CHAPTER 3☆

493 31 1
                                    

Ang laki naman nitong resto nila Jana. Lahat ng waiter naka smile kaya mas lalong ginaganahan yung mga taong kumain. Sino ba namang tao yung gaganahang kumain kung yung nag serve sa inyo eh lukot yung mukha.

"Vanna ano yung order mo?" tanong sakin ni Jana habang hawak yung Menu.

"Ahm, fried rice lang yung akin" sabi ko saka sya tumango.

"Yung drinks mo?" tanong nya sakin.

"Nestea" sagot ko.

"Vanna sure ka yan lang yung sayo? Dapat dinamihan mo na!" turo sakin ni Jade.

"Hoy ikaw Jade! Wag mong itulad sayo si Vanna kung kumain noh! Ang dami
dami nung order mo hindi ka naman tumataba." sita sa kanya ni Jana saka kami natawa nila Coline at Lara.

"Ibigay mo na kaya yang order natin dun sa chef nyo at nang makabalik tayo ng maaga sa school" utos ni Jade.

"Palusot mo! Ang sabihin mo nagugutom kana" sita ni Jana saka pumasok dun sa kitchen ng resto.

"Ikaw Vanna sure ka bang yun lang yung order mo? Pwede pa nating ihabol kay Jana yung order mo" sabi ni Coline.

"Hindi na, saka busog pa din ako eh" sagot ko.

"Ahh, sigee" sabi nya.

Pagbalik ni Jana kasunod nya na yung dalawang waiter na may dalang pagkain. Hinainan kami ng waiter saka umupo si Jana dun sa tabi ni Jade si Coline naman at si Lara nasa magkabilang gilid ko. Konti lang din naman pala yung in-order nila porket kay Jade. Ang taka nya.

"Ayan na po Madam, pakabusog ka po ah." sita sa kanya ni Jana.

"Feeling ko kulang pa to" sagot sa kanya ni Jade.

"Abay bumili ka ulit at bayaran mo" sita sa kanya ni Jana.

"Hindi mo ko ililibre pag bumili ulit ako?" tanong nya.

"Hindi na noh! Nakakarami ka na" sita ni Jana saka kumain ng kumain.

Naging tahimik yung pagkain namin hanggang sa makatapos. Hinihintay namin si Jade ngayon kase hindi pa sya tapos kumain. Ang takaw nya talaga.

"C.R lang ako" paalam ni Coline.

"Sama ko" sabi ni Lara.

Naiwan kami nila Jana at Jade dito sa lamesa.

"Tapos na ko" sabi ni Jade.

"Ah talaga, akala ko pati plato kakainin mo na" mataray na sabi ni Jana.

"Nako Vanna wag mong pinapansin yang si Jana at bitter yan. Kaya pati yung ginagawa ko hinuhusgahan nya" usal sakin ni Jade.

"Pareho pala tayo" sabi ko kay Jana saka nya ko tiningnan.

"May past ka din?" gulat na tanong sakin ni Jana saka ako tumango.

"Oo ehh"

"Kwento naman dyan" sabay na sabi nilang dalawa saka ako natawa.

"Not now" sagot ko.

"Hintayin namin yan ahh pag handa ka nang mag kwento" sabi ni Jana saka tumayo.

"Hintayin ko nalang kayo sa labas ahh" sabi ni Jana saka tumayo si Jade.

"Sama ko" sabi ni Jade.

"Sinong mag hihintay kila Coline?" tanong ni Jana.

"Sige mauna na kayo sa labas pupuntahan ko nalang sila dun sa C.R" usal ko saka sila nginitian at nag tungo sa C.R

Naabutan kong nag huhugas ng kamay si Coline.

"Oh, Vanna mag C.R ka din ba?" tanong sakin ni Coline saka nag polbo.

"Ahm hindi, hinihintay ko lang ako. Nauna na sila Jana dun sa kotse nya" usal ko saka nag hugas ng kamay.

