CHAPTER 24☆

226 15 1
                                    

Sinilip ko yung itsura ni Kuya pero hindi maipinta yung mukha nya.

"Anong ginagawa nyan dito? Baka gahasahin pa ko nyan ah" galit na turo nya kay Coline na ngayon at nagpapahid naman nang lipstick.

Natawa ko nang bahagya " Anong akala mo sa kaibigan ko rapist? Wag ka ngang pilingero Kuya! Saka hindi daw sya makatulog kaya pinuntahan nya ko dito." pagpapalusot ko.

"Hoy!" tawag ni Kuya kay Coline, nilingon naman sya nito at agad na lumapit.

"Yes, Carl mah luvs?" tanong nya.

"Bakit nandito ka?" galit na tanong sa kanya ni Kuya. Nilingon nya ko na para bang humihingi nang sagot.

"Kase may ipapabura kaming----" hindi nya naituloy yung sasabihin nya nung lumapit ako sa kanya at inakbayan sya. Nilingon ako ni Kuya.

"Anong meron? Anong ipapabura?" inosenteng tanong ni Kuya samin. Nilingon ko si Coline at pinanlakihan sya nang mata.

"Video" sagot ni Coline. Tangnaa malilintikan na! Inapakan ko yung paa ni Coline at diniinan, tinulak ko sya na naging dahilan nang pag bagsak nya sa sofa.

"Vanna Alizia Cortez? Anong video yung ipapabura nyo?" galit na tanong na sakin ni Kuya. The hell! Putulin ko kaya dila ni Coline.

"Video ni Coline na puro katangahan" pag papalusot ko at natawa si Kuya.

"I see" sagot ni Kuya at nilayasan kami.

Nilingon si Coline na hirap na hirap makatayo. Nung nag paulan nang kaartehan yung langit bakit sinapo mo lahat? Nilapitan ko sya at nilahad yung kamay ko.

"Tulungan na kita" kinuha naman nya yung kamay ko saka tumayo. Pag harap nya sakin yung lipstick nya gulo gulo. HAHA!

"Ayusin mo nga yang nguso mo! Parang kinalahid nang manok!" ngising turo ko sa kanya.

"Tinulak mo kase ako eh! Saka anong katangahan ko? Alam mo bang Salutatorian ako dati!" sigaw nya sakin.

Hindi ngaaaa!!!!?????

"Nabagok ka siguro kaya nawala yung talino mo!" ngising sagot ko.

"Kala mo ahh! Yung pinsan ko kase yung Valedictorian tapos ako yung Salutatorian! Kami lang kase nung pinsan ko yung magkaklase" mayabang na sabi nya at napahalakhak ako sa kalokohan nya.

"Sige na matalino kana! Kanina pa tayo hinihintay nung tinawagan mo kanina. Pati tuloy yung Monggol pupuntahan pa natin sa Lovely Park." sagot ko saka sya hinatak palabas.

"Wait! Naka bestida lang tayo na pantulog oh!" turo nya sa suot namin.

"Wag ka nang maarte! Mas mahalaga yung pupuntahan natin sa baba" sita ko at napatigil sya.

Tiningnan nya ko at napahalakhak na parang demonyita. " Mahalaga pala si Cyrus sayo, well hindi din naman kita masisisi kung may gusto kana sa kanya. May itsura ( check ), play boy ( check ), gago ( aba check na check" sagot nya sakin habang kumokorte nang check yung kanang kamay nya.

"Stupid" sagot ko at hinitak sya pababa.

Pagbaba namin may nilapitan syang lalaki na matangkad, gwapo at maputi.

"Hoy, oh ano nabura mo na ba?" tanong ni Coline at mukhang nagulat pa sa kanya yung lalaking kausap nya.

"Hindi pa, saka remember hindi mo pa nasasabi sakin kung ano yung ipapabura mo" kamot ulong sagot nung lalaki sa kanya.

"Pa remember remember ka pa dyan kala mo naman kung sinong matalino! Bakit hindi mo nalang sabihin na miyembro kesa dyan sa english mo eh mukha ka namang arabo!" masungit na sita ni Coline sa kanya.

°_~ ?????

REMEMBER - MIYEMBRO??????

