Chapter 1

7.4K 141 8
                                    

Janine POV...

                  "Thank you for coming... Enjoy!!" Hindi ko na mabilang kung ilang beses ko na na wika ang mga yun sa bawat bisitang dumarating.. Opening kasi ngayon ng aking bakeshop. Masasabi ko na sigurong successful na ako sa buhay ko dahil natupad ko na yung dream ko na magkaroon ng sarili kong negosyo na pinaghirapan ko. Kahit simple lang ito at least dugot pawis ang pinuhunan ko rito.




              "Heay sorry we're late.." Biglang sulpot naman ni Frank ang aking best friend since high school, napangiti ako ng husto ng makita ko sya kaya lang napawi ang mga ngiti kong iyon ng sumulpot mula sa kanyang likuran ang girlfriend nitong si Jayde. Sa lahat ng naging girlfriend nito ewan ko ba pinaka ayoko sya.. Kaya lang mukha namang seryoso na ang best friend ko sa kanya dahil isang taon na rin ang kanilang relasyon. At ito na ang pinaka matagal niyang naging girlfriend. Highschool ng nagkakilala kami ni Frank at naging close hanggang nagpa tuloy na ang aming pagkakaibigan,pareho kaming nagsumikap para makapag tapos ng pag aaral.





               Pareho din kami noong walang kaseryo seryoso sa pakikipag relasyon. Halos pantay din kami ng bilang ng naging ex namin.




             "Hi Janine." Bati naman sa akin ni Jayde at ngumiti ito ng pagka tamis tamis. Pero para sa akin napa plastikan ako sa mga ngiti niyang iyon. Hinalikan ako ni Frank sa pisngi at sumunod din ang girlfriend nito. Kaya lang bahagya akong nagulat ng halikan ako nito sa gilid ng aking labi. Buti nalang hindi napansin iyon ni Frank at hindi ko na lang din pinansin.





               "Congrats best.." Wika ni Frank at masayang bumaling muli ng tingin sa akin.




            "Thank you." Tugon ko naman. "Let's go nagpa reserve na ako ng table para sa inyo at asikasuhin ko pa yung ibang mga bisita." Wika ko pa at iginiya ko na sila bakanteng table para sa kanilang dalawa. Hindi naman kami ganun ka close ni Jayde nakikisama na lang ako dahil girlfriend sya ng best friend ko. Kaya lingid ito sa kaalaman ng best friend ko dahil ayoko namang sumama ang loob niya..






              "Hon..pagod ka na ba?" Biglang yumakap si Joseph sa aking baywang mula sa aking likuran sabay halik nito sa aking kanang balikat ko. Pitong buwan na rin ang aming relasyon at si Joseph din ang pinaka matagal kong naging boyfriend. Parang gaya gaya lang kami ni Frank. Sobrang bait ni Joseph,thoughtful.  Panahon na din siguro para mag seryoso na rin ako. 27 na ako at mas matanda ako sa boyfriend ko ng dalawang taon. Sa itsura naman parehong magandang lalaki ang boyfriend at best friend ko,parehong matangkad at maganda ang pangangatawan. Ang pagkaka iba nga lang si Joseph ay moreno samantalang si frank ay mestizo na tsinito. Mas maputi pa nga ito kesa sa girlfriend nya.  Si Joseph ay pilipinong pilipino ang kaguwapuhan.






              Napaka supportive din ng boyfriend ko,gaya ngayon. Opening ng bakeshop ko,umabsent pa ito sa trabaho para lang  masamahan nya ako sa pag aasikaso. Staff ito sa isang company at malaki din ang sahod niya doon.






               "I'm fine hon! Hindi nga ako nakakaramdam ng pagod. Masayang masaya ako dahil mag sisimula ng ang business ko." Tugon ko naman habang mahigpit kong hawak ang mga braso nitong nakapulupot sa maliit kong baywang.






             "At siguradong magiging successful ang business mo hon,at andito lang ako lagi sumosoporta para sayo." Sobrang saya ko dahil pinaparamdam  sa akin ni Joseph na mahal na mahal niya ako.






            "Sya nga pala andito na pala si Frank, kasama yung girl friend nya." Sabay turo ko sa kinaroroonan ng dalawa at sobrang sweet sa kanilang upuan.







                 "Okay good." Iyon lang naman ang tinugon ni Joseph. Hindi rin kasi nito gaanong gusto si Jayde. Madalas nga nitong sinasabi na sa itsura daw nito ay hindi pa mag seseryoso sa isang relasyon. Isang araw  daw mababalitaan na lang namin na hiwalay na ang dalawa. Tipo daw kasi Jayde lapitin ng mga lalaki. Sabagay yung pananamit na nga lang nito pati ngayon naka hanging blouse ito at maong short. Pinag titinginan nga ang legs nito ng hindi maiwasan.. Deadma naman ito na mukhang sanay na tinitignan sya ng iba.  Subukan lang nitong saktan best friend ko,sisirain ko ang maganda niyang mukha. Pero mas maganda ako sa kanya. Hindi ko namalayang nakatitig na pala ako sa kanya habang busy silang nag uusap ni Frank. Naramdaman yata nitong may nakatingin kaya lumingon ito sa gawi ko,nahuli nya tuloy akong naka tingin sa kanya. Kinawayan naman niya ako at heto na naman yung ngiti nitong sobrang tamis. Hindi ko tuloy maiwasang gumanti ng ngiti sa kanya.






                         Muli ng nagbaling ang atensyon ko kay Joseph.. Napaka swerte ko sa boy friend ko ramdam kong mahal na mahal nya ako. Sinabi rin nito sa akin noon na seryoso ito sa pakikipag relasyon. Katulad nung past girlfriend nito na nagtagal sila ng limang taon. Naghiwalay sila dahil yung babae ang nagloko,pinag palit sya sa iba. Hindi naman ako nagseselos dahil past naman na yun at ako na ang girlfriend nya ngayon.  Kahit wala pa naman sa usapan namin ang tungkol sa pag papa kasal,wala pa naman sa plano ko yun. Pag tutuunan ko muna ng panahon ang negosyo ko.







               "Kumain muna tayo hon." Bigla naman wika ni Joseph. Hindi pa pala kami kumakain mula kaninang umaga at alas dos na pala ng hapon ng sinipat ko ang aking wrist watch. Kaya pala kumakalam na rin ang aking sikmura...








           AN: New story ko po ulit ito.. Uulitin ko po,ito ay mga kathang isip ko lamang po sa aking malikot na  imahinasyon .hihi

                Salamat po sa mga sumusubaybay sa mga completed stories ko.
(Do not steal my stories...
Plagiarism is a crime...)

            Janine de Castro on media...

"I HATE THAT ILOVEYOU" (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon