CHAPTER 32☆

207 5 1
                                    

Vanna's POV

Ang tahimik ng buong paligid. Ang lmaig ng dampi ng hangin sa katawan ko. Iminulat ko ang mga mata ko at naramdaman ang hapdi sa kaliwang braso. Nagpalingalinga ako sa paligid at nakita ko sila na nakaupo sa sofa. Ang tahimik nilang lahat.

"Kuya" usal ko at naramdaman ko ang pagtulo ng aking mga luha.

Napalingon sila sa gawi ko at hindi nagkandaugaga sa paglapit.

"May masakit ba sayo? Okay ka lang ba? Nagugutom ka ba? Bakit ka umiiyak?" sunod sunod na tanong ni Kuya.

Umiling ako saka ngumiti. "Bakit ako nandito?" naguguluhang tanong ko. "Bakot masakit yung kaliwang braso ko?" turo ko.

Nagkatinginan silang lahat na animo'y nagkakaintindihan sa pagtataasan ng kilay.

"Ah eh nasabit lang yan sa matulis na bagay" palusot ni Kuya.

Napatingin ako sa kaliwa at nakita ko si Mama, napangiti ako at agad na niyakap sya. Kumirot nanaman ang aking pulsuhan.

"I miss you Ma" sabi ko habang yakap yakap pa din ang aking ina.

"I miss you too baby" sagot ni Mama sakin.

Nakita kong nakatingin sakin si Coline pero ngiti lang ibinigay ko sa kanya. Nandito din pala si...Tyron at Keziah pati yung Mom nya at si Dad.

"Are you okay Vanna?" tanong sakin ni Daddy.

Tiningnan ko sya na parang hindi kilala at bumaling ulit kila Kuya.

Narinig ko yung pagbuntonghininga ng aking ama pero walang wala pa yon sa naramdaman ko nung pinagpalit nya kami sa ibang pamilya.

"Vanna tinatanong ka ng Daddy mo!" saway sakin ni Mama.

Napangiti ako at muling bumaling sa aking ama. "May Daddy ba ko" tanong ko sa kanya.

Naramdaman ko ang pagbabago ng ihip ng hangin. Lahat sila natahimik.

"See, wala akong ama" ngising sabi ko.

"Gumalang ka sa mas nakakatanda sayo hija" suway sakin nung Mommy ni Keziah.

"Ahh ganon po ba? Sige po next time nalang pag kagalang galang na yung kaharap ko" sabi ko.

"Galit ka pa din ba sakin?" Tanong ni Daddy.

"Hindi ako galit sayo, galit ako sa ginawa mo kase pano nyo nagagawang magmahal ng iba at iwan yung nasimulan mo na. Para kang nagpakasal sa dalawa! Iba sa umaga iba sa gabi!" sigaw ko.

Alam kong nagtitimpi nalang sakin si Daddy pero tama naman ako diba?

Nakalimutan ko na atang galangin sya.

Wala na kong natitirang paggalang sa kanya.

"Federico, umuwi muna kayo" singit ni Mama.

"Sige, dadalaw nalang ulit kami bukas." sagot ni Daddy.

Nasasaktan nanaman si Mama.

Naunang lumabas si Daddy at yung babae nya. Naiwan si keziah at Tyron.

"Ikaw anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya.

Tumayo sya sa sofa at lumapit sakin.

"Pagaling ka loser" sabi nya at tumakbo palabas.

Lumapit sa tabi ko si Tyron saka ngumiti. "Get well soon Alizia" sabi nya na nagpahinto sakin.

Nakatitig kami sa isa't isa at mababasa mo sa mga mata nya na may sinseridad ang mga sinabi nya.

"Babalik nalang ulit kami dito bukas" sabi nya.

When I Meet the Bad Boy King ( Watty's 2019 )Where stories live. Discover now