Janine POV...
"Hindi mo lang alam kapag nakikita kong sobrang lambing nya sayo nasasaktan ako." Lalo akong napa maang sa sinabi ni Joseph. "Bakit ba kasi lagi yang nandito sa shop mo,diba naiirita ka pa sa kanya dati. Ano nang nangyari Janine!" Sabi pa nito. Ano bang pinagsasabi nya.
"Mabait si Jayde.. Mali lang yung first impression ko sa kanya." Tugon ko naman dahil yun naman talaga ang totoo. Napa tawa na naman ito ng pagak. Kailangan ko na sigurong sabihin sa kanya ang totoo. Tungkol sa usapan namin ni Frank bago ito umalis. "Hon.. Pinaki usap kasi sya ni Frank sa akin na kung pwede habang nasa malayo sya ako muna ang titingin kay Jayde-"
"What? Kalokohan yan Janine.." Interrupt naman nito sa sinasabi ko. "Hindi na bata yan para bantayan, kung gusto nya talagang magloko choice nya na yun wala na tayong magagawa."
"Hindi ganun si Jayde okay.." Nakaka irita para pag isipan nito ng ganun yung tao. Napa halukipkip tuloy ako.
"Ngayon pinagtatanggol mo na sya. Hindi mo sya responsibility Janine.. Somosobra naman na yang best friend mo. Hindi ko gusto yang pinaggagawa nya sayo ha." Galit na nitong turan at narinig ko pa itong napa mura ng mahina. "Desisyon nyang umalis tapos ipapaako nya sayo ang responsibilidad sa girl friend nya. Kalokohan yan.." Pasigaw na nitong wika. Ngayon ko lang ito nakitang magalit ng ganito.
"Joseph intindihin mo na lang tao-"
"Ako ba iniintindi mo.." Putol na naman nito sa sinasabi ko. Malapit na rin akong mapikon sa totoo lang. "Nung nasa malayo ako ni ha ni ho wala man lang message galing sayo. Kung hindi pa ako mag me message sayo hindi mo ako naalala. Dahil busy ka sa pakikipag landian sa Jayde na yan!" Biglang nag init ang ulo ko sa sinabi nito at diko napigilan ang pagdapo ng palad ko sa kaliwang pisngi nito. Na kina gulat din niya. Ngayon lang kami nagka sakitan ng ganito.
Bigla ko namang na realize ang aking ginawa. "Hon sorry nabigla lang ako. Ikaw naman kasi eh." Guilty kong turan at akmang hahawakan ko sana ang pisngi nito. Kaya lang mabilis itong nag iwas..
"Kakarating ko lang Janine. Tapos nag aaway na tayo ng ganito." Mariin naman akong napapikit sa sinabi nito. Sino ba ang nag umpisa sya naman ah. Kung ano anong pinag sasabi nya tungkol kay Jayde. Napaka immature nya. Buntong hininga ko. "Alam mo kakausapin ko na talaga yang best friend mo.. Somosobra na sya." Muli naman akong nagbaling sa kanya sa sinabi nito.
"Joseph.. Intindihin mo na lang kasi yung tao. Ikaw din kaya yung nasa malayo. Malayo sa taong mahal mo-"
"So kailangan ba na malayo ako para ma realize mo yung pino point ko." Taas boses na naman nitong turan at putol sa sinabi ko. "Paulit ulit na lang tayo eh! Parang pinapa mukha mo sa akin na mas importante pa sayo yang best friend mo kesa sa akin." Na naman.. Talagang sinasagad na nya ako. Hindi na tungkol kay Jayde tong usapan na to kundi sa best friend ko na..
"Ikaw lang ang nag iisip nyan.." Seryoso ko na ding turan.. Na kina ngisi naman nya.
"Mas mabuti pa siguro na huwag muna tayong magkita para maintindihan mo ang mga sinasabi ko." What? Ako pa talaga ang hindi maka maka intindi. "Isang linggo nga tayong hindi nagkita pero pakiramdam ko bale wala lang sayo.. Eh gawin kaya nating isang buwan." Lalong naningkit ang mga mata ko sa sinabi nito. Hindi ako maka paniwala na ganito katindi yung selos nya kay Jayde o kay Frank.
"Joseph!!" Turan ko. Nasasaktan na ako sa pinagsasabi niya.. Pag sumabog ako hindi ko na alam kung anong mangyayari baka makarinig sya sa akin ng salitang hindi nya magugustuhan.
"Isang buwan Janine. Kapag makita ko pa yang pag mumukha ng Jayde na yan dito. Marahil nga tama nga ang mga kutob ko." Maka hulugang turan nito. Grabe sumisikip na yung dibdib ko. Bago pa tuluyang bumagsak ang luha sa aking mga mata,dali dali na akong umibis sa sasakyan nito at pabagsak na sinara ang pintuan ng kotse nya. Narinig ko itong napa mura. Wala akong pakialam kong ma damage ko pa yang sasakyan niya na hindi pa nya tapos naguluhan sa banko.
Patakbo na akong tumungo sa second floor nang bahay ko. Ayokong makita nila tong itsura ko na hilam ng luha sa aking mga mata. Narinig ko pang tinawag ni Jayde ang pangalan ko. Isa ka pa eh! Hindi kami magtatalo ni Joseph ng ganito kong hindi dahil sa kanya
,sa kanila ng boy friend niya. Napa hikbi ako habang nag tuloy tuloy akong humakbang patungo sa loob ng banyo binuksan ang shower at tinapat ang katawan ko sa bumubuhos na tubig.Ganito ako kahit noong bata pa ako.. Kapag nag aaway yung magulang ko at nag kakasakitan na sila kinukulong ko ang sarili ko sa cr at nag bababad sa tubig para hindi halatang umiiyak ako. Kasabay nang mga hikbi ko ay ang lagaslas ng tubig mula sa shower head.. Sobrang nasasaktan na ako,sobrang naiipit na ako sa sitwasyon. Dapat si Joseph yung taong inaasahan kong umintindi sa akin. Kaso heto pina iral pa ang pagiging immature niya.
"Janine?" Narinig ko ang pag tawag nito sa pangalan ko. "I hate you Jayde.." Hikbi ko sa sarili ko. Argghh!! Hindi kami magkaka ganito ni Joseph. Kasalanan mo to'
"Gosh Janine ano bang ginagawa mo!!" Turan nito ng nang maka pasok dito sa loob ng banyo. Hindi ko pala naisara yung pinto. Mabilis nitong sinara ang tubig. "Magkaka sakit ka nyan. Alam mong pagod na pagod ka kanina tapos naliligo ka." Sermon nito. Hindi ko sya pinakinggan at muli kong pinihit ang on ng tubig.
"Leave me alone." May diin kong sabi.
"Heay! Umiiyak ka ba?" Kinulong nito ang mukha ko gamit ang dalawang palad nito. Di alintana na basa na rin sya. "Anong nangyayari sayo.. Nag away ba kayo ni Joseph?" Sunod sunod nitong turan. Lalo lang akong napa hagulgol ng makita ko ang mga mata nito ng punong puno ng pag aalala. "Janine magsalita ka naman." Wika nito..
Marahan lang akong napa iling.. "Just leave me alone!" Garalgal kong himig. "Uhmmpp-" Bigla na lang nitong siniil ng halik ang mga labi ko. Hinahalikan na naman nya ako. Ang kaibhan nga lang ngayon. Mapusok ang paraan ng paghalik niya. Jayde bakit mo ba ito ginagawa..