CHAPTER 28☆

201 9 1
                                    

Eviyen's POV

Napangunahan ako nang galit ko. Ayokong marinig yung paliwanag nya at baka kung anong magawa ko.

Tumayo si Vanna at gulat akong tumingin sa kanya. " Wala ka na bang ibang sasabihin kung di malandi ako? Abay putangna oo na malandi na ko! Ako na malandi, kaladkarin na ko! Ako na bayaran! Hindi ako makapaniwala na sayo mismo nanggagaling yang mga salitang yan! Akala ko kilala mo ko kase kapatid mo ko pero ikaw pa yung unang humusga sakin na hindi man lang ako hinahayaang magpaliwanag!" umiiyak na sigaw nya habang ilang ulit na hinahampas yung lamesa.

Lalong nagdilim yung paningin ko

Tumayo ako at tiningnan sya ng masama. "Hindi pa nga kita lubos na kilala kahit kapatid pa kita, hindi ko inakalang magpapabuntis ka. Wala ka nang kailangang ipaliwanag dahil ngayon pa lang pinakita mo na sakin kung gano ka kalandi" sigaw ko at tumingin kay Cyrus.

Tumakbo si Vanna papasok sa kwarto nya. Hindi ko sya nagawang tingnan dahil ayokong kaawaan sya.

"Kumain na kayo at malapit na si Mama. Ipapaliwanag nyo lahat nang nangyari" sabi ko.

-------☆

Nasa kalagitnaan kami nang pagkain nang marinig namin yung malakas na pagbagsak dun sa loob nang kwarto ni Vanna. Napahinto kami sa pagkain at nagkatinginan ni Cyrus.

"Kalabog ba yon?" tanong ko kay Cyrus.

"Shit" sigaw ni Cyrus saka nagmadaling umakyat pa puntang kwarto ni Vanna.

"Baka naman utot lang yon ni Vanna" eksena ni Coline.

"Shut up" sigaw ko.

"Eviyen, shit! Where's the key? Hey!" paulit ulit na sigaw ni Cyrus sa taas.

Napatayo ako sa upuan at umakyat sa kwarto ni Vanna.

"What's happening?" nag-aalalang tanong ko sa kanya.

Hindi nya ko sinagot at abala sa pag bukas ng pintuan.

"Where's the key?" galit na sigaw nya habang ilang ulit na hinahampas yung pintuan.

"Nasa likod nang pintuan ng kwarto ko" sagot ko sa kanya.

Nagmadali syang bumaba at pumunta nang kwarto ko.

Pumunta ako nang guest room at tiningnan yung CCTV na nakalagay sa loob nang kwarto ni Vanna. Napaluhod ako sa nakita ko. Nakahiga sya sa lapag habang patuloy na umaagos yung dugo sa pulso nya. Umiiyak sya sa sakit. Nakalingon sya sa pintuan habang umiiyak. Nawalan sya nang malay!

Napatayo ako at hinarap yung pader. " Argh!, anong ginawa mo? Pati sarili mo papatayin mo" umiiyak na sigaw ko habang paulit ulit na sinusuntok yung pader.

Kala ko ba malakas ka! Bakit mo ginawa sa sarili mo yan? Kala ko ba ipapamukha mo na mas malakas ka sakin kahit babae ka pa! Pero bakit hindi mo nagawang labanan yung masasakit na salita na binitiwan ko sayo kanina! Shit!...

"Carl! Carl! Si Vanna puro dugo! Carl" hindi mag kandaugagang sigaw ni Coline habang nakatingin sakin.

Napalingon ako sa CCTV at nakita kong yakap ni Cyrus si Vanna. Batid kong umiiyak sya.

Tinabig ko si Coline at nagmadaling pumunta sa kwarto ni Vanna. Pag pasok ko pa lang makikita mong sabog sabog yung gamit nya. Hindi ko sya kayang lapitan. Nagdalawang isip akong lapitan sya.

"Eviyen! Call the ambulance please" umiiyak na sigaw sakin ni Cyrus.

Kinuha ko agad sa bulsa ko yung cellphone at napagtanto ko na lobat ito.

"Shit" pag mumura ka.

Lumapit ako kay Vanna at inagaw sya kay Cyrus. Hinubad ko yung damit ko at tinali sa pulso nya kung saan umaagos yung dugo.

When I Meet the Bad Boy King ( Watty's 2019 )Where stories live. Discover now