"Ahh ganon ba" tatango tangong sabi ni Coline at sakto namang lumabas si Lara. Naghugas din sya ng kamay saka kami lumabas ng resto. Naabutan naming nag babangayan sila Jana at Jade.

"Lumubay nga kayo" awat ni Coline.

"Sya kasi ehh" turo nilang dalawa sa isa't isa.

"Teka nga! Ano bang pinag-aawayan nyo?" bwisit na tanong ko sa kanilang dalawa.

"Pano kasi tong si Jade gustong mag pa take out ng pagkain" asar na sabi ni Jana saka kami natawa.

"Hindi ka pa nabusog?" nasusuyang tanong ko kay Jade.

"Busog naman na ko pero pano pag nagutom ako wala akong kakainin" nakangusong sabi ni Jade.

"Tama na nga yan! Pag nagutom ka bumili ka na lang sa Canteen ha!" suhestyon ni Lara saka tumango si Jade.

Pumasok na kami dun sa kotse ni Jana saka nya pinaandar papuntang school.

Pagpasok palang namin sa University andami daming nagbubulungan at nakatingin sakin. Lintek na araw na to saka bat ba uhaw na uhaw ako grrr.

Coline mauna na kayo don nila Jade bibili lang ako ng tubig."
pagpapaalam ko sa kanila.

Vanna gusto mo samahan kana
namen baka may gawin pa silang hindi maganda sayo." tanong sakin ni Lara.

Ayy hindi na,diba sabi ko sa inyo kaya ko yung sarili ko, bibili lang
naman ako ng tubig eh." Pangungumbinsi ko sa kanila.

Oh! sya hihintayin ka nalang namin dito. Bilisan mo ah!." sabi ni Jana

Promise mabilis lang to." sabi ko sa kanila syaka tumakbo.

Natatanaw ko na yung cafeteria
nang may nagbuhos ng tubig saken kaya basang basa yung damit ko.Syaka yung ano ko...yung ano, yung bra ko nakabakat sa t-shirt ko.

Witwiwww!" sabi nung lalaking nasa harapan ko.

Sexy ka naman pala eh!."sabi nung kasama nya syaka sila sabay sabay na tumawa. Tinakpan ko nalang yung dibdib ko syaka tumalikod sa kanila.

Hoy! anong ginagawa nyo sa kaibigan namin?" tanong ni coline.

Hindi nila pinansin si Coline at nagtatatakbo palayo samin habang tumatawa.

Vanna oh ano may masakit ba sayo?

Anong ginawa nila sayo?

Bakit basa yang damit mo?

Bakit hindi ka nagsasalita saka bakit nakatalikod ka samin?

Sabay sabay nilang tanong sakin.

A-ahh,..ano kasi y-yung ano ko ehh...yung ano ko kase eh."
pano ko ba reh sasabihin naka-
kakahiya sa kanila! bwisit naman kasi eh!

Anong ano? ano ka ng ano bakit hindi mo sabihin kung ano yung ano huh!sabay sabay nilang sigaw sakin. Inalis ko yung braso kong nakatakip sa dibdib ko syaka humarap sa kanila.

Oh!ayan basa, kita na bra ko!" sabi ko sa kanila.

Kala pa naman namin kung ano nang ginawa nila sayo." sabi ni Jana.

Oh sya tara na sa comfort room at magbihis ka." Sabi ni Jade

A-ala akong dalang pamalit eh hindi ko pa kase na aatos yung mga damit ko sa condo." sabi ko sa kanila

Oh eto hiramin mo muna at magpalit ka" sabi ni Coline sabay abot sakin nung shirt nya. Agad naman ako pumunta sa comfort room baka kase may makakita pa nung ano ko. Maaga rin kaming pinauwi nung adviser namin kase naghahanda daw sila para sa valentines day may mga booth daw na gagawin. Masyado pang maaga para umuwi ako kaya dun muna ko sa park na lagi naming pinupuntahan ni......Tyron

When I Meet the Bad Boy King ( Watty's 2019 )Where stories live. Discover now