CHAPTER 33☆

244 4 2
                                    

Kinabukasan

Pagmulat ko ng mata ko bumungad agad sakin si Cyrus na nakangiti.

"Good Morning" ngiting bungad nya.

Hindi ako sumagot at agad na tinakpan ang bibig. Hindi pa ko nakakapag toothbrush.

"Bakit nagtakip ka ng bibig?" tanong nya.

"Hindi pa ko nagto-toothbrush" sagot ko habang nakatakip pa din ang dalawang kamay sa bibig.

"Here" abot nya sakin ng kamay nya. "Aalalayan kitang magpuntang banyo"

"Naks, gentleman natin ah" sabi ko saka inabot yung kamay sa kanya.

Agad nya kong hinawakang ng mahigpit sa kamay at tinulungan akong makabangon at makatayo.

"Syempre naman! ganto naman yung gagawin natin in the future" ngising sabi nya.

Umakma akong babatukan sya pero agad na kumirot yung kaliwa kong braso.

"Wag mo munang igalaw yang braso mo at baka bumuka yung tahi nya" saway nya sakin.

"Kaya nagagalit sakin si Kuya dahil sa mga kalokohan mo" sita ko sa kanya.

"Abay malay ko bang maniniwala yung kuya mo na buntis ka pero if ever na maniwala sya why not ngayon mismo bubuntisin kita" sabi nya at humagalakpak ng tawa.

"Ewan ko sayo" pigil ngiting sabi ko.

"Ang sabihin mo kinikilig ka lang sa mga banat ko" sabi nya saka ako kinindatan.

"Wow, eh sino kaya yung kinilig kagabi nung sinabi kong I need you" ngsing sabi ko.

Kinuha nya yung toothbrush ko at pinaglagay ako ng toothpaste.

"Hindi ko sinasabing ako yon pero wala akong magagawa kase ako talaga yon" ngising sabi nya.

Hinawakan nya yung kamay ko at inalalayan ako papasok ng banyo.

"Ewan ko sayo! Kung umarte ka akala mong may gusto ka sakin" utal utal na sabi ko.

Napahinto sya at hindi makatingin ng diretsa sakin.

"Char! Wala ka naman talagang gusto sakin diba Bad boy king"

"I don't like you" walang ganang sabi nya.

Napairap ako at mahigpit na hinawakan ang bestida.

"I know right" pilit ngiting sabi ko.

"Hindi mo man lang ba tatanungin kung mahal kita?" naiilang na tanong nya.

"Wag na, para saan pa kung alam ko na din naman yung sagot" ngising usal ko.

"Sana alam mong mahal kita." mahinang sabi nya na nagpatigil sakin.

"Tss tama na nga yan. Akin na yung tootbrush ko" sabi ko.

Inabot nya sakin yung toothbrush ko pero hindi ko pa man din nahahawakan ng maayos agad na kumirot ang pulsuhan ko dahilan nang pagbitaw ko dito.

"Ako nalang magtotoothbrush sayo" ngising sabi nya.

"Eh kung ipakain ko sayo yang toothpaste!" talak ko sa kanya.

"Eh kung buntisin kita?" seryosong sabi nya.

"Kung papatulan kita" sigaw ko sa kanya saka umirap.

"Bakit hindi mo ba ko gusto?" malungkot na tanong nya.

"Hindi mahal na mahal lang" sagot ko na ikinagulat nya.

"Mahal na mahal din kita" nahihiyang sabi nya.

When I Meet the Bad Boy King ( Watty's 2019 )Where stories live. Discover now