"Ahh, ehh baka Member yung sinasabi mo" nahihiyang sagot nung lalaki.

Ang engot mo talaga!

"Ang tanga talaga neto!" galit na turo ni Coline dun sa lalaki " Hindi ba't tagalog nang Remember eh Miyembro! Saka anong Member yung sinasabi mo? Napaka inutil naman nang puta na to!" asik ni Coline.

Parang sya di inutil!

Nilapitan ko sila at pinitik yung tenga ni Coline at akma nya kong gagantihan.

"Subukan mo, ipapamukha ko sayo na mas inutil ka pa dine sa kausap mo!" pananakot ko. Bumaling ako dun sa kausap nya at.

"Ikaw ba yung kausap neto sa telepeno kanina?" tanong ko at hindi sya nag atubiling tumango.

"Eto yung video na ipapabura namin sayo, kailangang mabura yan ngayong gabi mismo! Kung hindi ilalayo ko sayo tong babae na to" pananakot ko sa lalaki. Pilit kong tinaliman ang mga tingin ko na animong nakakasugat kahit natatawa na ko.

"At sino ka naman?" tanong sakin ni Lalaki.

"Ate nitong babae nato" sagot ko at lumapit sa tenga nya. " Pag nabura mo yang video na yan ngayon araw mismo makukuha mo yung reward na matagal mo nang gusto" bulong ko.

Kumunot yung noo nya at naguguluhang nilayo ako sa kanya " At ano naman yung reward na matagal ko nang gusto?" tanong nya saka ako ngumisi.

"Yung makasama yung taong mahal mo" ngising sagot ko at natulala sya.

Kulang nalang yung tunog nang kulog. Parang ang sama sama kong tao. HAHA!

" TALAGA?" tuwang tuwa na tanong nya.

"Oo naman" sagot ko sa kanya.

"Sige una na ko para matapos ko na yung pinapagawa mo" sagot nya, nilingon nya si coline na ngayon ay nakikipag habulan dun sa aso na maraming balahibo. Mukhang naiinis na sa kanya yung may ari nang aso dahil nasira yung bonding nila nung alaga nya. " Paalam mahal ko, hanggang sa muli" bulong nya pero rinig na rinig ko.

Dinampot ko yung aso na kahabulan ni Coline at sinoli don sa amo nya.

"Itali mo yang kaibigan mo ah mukhang may sayad! Ka imbyerna" sita agad sakin nung ale pag abot ko nung aso nya.

Napairap ako sa hangin at tumalikod dun sa ale. Bat di mo itali yang sarili mo eh mas mukha ka pa namang aso? Try mo, papakainin naman kita kaso kaning baboy nga lang. Nilapitan ko si Coline at nakasibangot sya.

"Bakit mo sinoli si Blazter?" malungkot na tanong nya.

"Sinong Blazter?" takang tanong ko.

"Yung mabalahibong aso!" sita nya.

"Eh hindi naman sayo yon eh, saka nakita mo ba yung itsura nung amo nang aso? Galit na galit kase nasira yung bonding nila nung alaga nya." sita ko.

"Ang pangit pangit nung nag-aalaga sa kanya! Mukhang pinaglihi sa sama nang loob kaya nag kaganon ang pag mumukha! Hindi mo ba nakita tinatali nya kanina si Blazter! Baka hindi yon makahinga at ikamatay nya! Kailangan din nya nang kalayaan,katarungan at kapayapaan. Kailangan nya nang taong mag liligtas sa kanya at kakampi sa oras nang kagipitan! Kailangan nya nang masasandalan sa oras nang kalungkutan! Kailangan nya nang mabait at magandang amo in short ako yon!" maluha luhang speech nya sa harapan ko.

"Eh ikaw anong kailangan mo?" tanong ko.

"Ano nga ba?" Balik na tanong nya.

"Kailangan mo nang mag patingin at mukhang may sakit kana sa pag-iisip" sagot ko at napakamot sya nang ulo.

-------------☆,
I appreciate your Votes and Comments
Enjoy Reading💜
Ready for the next chapter?
Lovelots💜

-------------☆,
Announcement for my readers💜

You can find out what will happened next💜 I Purple You"

When I Meet the Bad Boy King ( Watty's 2019 )Where stories live. Discover now