CHAPTER 30☆

255 6 3
                                    

Enjoy ^_^

COLINE'S POV

Pag-alis nila bebe Carl umupo ako sa sofa ng condo. Kanina ko pa kasi iniisip kung anong itsura nung future mommy ko hehe. Ang landi ko, atleast maganda. Eh ikaw maganda ka ba? Syempre hindi kase hindi ka gusto ng crush mo. Teka...gusto ba ko ni Bebe Carl ko?

Mayamaya ay may papapasok na babae na may dalang maraming gamit at mukhang mayaman. Agad akong tumayo at lumapit sa kanya,

"Hi future mommy" sabi ko at niyakap sya

"Don't touch me crazy!" sigaw sakin saka ako tinulak ng malakas na naging dahilan ng pag-atras ko.

" Si future mommy naman ehh, bagay kami ng anak nyo ohh" pag papa cute ko sa harapan nya.

Tiningnan nya ko ng masama at umirap. "What's wrong with you gurl, do I looked like your boyfriends mom? Argh, crazy girl" iritadong sabi nya.

Boyfriend lang naintindihan ko, Boyfriend ko daw sya iww hindi kami talo, tomboy pala tong future mommy ko.

"Hehe, pa translate nga po ng tagalog" kamot ulong sabi ko.

"Okay, first of all---I mean, una sa all, anong problem mo, Mukha ba kong Mother ng boyfie mo. Baliw na girl" hirap na hirap na pagtatagalog nya.

"Una sa all din po, wag ka na pong mag pretending na your not my biyanan. Saka where not look a like po. Mas beautiful ako kesa you" pang gagaya ko sa alien na lenggwahe nya.

"Oh my God, Where you natutunan that?" pumapalakpak na sabi nya.

Feeling close.

"Oh my God, wala kana don" sita ko saka tinalikuran sya.

Tumambay ako sa labas ng condo at matiyagang naghintay sa future mameh ko. Tipaklong na yon! Alien yung lenggwahe. May pa baliw na girl pa eh kay Carl lang naman ako baliw hindi dun sa girl na tinutukoy nya.

Napalingon ako sa kaliwa ko at may nakita akong babae na kamukha ni Vanna. Is this my future mameh? Napatayo ako at tumakbo papalapit sa kanya

Hinarang ko sya at nagpahinga muna ng ilang segundo bago tumingin sa kanya.

"Okay ka lang ba Hija?" tanong nya sakin.

Para silang pinagbiyak na mansanas ni Vanna. Ang ganda nila. " Ikaw po ba yung future mommy ko----este yung mommy ni Bebe carl at ni Vanna?" titig na titig na tanong ko sa kanya.

"Oo ako nga, ano nga ulit yung sinabi mo na Bebe carl ba yon hija?" interisadong tanong nya.

Ngumiti ako ng malaki. "Hihihi, si Bebe Carl" hawi ko ng buhok. Dalagang pilipina yeah.

"Yung bata talaga na yon, hindi man lang sinabi sakin na may ganitong kagandang girlfriend" kinikilig na sabi sakin ni Future mommy.

"Si future mommy talaga. Bagay po ba kami?" kinikilig na tanong ko.

Binaba nya yung nga dalang gamit nya at hinawakan yung dalawang kamay ko.
"Oo naman! maganda ka, gwapo yung anak ko bagay na bagay diba!" usal nya sa harapan ko.

"Tingin nyo po mahal nya ko?" malungkot na tanong ko at tiningnan yung kamay nya na nakahawak sa kamay ko.

"Magiging girlfriend ka ba naman non kung hindi ka nya mahal." sita sakin ni Future Mommy. " Alam mo yung anak ko na yon, hindi ko nga alam kung bakit wala pang nagiging girlfriend. And now I was surprised na may girlfriend na pala sya na sobrang ganda. Sabi nya sakin na pag nahanap nya na yung babaeng para sa kanya hindi sya magpapaligoy ligoy na ligawan ito " kwento nya.

"Ahh pero bakit hindi nya pa ko nililigawan? Hindi ba nya ko gusto? Hindi ba nya ko mahal?" bulong ko.

"May sinasabi ka hija?" tanong sakin ni Future Mommy.

When I Meet the Bad Boy King ( Watty's 2019 )Where stories live. Discover now