CHAPTER 14☆

333 17 0
                                    

VANNA'S POV

Napabalikwas nalang ako sa pagkakahiga nang may humampas na braso sa mukha ko.

Nandito na pala ko sa bahay. Hinanap ko yung cellphone ko at tiningnan yung oras..........2:30? Madaling araw na? Masyado ata akong napagod.

Dito narin pala natulog si Kuya sa tabi ko. Nakatulog siguro si Kuya kakabantay sakin, kahit kelan ayaw nya kong nasasaktan. Hindi pa din nagagamot yung sugat nya. Mas inuna pa nya ko kesa sa sarili nya.

Nagmadali akong kumuha nang gamot na ilalagay dun sa sugat ni Kuya. Hindi pa din sya nagbibihis, nakasuot pa sa kanya yung sapatos nya.

Inalis ko muna yung sapatos nya bago ko lagyan nang gamot yung sugat nya.

Napatitig ako sa mukha ni Kuya tyaka nagsalita.

"Ang swerte ko kase may kuya akong katulad mo. Hindi mo ko pinapaba-yaan kahit na ikaw pa yung masaktan. Ikaw na ang pinakabest kuya in the world" sabi ko tyaka piningot yung ilong ni Kuya.

Bigla nalang nyang minulat yung mata nya tyaka ngumiti sakin.

"Narinig ko yun Vanna! Ang sweet naman ng princess ko oh!" Sabi nya tyaka umupo sa kama, tinalikod nya ko sa kanya at niyakap sa likod.

"Alam mo Kuya. Ikaw ang pinakabest Kuya in the world. Ang swerte swerte namin ni Mama sayo"

"Gagawin ni Kuya lahat para sa inyo ni Mama. Okay lang kaya sakin kahit na ako na yung masaktan basta wag lang yung queen at princess ko" Haha! Kahit kelan talaga si Kuya.

"Oo na kuya ikaw na ang sweet! Bat di ka pa nagbibihis kuya? Baka magkasakit ka magalit pa sakin si Mama nyan!."

"Oo na po Boss eto na! Magsusumbong pa kay Mama eh! Kahit kelan talaga" sabi nya tyaka tinanggal yung pagkakayakap, tumayo sya tyaka humarap sakin.
Nakatingin lang sya sakin

"Kuya ano yan? May ginawa kang kalokohan noh?"

"Wala noh! Hindi ko lang kasi alam kung pano natin ipapaliwanag kay Mama na nakita natin si Papa."

Noooooo! Hindi muna pwedeng malaman ni Mama na nakita namin si Papa baka pauwiin kami non!.

"Wag muna kuya! Satin satin muna yon! Baka pauwiin tayo ni Mama!"

"Okay, sabi mo eh! Pero ayokong dumating dun sa punto na malalaman pa ni Mama sa iba yun ah!"

"Oo kuya promise aayusin muna natin to bago natin sabihin kay Mama"

"Sige na matulog ka na! Goodnight my Princess" Haha! Ang sweet ng kuya ko!

"Goodnight Kuya! Sweet dreams" sabay halik sa pisngi nya!

"Agahan mo gising bukas ha! Baka malate tayo!" Hahaba pa tong usapan na toh eh!

"Oo na sige na Kuya,tumatakbo yung oras oh! Baka late akong magising bukas, ikaw din baka ma late tayo!" Pang-aasar ko sa kanya.

"Tch!" Sabi nya tyaka umalis ng kwarto ko.

Hayyyy! Gumaan yung loob ko dahil kay Kuya. Ang swerte talaga namin sa kanya.

Napansin ko yung cellphone ko na kanina pa nag va-vibrate.

WTF! 112 MESSAGES?

Isa isa kong binukasan yung mga messages. Halos lahat ng messages kila Coline. Mahirap nang ibalik yung tiwala sa isang tao!

May natanggap din akong messages kay Mama.

Pero hindi ko inexpect na ite-text ako ni Cyrus. Nagmadali akong buksan yung convo namin tyaka binasa yung text.

