CHAPTER 35☆

203 4 0
                                    

CYRUS POV

Naglalakad ako sa hallway ng hospital para bumili nang gamot ni Vanna..nang may biglang humitak sakin. Napahawak ako sa kamay na nakahawak ngayon sa kamay ko. Hindi ko mamukaan ang isang to dahil nakatalukbong sya ng jacket habang nakatalikod sakin.

"Anong kailangan mo?" mahinahong tanong ko.

Unti unti nyang binitawan yung kamay ko at inalis yung talukbong sa ulo. Hindi pa din nabago yung direksyon nya't nakatalikod parin sakin ang isang to. Batid kong lalaki sya.

"Sino ka?" may halong pagtatakang tanong ko.

Humarap sya sakin at nakita kong namumula yung mga mata nya. Galit na galit sya na para bang gusto na nya kong kitilan ng buhay ngayon.

"Anong kailangan mo?" ngising tanong ko.

"Hindi mo kami sinupot noong nakaraan, hindi mo naman sinabi na naduduwag ka na pala hari" sabi nya na ikinagulat ko.

Sa bawat gulong pinapasukan ng gang ko, laging may takip ang mukha ko. Pero bakit ang isang to nalaman kung sino ako.

"Marami akong ginagawa at hindi ko maisingit ang pakikipaglaban sa inyo. Masyadong mahalaga yung oras ko para paglaanan kayo" ngising anang ko.

Napangiti sya at tiningnan ako ng masama. "Ginto ba yang oras mo at sobrang halaga sayo? Eh kung sabihin kong hawak ko ngayon ang nanay mo?" humahalakhak na sabi nya.

Napakuyom yung kamao ko at akmang sasapakin sya ng bigla may humampas sa batok ko. Bumagsak ako sa sahig pero hindi ko maipikit ang mga mata ko. Pinilit kong tumayo pero paulit ulit din akong bumabagsak sa sahig at mas lalong nagpapabigat sa sitwasyon ko.

"Ang pag-aakala ko'y kasing lakas kita pero mukhang isa kalang tuta na takot sa amo nya." ngising saad nya.

Napatingin ako sa humampas sa batok ko at gulat na gulat akong pinagmasdan sya.

"Isa kang malaking Traydor" sigaw ko.

"Hi pare" ngising sabi nya habang pinagmamasdan yung kabuan ko.

"Wag mo kong matawag tawag na Pare dahil sa katraydurang ginawa mo sakin" bulyaw ko sa kanya.

Napangisi sya. "Nakakatamad magpaalila sayo, walang masyadong thrill. Ilang beses ka na naming inimbitahan pero ni isa wala kang sinipot. Masyado ka na bang duwag ngayon?" sigaw nya saka tinadyakan yung likod ko.

Napaubo ako at napahawak sa dibdib.

"Akala ko malakas ang isang to pero walang palang binatbat pag dating sa bakbakan, hindi makagalaw pag walang dalang kapit" ngising sabi nung naka jacket.

"Hintayin nyong humupa yung kirot ng batok ko at sisiguraduhin ko na patayo palang ako pabagsak na kayo" pilit ngising banat ko sa kanilang dalawa.

Nagkatinginan sila at nagtawanan.

"Bakit naman kase tinira mo agad, hindi mo muna hinayaang makalaban" ngising sabi nya.

"Magkaibigan tayo at alam kong alam mo yung mga galaw ko. Maaring kabisado mo na yung mga kilos ko. Pero ang pinakasigurado ko sa lahat eh isang sapak ko lang sayo sisiguraduhin kong babaon ka agad dyan sa lupang kinatatayuan mo" banta ko sa kanya pero mukhang hindi sya natinag.

"Hihintayin ko ang araw na yan kaibigan. Saka hindi lang buhay mo ang nakataya dito, kundi buhay ng babaeng mahal mo" anang nya.

"Hindi ko alam kung anong nagawa ko sa inyo at lalong lalo kana kaibigan ko" turo ko sa kanya. "Sa pagkakaalam ko wala akong atraso sayo at sa tutuusin mas malaki pa atraso mo sakin. Magkaibigan tayo pero pinagtaksilan mo yung gang natin. Alam mo yung kaparusahan na matatamo mo pero alam mong maliligtas ka dahil hindi ko hahayaang gawin nila sayo yon. Sobrang laki ng tiwala ko sayo. Parang kanang kamay kita pero tinraydor mo ko. Pagsisisihan mo tong ginawa mo." mahabang lintaya ko sa kanya.

When I Meet the Bad Boy King ( Watty's 2019 )Where stories live. Discover now