CHAPTER 27☆

211 8 1
                                    

--------------☆,

Nagpaalam na ko kila Cyrus na aakyat muna ko sa kwarto ko at magpapahinga. Pumayag naman sya at titingnan tingnan nalang daw nya ko minuminuto.

Nakahiga ako ngayon sa kama at nakatulala. Parang nadurog yung puso ko sa nangyari kanina. Ang sama ko sigurong tao.

Narinig kong may kumakatok sa pintuan. " Pasok" walang ganang sigaw ko. Nakita kong pumasok si Cyrus sa kwarto ko at umupo sa paanan nang kama ko.

"Okay ka na ba?" tanong nya sakin.

Tiningnan ko sya saka ngumiti. " Hindi pa" maikling sagot ko.

"Ano bang magpapasaya sayo?" tanong nya saka tumayo at pumunta sa tapat ko. Umupo sya sa lapag at humarap sa mukha ko. Hinaplos haplos nya yung buhok ko.

"Wala, wala kang kailangang gawin" sagot ko at tinalikod sa kanya yung ulo ko.

Narinig ko yung malakas na pagbuntong hininga nya. "May papakuha ka ba sa labas?" tanong nya.

"Meron"

"Ano? Bilisan mo kukunin ko para sayo"

"Tiwala nang Kuya ko" malumanay na sagot ko.

Kailangan ko bang uminom nang bearbrand? Kaso hindi naman malou pangalan ko para maging maloupit ako pag uminom nang gatas na yon.

"Nakuha nyo pa talagang maglandian dito sa loob nang kwarto" narinig kong sigaw ni Kuya kaya napabalikwas ako nang bangon.

"Anong malandi sa ginagawa namin?" matapang na sagot ni Cyrus. Hindi pa din pala nagagamot yung mga sugat nya.

Hindi nakasagot si Kuya at masamang tumingin sakin. "Paparating na si Mama, magpaliwanag ka kung anong kalandian yung ginawa mo at nabuntis ka!" sigaw ni Kuya sakin.

Hindi na ko nag-abalang sumagot. Tumayo ako at lumabas ng kwarto. Nakita kong natutulog sa sofa si Coline at onting asog nalang nya mahuhulog na sya. Tumingin tingin ako sa bawat sulok bago....

*BLAAAGGG*

Tinulak ko sya kaya sya bumagsak sa sahig pero mahimbing pa rin yung tulog nya. Bobita!

Pumunta ko nang Ref at naghanap nang makakain. May nakita kong sinigang na mukhang niluto ni Kuya. Naghain ako nang apat na plato sa lamesa. Pumunta ako nang kwarto at nakita kong nakatingin si Cyrus sa picture ko nung bata ako.

"Ehem" ubo ko.

"Sorry, ang cute mo kase dito" sabi nya at nilapag ulit sa study table ko yung picture.

"Naghain pala ko nang pag kain don baka nagugutom ka" sabi ko sa kanya saka nya ko nilapitan at inakbayan.

Punyemas ka!

"Wag mo kong akbayan" sabi ko sa kanya pero hindi sya nagpatinag at nilipat nang pwesto yung kamay nya sa bewang ko.

"Ang kalandian nilulugar yan pero sa lugar nyong yan pwede naman kayong maglandian tutal pinanganak na kayong ganyan" sabi ni Kuya kaya napayuko ako sa hiya. Dumiretso sya sa lamesa at sumandok ng kanin.

Naupo ako sa gilid ni Kuya, samantalang si Cyrus naupo sa kaharapan ni Kuya.

"Hindi nyo gigisingin si Coline?" malamig na tanong sakin ni Kuya.

Nagmadali akong tumayo at lumapit kay Coline. Tiningnan ko sya habang nakahiga sa sahig. Hindi naman nakatingin si Kuya kaya okay lang. Sinipa ko nang ilang ulit yung pwet nya para magising sya. Bumangon sya at humarap sakin na pumupungay ang mga mata.

"Anong nangyari? Bakit nasa baba ako?" naguguluhang tanong nya.

"Kakain na bobita!" sabi ko at iniwan sya sa sala.

Bumalik ako sa upuan ko.

"Kuya can we talk?" tanong ko sa kanya pero hindi nya ko tiningnan.

"No, kumain ka ng kumain dyan at landiin mo yang Cyrus na yan" sigaw sakin ni Kuya kaya napapikit ako.

Tumayo ako na kinagulat nila. " Wala ka na bang ibang sasabihin kung di malandi ako? Abay putangna oo na malandi na ko! Ako na malandi, kaladkarin na ko! Ako na bayaran! Hindi ako makapaniwala na sayo mismo nanggagaling yang mga salitang yan! Akala ko kilala mo ko kase kapatid mo ko pero ikaw pa yung unang humusga sakin na hindi man lang ako hinahayaang magpaliwanag!" umiiyak na sigaw ko kay kuya habang paulit ulit na hinahampas yung lamesa.

Tumayo din si Kuya at tiningnan ako ng masama. "Hindi pa nga kita lubos na kilala kahit kapatid pa kita, hindi ko inakalang magpapabuntis ka. Wala ka nang kailangang ipaliwanag dahil ngayon pa lang pinakita mo na sakin kung gano ka kalandi" sigaw ni Kuya sakin saka tumingin kay Cyrus.

Ang sakit! Kung kaya ko lang magpakamatay bakit hindi!

Tumakbo ako papasok nang kwarto. Ni lock ko yung pintuan para hindi sila makapasok. Napasandal ako sa pintuan at napadukdok sa mga braso. Ilang beses ko ding sinabunatan yung sarili ko. Tumayo ako at paulit ulit na pinagsusuntok yung pader sa gilid ko.

"Malandi ka pala ehh!"

"Oh ano Vanna sabi nang kuya mo malandi ka"

"Biruin mo yon pati kuya mo hinuhusgahan ka"

Paulit ulit na sabi ko sa sarili ko.

Lumapit ako sa cabinet at hinanap yung gunting ko. Hindi ko maramdaman yung sarili ko. Hindi ko na alam kung anong ginagawa ko. Naramdaman ko na lang na tumutulo na yung dugo sa kaliwang pulso ko. Napalakas ang pagbagsak ko sa sahig at napahagulgol nang malakas.

Napahawak ako sa ulo ko at niyugyog nang niyugyog ito.

"Argh Shit" umiiyak na sigaw ko.

Narinig kong nagkakagulo sila sa labas at pilit nilang binubuksan yung pintuan ng kwarto ko. Wala akong lakas para tumayo at humingi nang tulong sa kanila. Unti unti nang pumipikit yung mga mata ko at lalong pakirot nang pakirot yung braso ko. Napapikit ako.

THE END.

charot! Hindi pa dito magtatapos ang kweto ni Vanna

○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○

I appreciate your Votes and Comments
Enjoy Reading💜
Ready for the next chapter?
Lovelots💜

-------------☆,
Announcement for my readers💜

You can find out what will happened next💜 I Purple You"

When I Meet the Bad Boy King ( Watty's 2019 )Where stories live. Discover now