Ang akin ay akin" nanlilisik na sabi ko.

"Huhuhu! de sayo na! pero yung kamay ko akin lang to. Puputulin mo pa ata yung kamay ko eh" nang gigilid luhang himas nya sa kamay nya. Nginisihan ko lang sya at binuksan ulit yung ref.

"Wala akong pake sa kamay mo basta akin lang yung ice cream ko" pagtataray ko saka dinampot yung ice cream ko at umupo sa sofa. Naiwan syang luhaan at namumula ang braso. Ang arte ah! Mas masakit kaya yung mauntog yung pempem mo sa kanto nang lamesa!

"Nga pala, napabura mo na ba yung video?" tanong ko saka binuksan yung tv.

"Hindi pa" mangiyak ngiyak na sabi nya saka lumapit sakin at hinampas ako sa batok. Tiningnan ko sya nang masama pero nasa ice cream yung paningin nya.

"Bakit hindi mo pa dinadala? Pano pag nakita ni Kuya yon? Bahala ka hindi kita irereto sa kanya" pang-uuto ko at biglang umaliwalas yung mukha nya at nagpipindot sa cellphone na parang may tinatawagan.

"Hello"

"Yes my darling?"

"Darling, darling mahiya ka nga" sagot ni Coline.

"What do you need?" tanong nung kausap nya.

"Pumunta ka sa baba nang condo namin. May ipapabura ko sayo na video. Bilisan mo ah!" utos nya dun sa kausap nya.

Pinatay nya yung tawag at ngiting ngiting lumingon sakin.

"Reto mo ko ahh" malanding usal nya.

Kaya pala! Patay na patay kay Kuya ahh!

"Oo naman basta kailangan mabura yung video na yon."

Benta ko kaya si Kuya sa kanya! HAHA! charot!

"Yakang yaka nya yon" taas babang kilay nya. Tumayo sya at pumunta sa kusina. Lumapit sya don sa dishcabinet at kumuha nang kutsara. Lunapit sya sakin at nginitian ako nang malaki at tumuro sa ice cream na hawak ko.

Fine! Hindi naman ako madamot medyo lang.

"Oh" abot ko sa kanya ng ice cream.

"Alam mo Vanna napapansin ko sayo paiba iba yang mood mo. Minsan ang bait bait mo tapos na di dimonyo ka" tatango tangong sabi nya.

Napansin din pala nya.

"Ewan ko nga din ehh" inosenteng sagot ko.

"Laro tayo! Alam mo yung prank call?" tanong nya.

"Yes"

"I have an idea" sabi nya saka nag evil laugh.

Nag-iisip din pala sya.

"Really?" pag pipigil kong maging sarkastiko.

"Yup, peram cellphone tatawagan natin si Cyrus" nakalahad na sabi nya.

"Prank call diba? De alam nya na ako yung tumatawag! But wait may bagong sim card akong nakita dito" turo ko saka tumayo at pumasok sa kwarto ni Kuya.

Kinuha ko dun sa itaas nang cabinet nya yung Sim card na nakita ko. Magagalit kaya sya? Bahala na. Dahan dahan kong sinara yung pintuan at naabutan kong pinapakiealam ni Coline yung spotify ko.

" Army ka pala" sabi nya.

"Yes" sagot ko. "Here oh" abot ko sa kanya nang Sim Card. Kinabit nya yung sim card dun sa cellphone nya at tiningnan ako nang nakatawa.

"Bilis! Eto yung No. nya oh" abot ko nang cellphone ko.

"Teka, pano mo nga pala nakuha yung No. ni Cyrus?" nag dududang tanong nya sakin.

"Pano kamo nya nakuha yung No. ko!" balik ko sa tanong nya at hindi na sya nag-balang sumagot pa.

Naka Dial na yung No. ni Cyrus pero inabot pa nang siyam siyam bago sagutin. Mahina akong tumawa dahil sa kalokohan namin.

"Who's this?" galit na tanong nya sa tawag namin. tumingin ako kay Coline at ngumisi. Magagantihan na din kitang impakto ka!

"Hindi mo na ko natatandaan? Di ba ako yung pinangakuan mo nang lahat?" kunwaring iyak ko. HAHA!

"Wrong No. ka!" angil nya.

"No, diba ikaw si Cyrus" nag-iiyak iyakang tanong ko.

Nakita ko si Coline na nakatakip nang unan at halos mamatay na kakatawa.

"What the heck?" asar na sigaw nya.

"Sabi mo papakasalan mo pa ko diba?" hikbi hikbing tanong ko.

"Isa lang yung babaeng papakasalan ko! Saka sino ka ba?" galit na galit na sigaw na nya talaga. HAHA!

"Yung sinasabi mong babaeng papakasalan mo" pilit kilig na sagot ko kahit nasusuya na ko.

"Damn Gurl! I don't even know you!" sigaw nya. Narinig naming may nabasag na baso at mukha binato nya.

"Sabi mo papakasalan mo ko. Sabi mo ako lang. Alam mo bang may anak tayo at dalawang buwan ko nang ipinagbubuntis to" iyak iyakan ko. Napatakip ako nang bibig at tumawa. Si Coline naman nasa sahig na at nag wawala kakatawa.

"Mag kita tayo" sagot nya at nahinto kami sa ginagawa namin ni Coline. SHETE!

Lumapit ako kay Coline at hinampas sya para lumingon sya sakin.

"Anong gagawin natin?" bulong ko sa kanya saka sya tumayo at lumapit sa cellphone.

"Okay, pumunta ka sa Lovely Park" sagot nya dun sa cellphone saka nya pinatay yung tawag.

Natameme ako sa sinabi nya. Pupuntahan namin sya? Hindi ka talaga nag-iisip Coline!

"Bakit mo ginawa yon?" sigaw ko sa kanya.

"Ayaw mo non mapapanagutan na nya yung batang pinag bubuntis mo nang dalawang buwan" asik nya sakin saka tumawa.

Biglang bumungad sa harapan ko si Kuya na kunot na kunot ang noo.

"Sinong buntis nang dalawang buwan?" sigaw nya samin ni Coline.

"Kuya---"

"Buntis ka?" pag puputol ni Kuya sa sasabihin ko. Lumapit ako sa kanya saka sya binatukan.

"Ako buntis? Anong akala mo sakin!" sita ko sa kanya.

"Okay sorry, so sino buntis sa inyong dalawa---anong ginagawa mo dito?" gulat na gulat na tanong ni Kuya nang makita nya si Coline.

Agad na tumayo si Coline at lumapit sa bag nya. Nag halungkat sya nang naghalungkat. Anong hinahanap nya? Powder? Tarages mag po polbo pa sya bago humarap kay Kuya?Nasapo ko nalang yung noo ko sa kaabnuan nya.

-----☆

I appreciate your Votes and Comments
Enjoy Reading💜
Ready for the next chapter?
Lovelots💜

When I Meet the Bad Boy King ( Watty's 2019 )Where stories live. Discover now