CHAPTER 22☆

217 10 0
                                    

Vanna's POV

Pag-alis ni Keziah pinasok ko na si Kuya sa loob. Kingina! Sampalin ba naman ako nang demonyita. Manang mana talaga sya sa Nanay nya.

"Kuya pumasok kana sa kwarto mo ako nalang mag liligpit nito" utos ko sa kanya saka sya naglakad papasok sa kwarto nya.

Kinuha ko yung remote saka pinatay yung Tv. Inalis ko muna yung mga bote ng wine na nakakalat sa sahig, si Kuya lahat uminom nang mga yan. Nilagay ko sa lababo yung pinaglagyan ng pop corn at junk foods na kinainan namin. Kinuha ko yung walis dun sa tabi ng Ref at inumpisahang linisin yung bahay. Nilingon ko yung sofa at nakita ko yung cellphone ni Kuya. Bibigay ko sana kay Kuya yung cellphone nya ng mapansin kong 14 missed call? 10 new messages?. Baka naman hinahanap na sya nung pupuntahan nya kanina?.

Binuksan ko yung mga messages at...

"Anak, anong balita sa kapatid mo "

"Hindi ka ba pupunta dito? Diba may usapan tayo anak"

"Hinihintay ka namin ng Tita mo dito anak"

Anak? Si Daddy ba pupuntahan nya kanina? Saka bakit makikipag kita sya kay Tita? Bakit hindi nya sinasabi sakin yung tungkol dito? Anong meron?

"RINGGGG RINGGGG*

Napabalik ako sa reyalidad nang mag ring yung cellphone ko. Kinuha ko agad ito at tiningnan kung sino yung tumatawag.

*Coline is calling*

"Oh?" sagot ko sa tawag.

"Bakit iniwan mo naman ako agad? Akala ko ba pupunta pa tayo sa mall? Saka yung video na ipapa delete natin hindi pa natin nadadala dun sa shop pano pag nakita yon ni Carl?" tanong ni Coline.
"Alam mo naman sana yung nangyari kanina saka kung pwede pasuyo nalang. Tinatamad na kong lumabas." sagot ko sa kanya.

"Nako Vanna sinisipag ka pa ba? Pero sige ako nalang magdadala sa shop pero sa isang kondisyon" kinikilig na sagot nya.

Kailangan may kondisyon pa?

"Ano namang kondisyon yan?" asik ko.

"Dyan ako matutulog sa kwarto nyo para makita ko agad si Carl ayiiieee" kinikilig na sabi nya.

Hindi naman sana sya ganto kalala nung nakilala ko!

"Sige na umakyat kana, hihintayin nalang kita" sagot ko saka binaba yung tawag.

Kinuha ko sa kwarto ko yung Ipod. Mag soundtrip nalang muna ko hanggang wala pa si Coline.

*54 new notifications*

Damn Vanna! Wag ka munang mag bukas ngayon, pigilan mo yung sarili mo Vanna. Waaaaaa FB layuan mo ako. Dahan dahan kong nilayo yung kamay ko dun sa apps na yon pero...nabigo ako. Minadali kong buksan yung laman ng notification's at nagbabakasakali na yun yung hinihintay ko. Nabigo ako nang mabuksan ko yung bawat notification's it's about me and Cyrus. Kala ko pa naman tungkol sa Bangtan yung laman ng mga notification's na yon kung di yung mga immature na tao. Damn those people.

*DINGGG DONGGG*

Si Coline na siguro. Tumayo ako saka binuksan yung pinto. Bumungad sya sakin na ngiting ngiti at humuhulas sa pawis.

"Oh bakit pawis na pawis ka?" naguguluhang tanong ko sa kanya. Saka bakit andami nyang dalang gamit?

"Maraming tao dun sa elevator kaya sumakay nalang ako sa hagdan" tangna sinasakyan ba yung hagdan?

"Pano sakyan yung hagdan?" pilosopong tanong ko.

"Ano ba yan! Akala ko pa naman matalino ka! Una kakausapin mo muna yung hagdan, pangalawa sasabihin mo sa kanya kung saang floor ka baba, pangatlo ihahatid ka nya sa pupuntahan mo ganon lang ehh" angil nya.

Sya pa talaga may ganang magalit ahh. So yung hagdan pa nag adjust sa katangahan nya?

"Masubukan nga minsan" pang-uuto ko para hindi sya mag mukhang tanga.

"Bakit nga pala andami mong dalang gamit?" senyas ko dun sa bag na nakasakbit sa likod nya.

"Ano naman? Saka ayokong mag mukhang dugyot sa paningin ni Carl noh kaya nagdala na ko nang sangkatutak na makeup at gamit" sagot nya saka tinulak yung pintuan at hindi nag-atubiling pumasok sa loob. Nakoo malilintikan kana.

"Ang kalat ahh" suri nya sa loob ng condo namin.

"Ang linis mo ah" asik ko pero hindi man lang nya ko pinansin at aligagang aligaga sa pagbukas nang bawat pintong makikita nya.

"Nasan yung kwarto ni Carl dito?" kinikilig na tanong nya saka binaba yung mga gamit sa sahig.

Lumapit ako dun sa isang pintuan saka binuksan at tinuro si Kuya na nakahiga ngayon sa kama. Papasok sana sya kaso hinitak ko sya.

"San ka pupunta?"

"Kay Carl"

"At bakit?"

"Titingnan ko lang sya"

"Hindi pwede"

Sagot ko saka malakas na sinara yung kwarto ni Kuya.

"Ang sungit mo" asik nya sakin saka padabog na umupo sa sofa.

"Ang landi mo" mataray na sagot ko pero binelatan lang nya ko.

Hindi naman sya ganyan dati diba? Epekto ba yan nang love?

"Anong malandi don huh? Saka ngayon lang ako nagkagusto sa isang tao, ang swerte kaya nya kase first love ko sya!" nagpapacute na sabi nya pero nginitian ko lang sya.

"First love mo si Kuya?" ngising tanong ko sa kanya. Hinampas nya yung braso ko at tiningnan ako nang masama.

"Eh ano naman kung first love ko sya eh ikaw si Tyron ba unang nang wasak nyang puso mo" ngising tanong nya at dinutdot dutdot nya yung dibdib ko. Hindi ko din naiwasan yung mga nanunuksong tingin nya.

"Hindi noh!" angil ko pero inismiran nya lang ako.

"De hindi lang si Tyron yung naging boyfriend mo? I don't know lang huh! Pero nalalandian na ko sayo" humahalakhak na tawa nya.

Mayabang ko syang nginisihan " Well, anong kinalandi ko don? Nagmahal lang naman ako diba? Saka si Tyron lang yung naging Boyfriend ko" asik ko saka nilayasan sya at nagpunta sa kusina.

"So, anong ibig mong sabihin? Alam mo Vanna yung brain cells ko hindi gumagana" ngising sigaw nya saka lumapit sa ref at nag halungkat nang makakain.

Feel at home ang peg!

----☆

Thanks for reading♡
Lovelots💜
Ang tagal ko na ding hindi nag Update

When I Meet the Bad Boy King ( Watty's 2019 )Where stories live. Discover now