CHAPTER 41☆

519 3 3
                                    

VANNA ALIZIA CORTEZ

Nabasag ang katahimikan namin nang may kumatok sa pinto.

"May bisita ka ba Vanna?" tanong sakin ni Mama.

"Wala naman po akong inaasahang bisita" sagot ko.

Nilingon ko si Tyron. "Baka naman si Keziah yon" ngising sabi ko.

Napailing sya at ngingisi ngising tumayo at lumapit sa pintuan.

"Sigurado kong si Cyrus to" ngising sabi nya saka binuksan yung pinto.

Bumungad samin si Cyrus at Caleb. Nakangising humarap sakin si Caleb saka kumaway. Si Cyrus naman agad na lumapit kay Mama saka bumati. Nilapitan ako ni Caleb,

"Lagot ka kay Cyrus. Nagmamadaling pumunta yan dito nung nalaman nya na nasa inyo si Tyron. Halos patayin ako nyan kakamadali sakin na bilisan ko daw magmaneho. Alam mo namang may gusto sayo yang unggo na yan tas magpapabisita ka kay Tyron. Mali yon Vanna. Mali yon"

Nilingon ko si Cyrus. Medyo tagaktak nga yung pawis nya. Sa postura pa lang nya alam mo nang nagmadali syang pumunta dito.

"Cyrus"  tawag ko.

Nilingon nya ko. Nagpaalam muna sya kay Mama bago tuluyang lumapit sakin.

"What!?" asar na tanong nya.

"Sorry na" nakangusong sabi ko.

"Ash! It's okay, saka nagpunta ko dito para kausapin si Tyron" sabi nya saka nilingon si Tyron na nasa likudan ko.

Nilingon ko din si Tyron saka tinanguan.

"Anong pag-uusapan nyo?" tanong ko sa kanya.

"It's private Vanna"

"Hindi ko pwedeng malaman?"

"No!" singhal nya.

Pumunta sa gilid ko si Tyron saka umubo nang bahagya. "Pwede naman nating pag-usapan dito yan. Baka mamaya bugbugin mo pa ko" tumatawang sabi ni Tyron.

"Bugok ka ba?" asar na tanong ni Cyrus.

Napangiti nalang ako nang maisip ko na magkaibigan pala sila dati. Pero...bakit ngayon hindi na? Wala naman siguro ko sa tamang posisyon para maghalungkat pa nang mga bagay bagay na matagal na nilang binaon sa limot.

"Sira ka ba!?" asar na sagot ni Tyron.

"Sasapakin kita" biro ni Cyrus at inakma pa yung kamay nya...na may dugo!

MAY DUGO?!

"Hoy lalake, anong nangyari dyan sa kamay mo ha" singhal ko saka hinawakan yung kamay nya at tiningnan nang mabuti.

"Wala lang yan, nabagsakan lang yan nang mabigat na bagay" sagot ni Cyrus saka binawi sakin yung kamay nya.

Tumango nalang ako saka napabuntong hininga. Kung ayaw nyang ipagamot sakin de huwag. Porque alam nyang concern ako mag papa hard to get pa! Kung ayaw mo hindi kita pipilitin. Kala mo namang may pake ko dyan sa kamay mo. Kahit labasan pa yan nang eroplano at barko wala akong pakielam. Kung gusto sumakay pa tayo don oh! Pektusan kita dyan eh

"Sus, halata namang nabasag sa kamay mo yung baso" singit nanaman ni Tyron.

Bagay kayo! MGA BAKLAA!!!

"Kahit nasagasaan pa yan nang ten wheeler truck wala naman akong pake" bulong ko habang nakapameyang sa harapan nila.

"Masyadong hindi makatotohanan yang sinabi mo Vanna" singit ni Caleb na ngayon eh kinakain yung mga prutas na dala sakin ni Tyron.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 26, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

When I Meet the Bad Boy King ( Watty's 2019 )Where stories live. Discover now