CHAPTER 39☆

178 5 3
                                    

Sorry sa late update :>
Enjoy











CYRUS REIN

"Hindi pa ba tayo susugod don?" asar na tanong ko kay Caleb.

"Anong klaseng tanong ba yan?" bwisit na sagot nya. "Kahit ngayon mismo sumugod tayo dun sa kampo nila Patrick hindi pa din natin makukuha agad si Tita, sigurado kong maraming patibong ang hinanda nila" dagdag nya.

Napabuntong hininga ako nang malalim saka tiningnan sya. "Pero wala ding mangyayari kung nakatunganga lang tayo dito" galit na sigaw ko.

Naging seryoso yung mukha ni Caleb. "Si Tyron?" tanong nya sakin.

"Anong gagawin ko don? Papatayin ko" asar na tanong ko.

Napabuntong hininga sya at napakamot sa ulo. "Kala ko nag-iisip ka, kakailanganin natin si Tyron" paliwanag nya.

"Kaya na natin to nang wala sya" mahinang sagot ko.

Tinitigan ako ni Caleb saka napabuntong hininga. "Sino ililigtas natin?" tanong nya.

"Sira ka ba? Alam mong si Mom diba?" galit na sigaw ko saka tumungga ng wine at matunog na ibinaba ito sa lamesa

"Yun naman pala eh, si Tita ang ililigtas kaya wala kang karapatang umarte dyan. Saka, pagpaliban nyo nga muna ni Tyron yang mga galit nyo! Buhay ang nakataya dito! Buhay" seryosong sigaw nya saka lumabas.

Nanigas ako sa kinatatayuan ko dahil sa mga sinabi ni Caleb. Ngayon ko lang sya nakitang maging seryoso. Hindi ako nakaimik at yumuko.

Nagsalin ako nang panibagong inumin saka ito ininom. Hinawakan ko nang mahigpit yung baso dahil sa galit ko. Hanggang sa narinig ko nalang yung sigaw nung yaya nila Caleb dito.

"Sir, Sir, Sir" natatatara na sigaw nya.

"Ano ba?" asar na baling ko sa kanya.

"Sir, sir, yung kamay mo po dumudugo Sir" sigaw nya habang nakaturo sa kamay ko.

"Anong gagawin ko?" asar na tanong ko.

"Sir baka maubusan kayo ng dugo" natatarantang sabi nya saka hinubad yung nasa ulo nya.

"Anong gagawin mo dyan?"

"Sir ilalagay ko po sa kamay mo baka po kase maubusan kayo ng dugo" sabi nya saka inumpisahang ibalunbon yung tela sa kamay ko.

"Hey" sigaw ko saka nilayo yung kamay ko sa kanya. "Hindi ko kailangan nyan" sigaw ko saka umalis sa harapan nya at lumabas dun sa nilabasan ni Caleb.

"Si Sir pa hard to get pa" narinig kong bulong nung yaya nila Caleb.

Napailing nalang ako sa kakatawa, na miss ko tuloy si Vanna. Yeah I missed her so much, it's been a 2 days since I visit her in hospital.

Nilabas ko yung cellphone ko saka
tinawagan si Vanna, limang beses nag ring bago nya sinagot.

"Napatawag ka?" tanong nya.

"Ganyan talaga ibubungad mo sakin? Hindi ba pwedeng Hi muna bago "Napatawag ka"" nagma make face na sabi ko kahit hindi nya ko nakikita.

Narinig ko yung bahagyang pagtawa nya.

"Hi, kamusta ka namiss mo ko noh" pag-uulit nya.

Napangiti ako saka tumango. "Yeah, miss na miss na kita" ngiting ngiti na sagot ko.

"Tara labas tayo?" tanong nya.

"Diba nasa ospital ka pa?" kunot noong tanong ko.

Napabuntonghininga sya. "Naka labas na ko kahapon pa ng hapon"

When I Meet the Bad Boy King ( Watty's 2019 )Where stories live. Discover now