CHAPTER 31☆

218 5 1
                                    

Pagdating ko sa condo nagkulong agad ako sa kwarto. Pashnea ka Carl! Nasaktan mo nanaman akong depungal ka! Ayoko nang umasa na magugustuhan mo din ako. Para ko lang hinihintay na pumuti ang uwak. Putspa, baka end of the world na wala pa ding ganap sa lovelife ko. Kung hindi lang ako patay na patay sayo baka binenta na kita sa arabo! PSST! wampipti! O kaya papatayin nalang kita sa pagmamahal ko rattatatatt weng weng! Buset

*RINGGG* *RINGG*
agad kong kinuha yung cellphone at di nag-abalang tingnan kung sino yung tumatawag.

"Oh?" tanong ko.

"Anong oh?" galit na sabi nung nasa kabilang linya. Si Bebe Carl ba to?
"Bumalik ka dito sa Ospital at hinahanap ka ni Vanna" sabi nya saka pinatay yung tawag.

Napakamot nalang ako sa ulo at pabagsak na humiga sa kama.
Sana hindi pa nasasabi ni Tita Mommy na sinabi kong girlfriend nya ko yung di patay nanaman ako neto.

Tumayo ako at gegewang gewang na pumasok sa banyo saka naghilamos ng mukha. Para pagdating ko sa bahay mamaya hindi ko na buburahin yung make up ko. Ang ganda ko kaya pag walang make up hindi ko nga alam dito kay Bebe Carl kung bakit hindi ako magustuhan! Teka...nakita na ba nya kong hindi naka make up? Nahh! What ever.

Bumaba ako ng condo saka pumara ng taxi. Pag sakay ko napahikab agad ako.

"Maam, san po tayo?" tanong nung driver sakin.

"Sa puso ni Bebe Carl ko" inosenteng sagot ko.

Napahagikgik yung driver at napakamot sa ulo. "Maam, nasan po ba yung puso ni Bebe Carl mo?" tanong nya.

"Hawak na ng iba" maluhang luha sabi ko.

"Pero di ko kayang bumitaw ikay nasasaktan dahil pangako ko'y walang iwanan" kanta nya habang nakahawak sa bandang puso.

"Nakikiuso ka din noh?" pagtataray ko.

"Opo, sayang di ko na video at baka mag guest din ako sa wowowin o sa showtime." anang nya.

"Taas naman po ng pangarap mo" banat ko.

"Naakyat mo Maam?" ngising tanong nya.

"Oo naakyat ko" sigaw ko saka pinag kross ang dalawang braso.

"Si Maam naman napaka bitter, hindi ka gusto ni Bebe Carl mo no?" titig na tanong nya.

Napatingin ako sa kanya saka ngumiti ng bahagya at umiyak. "Hindi nya ko mahal, huhuhu! Kala ko forever ko na sya. Ang sakit magmahal ng taong wala namang gusto sayo pero ayoko naman syang kalimutan at palitan kase nangako ako sa sarili ko na papakasalan ko sya" malakas na sigaw ko habang umiiyak.

"Hindi po bat mas maganda kung lulubayan mo na sya at maghanap na lang ng iba?" inosenteng tanong nya sakin.

"Anong maganda don de pumangit mundo ko, I never been love someone like the way I love him before. I really really love him like I can do anything just for him" pag-i english ko.

Napahawak ako sa bibig at gulat na gulat. Ako ba yung nag-english? Coline matalino ka na! Ano nga ulit yon! Babanatan natin si Bebe carl ng english mamaya.

"Just let him go Maam, marami pang iba dyan na mas better sa kanya. Siguro hindi mo lang po napapansin kase nakatuon yung atensyon mo sa iba." sabi nya saka lumiko.

"Mas mainam ng sundin ko yung puso ko na paibigin si Bebe carl sakin. Kesa naman turuan ko yung utak ko na mahalin yung taong hinding hindi ko magagawang mahalin" malungkot na sabi ko.

"Ayy, alam mo po bat pag nagmahal kayo gusto nyo gwapo? Gwapo na lang ba pwedeng mahalin? Wag ka kasing mag focus sa isang bagay na walang kasiguraduhan pahalagahan mo din kase yung ibang nakaka appreciate ng halaga mo" mapaklang sabi ni Manong driver.

When I Meet the Bad Boy King ( Watty's 2019 )Where stories live. Discover now