CHAPTER 20☆

306 13 1
                                    

VANNA'S POV

Bagay sila ni Kuya kaso mukhang hindi type ni Kuya si Coline. Astig kase yung mga type ni Kuya. NGSB kase yan! walang yang ka taste taste sa babae.

"Kuya.....wala ka bang nararamdaman kay Coline kahit 2% feelings for her?" tanong ko kay Kuya habang papunta sa parking.

Uuwi muna kami ni Kuya sa condo. Baka makapatay pa ko nang di oras.

"Ahm kahit 1% wala talaga bunso eh,alam mo naman kung ano type ko sa isang babae. Astig ang gusto ko hindi isip bata!" Pasangil na sagot nya.

Hindi muna kami pumasok ni Kuya sa loob ng kotse, naupo muna kami sa gilid ng kotse nya.

"Hindi ko alam na ganon pala ugali ni Coline, she's crazy! She's out of her mind!" Bwisit na sabi nya. Tyaka pumulot ng bato at binato sa harapan nya.

"Nahh! Yes she's crazy because she's inlove! Kaso wag na wag mong aabusuhin yung nararamdaman nya kase lahat ng nagmamahal nasasaktan, lahat nang nagmamahal sumusuko ng hindi mo alam." napatingin sya sakin dahil sa mga sinabi ko.

"Kung ikaw tatanungin Vanna! Anong gusto mo sa isang relasyon." ano nga bang gusto ko?

"Yung gusto ko sa isang relasyon ehh yung parang mag tropa lang"nakangiting sagot ko. Ganyan yung relasyon namin ni Tyron "DATI"

"Parang mag tropa?" naguguluhang tanong nya.

"Yes. Sa isang relasyon ayoko nang masyadong sweet, gusto ko parang mag tropa lang, astig pero nakakakilig." Maangas na sabi ko sa kanya.

Napahikab ako dahil narin siguro sa pagod, napagod akong makipagsagutan sa mga animal na yon.

Hiniga ko yung ulo ko sa balikat ni Kuya. Napataas yung balikat nya dahil sa gulat.

"Woi! Gulat na gulat ah! Hindi ka pa nasanay saten Kuya! Daig pa nga natin yung mag jowa sa kasweetan!" Natatawang sita ko sa kanya.

"Ehh! manahimik ka na nga lang dyan! Kung inaantok ka pumasok ka na sa loob ng kotse hindi yang gagawin mo pa kong higaan!"angil nya.

"Shshsh! Ang ingay mo!" Sita ko tyaka inalis yung pagkakahilig ng ulo ko sa balikat nya. "Ikaw Kuya ano bang gusto mo sa isang relasyon?" Tanong ko.

Wala pa kase akong nakikitang babae na kasama nya bukod sakin. Masyado syang tutok samin ni Mama kung pano nya kami maba-bantayan at maalagaan.

*^_^*
*❤*

"Ahm, yung totoo? Gusto ko sa isang relasyon eh yung pangmatagalan hindi yung papakiligin ka lang sabay sabing tigil na natin to cauze I found someone who's better than you." nanggagago ka ba? Pinapatamaan mo ba ko? Kase natatamaan ako.

*-_-*

Tiningnan ko sya nang pailalim saka bumuntong-hininga.

"Vanna can I ask you something?" nakangiting sabi nya pero ang lungkot lungkot ng mga mata nya.

"Anything brother" habang tinatapik yung balikat nya.

"D-do you still love him?" Nahihiyang wika nya.

"Pag ba sinabi kong hindi maniniwala ka?" tanong ko pero iiling-iling syang tumingin sakin.

"Mahal ko pa pero hindi kasing lala nung pag-ibig ko nung una ko syang nakita. Maybe he still have space in my heart, but he does'nt have space to fulfill my life." malungkot na wika ko sa kanya.

Kitang kita ko sa mga mata nya na nalulungkot sya na may paghanga.

"Nakarecover ka na ba sa sakit na idinulot nya?" Palaliman ba tayo ng salita huh!

"Not yet" wala sa sariling usal ko. Nakatingin sakin si Kuya at interisadong interisado sya sa mga sinasabi ko.

"Because for me, how can you recover if you still love the person, how can I forget if our memories are still clear for me. How can I just be happy for their relationship if my heart is breaking?" maluha luhang usal ko pero pinipilit ko paring tumawa.

