CHAPTER 17☆

309 9 1
                                    

Tyron POV

"Wala ka na don! Wala ka nang pakielam sa kanya diba?" Taas noong sabi nya sakin

Parang akong nanghina sa nakita ko kanina. Parang dinudurog ng paulit ulit yung puso ko dahil sa kawalangyaang ginawa nya.

"Pano pag sinabi kong may paki pa ko sa kanya lalayuan mo ba sya?" sabihin mo sakin kung lalayuan mo na sya para makabawi ako sa kagaguhang ginawa ko sa kanya simula ng hinayaan kong mapasok ako sa kinginang fix marriage na yon.

"Bakit ko naman lalayuan yung babaeng gusto ko?" Gusto mo? Talaga? Eh bakit mo ginawa yon?

"Sa pagkakaalam ko magkaiba yung gusto sa mahal mo! Gusto mo lang sya pero hindi mo sya mahal" pangduduro ko sa kanya

"Parang ikaw! Ginusto mo lang din sya pero hindi mo din sya minahal! Kase kung mahal mo sya bakit mo magagawang iwan sya? Kung mahal mo sya bakit mo hahayaang masaktan sya? Hindi pagmamahal tawag dyan! Selfish ka bro. Iniwan mo sya kase alam mong may iba ka na samantalang sya walang nagawa kung di tanggapin nalang yung desisyon mo dahil hindi na sya yung mahal mo."

Namuo yung mga luha sa mata ko. Tiningnan ko si Vanna na kanina pa nakikinig samin pero hindi nya maiwasang maguluhan sa lahat ng sinasabi namin. Pinagkakaguluhan na kami ng mga kaklase nila.

Madali lang sabihan lahat ng yan para sa inyo dahil hindi nyo naman alam kung anong dahilan ko! Mas masasaktan sya pagnalaman nyang ikakasal ako habang kami pa.

"Ano! Diba tama ako! Ni hindi mo nga ata nagawang ipagsigawan sa buong mundo kung gano mo sya kamahal." Sita nya sakin tyaka ako tingnan ng masama.

"Kase hindi ko alam na kailangan ko papalang ipagsigawan sa buong mundo kung gano ko sya kamahal" mayabang na sabi ko sa kanya.

"See! Gago ka talaga!" mas gago ka!

"Kase para sakin sa kanya ko lang dapat sabihing mahal ko sya. Sa kanya ko lang dapat ipaalam yung nararamdaman ko kase hindi naman lahat kayo nobya ko."

"Tama na! Itigil nyo nayan!" matamlay na sabi ni Vanna habang nakapagitna samin.

"Vanna ayos ka na ba?" Tanong ko sa kanya.

"A-ah oo ayos na ko, kilala mo naman ako diba! Madaling magpahupa ng sakit na nadarama" pinapatamaan nya ba ko? Sabihin nya kase nasasaktan ako.

"Ahh ganon ba...g-gusto mo bang umuwi muna?" tanong ko sa kanya. Nakatingin lang sya sakin ng blangko at alam ko kung anong gusto nyang ipahiwatig sakin.

"A-ako na m-magdadala ng b-bag mo ahh" tanong ko sa kanya.

"Kaya ko, hindi naman ako pabebe katulad nung girlfriend mo! Pwede ba! Wag ka nang lalapit sakin kase nagiging demonyita yung step sister ko, kilala mo ko Tyron I have a lots of secrets na tayo tayo lang ang nakakaalam. I have a lots of things na kaya kong gawin na ikagugulat ng lahat." Misteryosa sa paningin ng iba! Pero para sakin napakagandang katangian.

Yung Vanna na pinapakita nya simula ng lumipat sila, hindi yun yung Vanna na nakilala ko! Ibang iba sya ngayon. Kung dati lahat ng tumatraydor sa kanya pinupulot sa Ospital pero ngayon nakakapagtimpi na sya.

"Anong secrets?" naguguluhang tanong nung Unggong Cyrus.

"Wa--------" pinutol ni Vanna yung sasabihin ko.

"Sa pagkakaalam ko hindi ka kasing tanga ng inaasahan ko! May utak ka naman sana pero bakit hindi mo subukang gamitin?

"I like that! Trying hard!" kagat labing sabi ni Cyrus kay Vanna. Pasabugin ko kaya yung labi nyan!

"Really? You like that? Then marry it! The hell I care?" Pilosopong sagot ni Vanna. Meet The darkside of Vanna Alizia Cortez

"That's not what I meant! I don't want to marry that cauze I want to marry you" Anooo? Sino nagsabing hahayaan kong pakasalan ka nya!

When I Meet the Bad Boy King ( Watty's 2019 )Where stories live. Discover now