CHAPTER 40☆

197 4 0
                                    

VANNA ALIZIA

"Mama pwede na ba kong pumasok bukas?" tanong ko kay Mama saka sya nilingon sa lababo.

"Next week ka na siguro pumasok, magpahinga ka muna" sagot ni Mama saka nagpunas nang kamay at tinabihan ako sa sofa.

Tinitigan nya ko. "Bakit po?" tanong ko.

"Vanna, nagpaalam nga pala sakin si Tyron kahapon na bibisitahin ka nya ngayon, ayokong pumayag pero naawa ako." paliwanag ni Mama.

Hinawakan ko yung kamay nya saka ito pinatong sa dibdib ko.

"Mama ang tagal na non hindi ko na po sya gusto, saka tanggap ko na din po na hindi po talaga kami yung para sa isa't-isa at higit po sa lahat eto pong puso ko." turo ko sa dibdib ko. "May iba na po tong gusto" masayang sabi ko.

Ngumiti si Mama. "Kwento ka naman kay Mama, sino ba yang love mo ha. Baka saktan ka nanaman nyan"

Napahugot ako ng malalim na hininga saka ngumisi kay Mama. "Ehe? Si Mama naman nahihiya ako. Saka pag po nasaktan ulit ako, mag ma madre na po talaga ko" ngising sabi ko.

"Sira ka talagang bata ka! Sayang yang ganda mo pag nag Madre ka. Saka secret natin to sa Kuya mo" ngising sabi ni Mama.

I miss this..

"Mama naman eh wala naman pong masasayang sakin kase hindi naman po ako maganda. Saka Mama secret lang po natin to kay Kuya ha, magagalit po sakin yun" sagot ko.

"Nagmana ka kaya sakin kaya naman maganda ka, saka sino ba yang gusto mo" ngising sabi ulit nya.

"Si Cyrus Ma" nauutal na sabi ko.

Nagtataka akong nilingon ni Mama.

"Sinong Cyrus?" naguguluhang tanong nya.

"Yung gwapo po na kausap nyo sa ospital kahapon" sagot ko.

Nginisihan ako ni Mama. "Naalala ko na" sabi ni Mama. Tiningnan ako ni Mama saka tumawa. "Gwapo pala ha" tumatawang sabi nya.

Napatakip ako sa unan sa kahihiyan. "Mama naman eh" angil ko.

"Sus, ikaw talagang bata ka ang hilig hilig mo sa gwapo!" ngising singhal ni Mama.

"Kay nino pa po ba ko magmamana? Hindi mo naman po siguro nagustuhan si Papa kung hindi sya gwapo diba Ma?" ngising sabi ko.

Napatigil si Mama sa kakatawa at sumandal sa sofa.

"Gwapo nga yung Papa mo kaso manloloko" mahinang sabi nya.

"Ma naman, ang saya saya natin tapos mag-iisip ka ng mga nega things. Wag mo po munang isipin si Papa, nakaya naman po natin na wala sya diba?" pangungumbinsi ko.

"Vanna anak pwede ba kong humiling sayo?" tanong ni Mama sakin.

Napakunot yung noo ko saka tumango.

"Pwede bang tawagan mo yung Papa mo at puntahan tayo dito? Tapos sabihin mo sa kanya, kakain tayo sa labas" nauutal na sabi ni Mama.

Napahinto ako saka malungkot na tiningnan si Mama.

"Sige po" tanging sagot ko.

Ngumiti si Mama saka tumayo. Tatayo na din sana ako at lilipat sa kwarto nang may kumatok sa pinto.
Lumapit ako sa pintuan saka ito binuksan.

"Hi" bungad agad sakin ni Tyron.

"Oh ikaw pala, pasok ka" sabi ko saka binuksan ng malaki yung pinto.

Tumuloy naman sya at naupo sa sofa. Feel at home ah

"Napabisita ka?" tanong ko saka lumapit at tumabi sa kanya.

When I Meet the Bad Boy King ( Watty's 2019 )Where stories live. Discover now