Pumulot ako ng bato saka ibinato sa malayo.

"But there's someone who's much better than him." Nakangiting sabi nya.

"Really? Do I deserve to have a better relationship?" Tanong ko sa kanya.

Inakbayan nya ko tyaka tinapik tapik yung balikat ko.

"Hindi mo deserve yung better---"hindi nya naituloy yung sasabihin nya nang paghahampasin ko yung hita nya pero tinatawanan nya lang ako.

" See! I don't deserve it!" Matamlay na usal ko.

"Wait! Im not yet finish okay!" Nakangiwing sabi nya.
"You don't deserve the better because you deserve the best!" Taas noong sabi nya sakin habang taas baba yung mga kilay.

"Really? Me? Vanna Alizia the daughter of the great pretender lucifer deserve to have a best relationship?" Mapaklang tanong ko.

Kinurot nya yung bewang ko.

Anakng! Inaano ba kita!

"Don't you dare Vanna! Kakaltukan kita dyan!" Kunot noong sabi nya sakin.

Ayoko nung pinag-uusapan namin!

"Kuya bili mo kong ice cream! Ahm mas maganda pag nag movie marathon tayo!" Pag-iiba ko sa usapan habang nakataas yung hintuturo.

"Anong flavor nung ice creammmmm?" Tanong nya sakin.

Nagkatinginan kami tyaka sabay na sumigaw nang....

"Rocky road" ngingisi ngising sigaw naming dalawa.

Nag-unahan pa kami ni Kuya na makapasok sa kotse. Tumama pa yung tuhod ko sa pintuan nung kotse.

Nagkatinginan kami ni Kuya nang mapagtanto namin na para pala kaming tanga.

Ene be! We love rocky road kase ehh! ^_^

Huminto sa 7/11 si Kuya. Sya na lang bumili at tinatamad ako. Kelan ka ba sinipag huh!

Pag pasok ni Kuya sa loob ng kotse ang dami nyang dala.
Nilagay nya sa passenger seat yung nga binili nya. Sinilip ko yung mga binili nya at may ice cream,pop corn, wine, junk foods at kung ano ano pang checheburetche!

"Ang dami mo naman atang binili" wika ko habang nasa pagkain ang paningin.

"Kulang pa nga sayo yan! Alam ko namang may sawa kang alaga dyan sa tiyan mo!" tatawa tawang wika nya!

"Nahh just drive" sita ko sa kanya saka tinuro yung daan.

Pagdating namin sa condo sinet ko na agad yung movie na papanoodin namin. Syempre yung favorite namin yung papanoodin namin ni Kuya.

"Kuya Guardian's of the Galaxy ba o yung Titanic?" sigaw ko kay Kuya.

Nasa kusina si Kuya hinahanda yung mga kakainin namin, masaya sana kung nandito si Mama!

"Yung Titanic nalang muna" sabi nya habang bitbit yung mga pagkain namin.

"Ghee wait lang kukuha lang ako ng tissue!" natatawang baling ko sa kanya.

"At para saan naman yung tissue ha!" tanong nya. Baka kakainin ko! Balita ko masarap daw yon eh, gusto ko lang subukan!

"Kakainin ko!" Pilosopong wika ko pero sinamaan nya ko ng tingin. "Malamang ipangpupunas ko nang luha ko!" Mataray na sigaw ko.

"Wala ka namang luha ah! Ang linis linis nga nyang mukha mo!" pampipilisopo nya sakin.

"Pag ako namilosopo sayo baka pagsisihan mo!" taas kilay na sita ko.

"Nahh I surrender!" natatawang sabi nya saka pabagsak na umupo sa sofa.

Binuksan ko yung cabinet saka kumuha ng tissue.

Pagbalik ko sa Sala nakakalahati na ni Kuya yung popcorn. Nahh ang takaw!

Tiningnan ko si Kuya ng masama tyaka sya dinaganan.

"Bat inubos mo na yung pop corn mo!" Tanong ko na nakahiga sa kanya.

"Ang bigat mo!" asik nya. "Ang tagal mo kase! nagugutom na ko ehh!" Sagot nya.

When I Meet the Bad Boy King ( Watty's 2019 )Where stories live. Discover now