From: Cyrus

"Nakita kita kanina dito sa Park. Lalapitan sana kita kaso may Lumapit sayong lalaki, mukhang kilala mo sya kaya hindi na ko lumapit. Kung ano man yang pinagdadaanan mo malalampasan mo din yan. If you need A comforter Im here. Goodnight:)"

Nangiti nalang ako sa messages nya ang sarap pala sa pakiramdam na may nakakaintindi sayo kahit hindi man kasing dami nang naninira sayo

Hindi ko na napigilan yung antok ko. Hindi ko narin nagawang mag reply don sa text ni Cyrus baka magising pa sya pag nag reply ako.

*KINABUKASAN*

Pagmulat ko nang mata ko napahawak agad ako sa ulo ko. Ang sakit naman nang ulo ko. Mukhang lalagnatin pa ko.

"Vanna! Bumagon ka na dyan anong oras na oh!" ang aga aga pa eh!

"Kuya may relo ka diba bat sakin mo tinatanong yung oras!Tch!"
Pampipilosopo ko sa kanya. Haha!

"Aba! Loko ka ah! Baka gusto mong makatikim nang lumilipad na tabo!" Haha!kahit kelan hindi talaga sya papatalo.

"Oo na eto na babangon na. Kawawa naman yung beauty ko pag natamaan nanaman nang lumilipad na tabo. Haha!"

"Bilisan mo nga dyan nag da-day dream ka pa. Ako na yung nagluto kasi alam kong pagod ka!." Ang laki talaga ng boses ni Kuya! Ke aga aga kala mong may kaaway! Haha!

"Give me 5 minutes lalabas na ko dyan"

Pagtayo ko sa kama ko napahawak ako sa ulo ko tyaka ko inalog alog. May sinat na ata ako. Psh! Kung sasabihin ko naman kay kuya baka hindi din sya pumasok. Alam ko namang nag-aaral sya nang mabuti para samin.

Psh! Bahala na sinat palang naman eh!

Pagbuhos ko nang tubig sa katawan ko napasigaw ako.

"Waahaaaaaaaa" jusqu Lord help me.

Kumatok si Kuya dun sa pintuan nang kwarto ko.

"Vanna anong nangyayari dyan? Ayos ka lang ba?" Nag-aalalang tanong ni Kuya.

"A-ahm malamig kasi yung tubig kaya ako napasigaw. Ayos lang ako kuya. Hehe!"

"Sige bilisan mo. Haha!" Pinagtawanan pa ko.

Paglabas ko nang banyo dali dali kong sinuot yung uniform namin. Ang sexy kong tingnan sa uniform na to. Haha!

Naka braid din yung buhok ko sa isang side. Yan! Nagmukha na ulit akong tao.

Paglabas ko nang kwarto ko bumungad sakin si Kuya na kumakain. Hindi pa din pala sya tapos. Ang takaw talaga kahit kelan.

Tiningnan ni Kuya yung kabuuan ko. Tyaka tiningnan ako nang masama.

"Bakit nanaman huh kuya?" Nakakunot pa din yung noo nya sakin.

"Bat ganyan kaikli yung uniform mo?" Kasalanan ko ba kung sexy ako sa ganito.

"Naku kuya hayaan mo na. Marunong naman akong mag ninja moves. Pag may nambastos, babanatan! Haha!" Nakitawa na rin sakin si Kuya.

"Natatandaan mo pa rin pala yung tinuro ko sayo yung pano maki-paglaban."

"Oo naman ako pa ba"

"Oo na marunong kana! Kumain ka na dyan. Mauuna na ko dun sa kotse sa basement hintayin mo nalang ako dun sa entrance ng condo na to ahh."

"Ayoko din namang pumunta sa basement Kuya. Ang dilim dilim dun nakakatakot."

"Haha! Duwag!" Hahampasin ko sana si Kuya kaso nagmadali syang tumakbo papunta sa pintuan ng room namin tyaka umalis.

Nagmadali akong kumain, inurungan ko na din yung pinagkainan namin ni Kuya. Kung baga sa condo na to ako ang katulong sya ang hari. Nayss diba!.

Bago ko tuluyang lumabas tiningnan ko muna yung sarili ko sa salamin. Ang taba nung pisngi ko pero ang payat ng katawan ko!.

Paglabas ko nakita ko si..........

When I Meet the Bad Boy King ( Watty's 2019 )Where stories live. Discover now