CHAPTER 37☆

181 4 0
                                    

COLINE'S POV💜

"Hello?" sagot ko dun sa tawag.

"Okay na yung pinapa delete nyong video" sabi nya.

"Thank you" galak na sagot ko.

"Hindi sapat yung thank you eh" sabi nya at narinig ko ang bahagyang pagngisi nya.

"Maraming maraming salamat" pampipilosopo ko.

"Ikaw talaga, Ahm coline pwede ba tayong mag date?" nauutal na tanong nya.

"Pwede naman kaso next year pa" ngising sagot ko.

Natawa sya. "So childish, please Coline I want to see you" sabi nya.

Nangiti ako. "Fine, sunduin mo nalang ako dito sa bahay" sagot ko.

"Okay, thank you" sagot nya saka pinatay yung tawag.

Hinagis ko sa sahig yung cellphone saka lumapit sa kama at pabagsak na humiga.

"Bwisit ka Eviyen mah luvs! Hindi ko pa din makalimutan yung sinabi mo. Ang sakit sakit" sigaw ko at namuo yung mga luha sa mata ko.

Umupo ako sa kama at nagpunas ng luha. Bwisit! hindi na nga ako nakatulog kagabi kakaiyak hanggang ngayon ba naman iiyakan ko yung pangit na yon.

"Maam, breakfast na po" sigaw ni Yaya sa labas ng kwarto ko.

"Yaya, mabilis ba yan? Saka bakit na break? Ano pang kakainin namin nila Mommy?" tanong ko.

"Maam naman, umandar nanaman yang pag ka bengot mo" sigaw ni Yaya sa labas.

"Fyi Yaya, mana kaya ako sayo. Kaya bengot tayo." ngising sabi ko.

"Maam, wag mo po akong idamay! may utak po ako" sabi nya.

"Che, may utak ka nga nakadisplay naman sa ulo mo" sigaw ko.

"Maam, atleast yung sakin nasa ulo ko eh yung sayo maam parang wala" banat nya at narinig ko pa yung paghampas nya sa pintuan habang tumatawa.

"Kakatayin kita" banta ko sa kanya.

Tumayo ako saka kinuha yung bathrob ko. Aga aga sinira ni Yaya yung araw ko. Pumunta ko sa harapan ng salamin saka nag model model don. Mag fierce sana ko kaso mukha akong mataray na siopao.

Pumasok ako sa banyo saka nagborles na akala mo Pornstar, charot! Kay Eviyen lang ako kakandong Agik hahahaha.

Nagbuhos lang ako ng ilang beses saka lumabas ng banyo. Hayst! ang ganda ko talaga matalino pa.

*TOK**TOK*

"Maam, nilalangaw na yung kakainin nyo dun" sigaw nanaman ni Yaya sa labas.

"De bugawin mo! Pati yon ichi-chismis mo sakin" sigaw ko.

Lumapit ako sa cabinet ko saka kumuha ng dress na red. Para kong cupcake hikhok.

"Maam, pag bilang kong sampu lalabas ka na" hagikgik na sabi nya.

"Sige bilang ka lang" sabi ko.

"ISA"

"DALAWA"

"TATLO"

"APAT"

"LIMA"

"ANIM"

"PITO"

"Maam, ano sunod sa Pito? hay nako! valedictoryan pa naman ako" sabi nya.

"Che, hindi ka marunong magbilang" sigaw ko.

"Si Maam ang yabang yabang kala mong marunong magbilang" ngising sabi nya.

"Umalis ka dyan at pag naabutan kita susunugin ko yung kikiam mo" sigaw ko.

When I Meet the Bad Boy King ( Watty's 2019 )Where stories live. Discover now