CHAPTER 11☆

331 17 2
                                    

Vanna's POV

Nakakaasar na yung babaeng yon!. Isang isa pa mag ta transform na ko into Barakuda!

Ala syang karapatang laitin si Mama dahil unang una si Mama yung iniwan at nasaktan. Kami ang nawalan kaya hindi dapat sya maapektuhan

Pagpasok ko sa room nakita ko sila Jade na nag-uusap hindi muna ko nagpakita sa kanila, dahil gusto kong malaman kung ano yung pinag-uusapan nila

"Oo nga eh, sabi ni Keziah desperada daw yung Mama ni Vanna"

Totoo ba tong naririnig ko? Yung mga kaibigan ko pinag-uusapan ako?

"Like mother like daughter" sabi ni Jana

Hinihintay ko yung sasabihin ni Lara at Coline pero parang nalulungkot sila sa mga sinasabi nila Jade

"Guys hindi naman natin alam yung story ng family nila kaya wag muna natin syang husgahan" sabi ni Coline habang kinakamot yung ulo

"Malinaw nanaman eh pareho silang des-----" hindi na naituloy ni Jana yung sasabihin nya nang makita nya akong nakatayo sa harapan nila

Hindi ko napigilan yung pag-agos ng luha sa mga mata ko. Bat ang malas ng araw na to!

"Being stabbed by a knife hurts, but backstabbed by my FRIEND? Nah! Id rather kill my self"

"Vanna I-im so-sorry" sabi ni Jade tyaka yumuko

"Hindi ko alam kung kaibigan ba turing nyo sakin o isang laruan."

"Vanna mali ka nang iniisip" sabi ni Jana tyaka lumapit at hinawakan yung kamay ko.

"Alam nyo isang kayong malaking plastik. Wag na kayong magdala ng salbabida pag may baha ah tiyak naman na makakaligtas kayo kase lulutang at lutang pa din kayo!"

"Vanna Im so sorry" sabi ni Jana

"No! Akala ko kayo yung makakapitan ko. Akala ko kayo yung taong makakaintindi at tatanggap sa buong pagkatao ko pero parang nagkakamali ako ng taong kinaibigan!"

"Kase ang alam ko ang kaibigan nagdadamayan hindi nagsisiraan!"

Nagmadali akong tumakbo paalis sa room namin hindi ko alam kung saan ako pupunta. Kaylangan ko ng isang taong iintindi sakin ngayon.

Ala akong pakielam kung pinagtitinginan o pinagtatawanan ako ng mga estudyante. Ang mahalaga sakin ay makalayo ako sa mga taong mapanlinlang.

Mahirap ba kong mahalin o pakisamahan kaya lahat nalang ng taong nasa paligid ko turing sakin parang isang basura.

Hindi na ko nagpaalam kay kuya papuntang park. Babalik din naman ako pag katapos ng klase. Gusto ko lang magpahangin para kahit papaano mabawasan yung sakit na nararamdaman ko

Para kong isang malaking salot na pinagtutulungan ng lahat. Gusto ko lang namang maging masaya pero bakit kabaliktaran ang aking natatamasa?

"Vanna kaya mo pa ba?" Tanong ko sa sarili tyaka umupo sa harapan ng fountain.

Kakayanin ko pa nga ba? Mababaliw na ata ako sa mga nangyayari sa buhay ko! Ako na ata ang pinakawalang kwentang tao kaya lahat ng importante sa buhay ko iniiwan at sinasaktan ako.

Napayuko nalang ako sa tuhod ko tyaka dun humagulgol ng iyak. Tanging ako lang ata makakaintindi sa buong pagkatao ko.

May naramdaman akong umupo sa tabi ko tyaka ako inakbayan. Hindi ko pa man nakikita yung sino sya basta ang alam ko sya yung unang lalaking nang-iwan at nanakit sakin

"V-vanna anak" Tawag nya sakin.

Inangat ko yung ulo ko tyaka tumingin sa kanya. Miss na miss ko na sya.

Hindi ko napigilan yung sarili kong kayapin sya tyaka humagulgol ng humagulgol

"Papa I miss you! Babalik ka na ba samin?" Tanong ko sa kanya habang pinupunasan yung luha sa mukha ko. Sya lang talaga yung taong nakakapagpahinahon sakin.

Hindi sya sumagot, nanatili lang syang nakatingin sakin.

"Papa alam mo bang hinihintay ko yung araw ng graduation ko kase sabi mo ikaw yung magsasabit sakin. Diba Pa pangarap natin yon." sabi ko habang niyuyugyog sya. Hindi pa din sya nag sasalita dahil alam nyang masasaktan ako.

"Pa diba babalik ka na! Pa di mo nako iiwan diba! Pa mahal mo ko diba" Feeling ko namamaga na yung mata ko kakaiyak.

"V-vanna patawarin mo si Papa ah kung iniwan kita. Sana maintindihan mo si Papa!."

"Papa pero ako naiintindihan mo ba? Naiintindihan mo ba yung nararamdaman ko pagnangungulila ako sa pagmamahal mo?"

"Vanna Im sorry kung inwan kita! Mahal na mahal ka ni Papa"
Sabi ni Papa tyaka ako hinalikan sa noo.

"I love you too Papa!. Pa pwede bang pumunta ka sa graduation ko?"

"O-OO naman" sabi ni Papa syaka ngumiti ng pilit

When I Meet the Bad Boy King ( Watty's 2019 )Where stories live. Discover now