Jayde POV...
"Hintayin na lang kita dito sa sasakyan." Nagtataka namang tumitig si ate Camille sa mukha ko. Nagpa sama kasi sya sa bakeshop ni Janine hindi naman ako maka tanggi dahil tiyak malilintikan ako sa kuya ko pag nag inarte ako. Buti at sasakyan nila ang gamit namin. Bigla pa itong napangisi tila nahuhulaan kung bakit ayokong sumama sa kanya sa loob.
"May LQ kayo?" Kantyaw nito. Napangiti naman ako pero hindi kumibo. Hindi naman nya ako kinulit at mabilis ng umibis sa sasakyan. Halos mag isang linggo na simula ng nagpasya akong iwasan na sya kahit sobrang hirap kung yun naman ang ikakabuti ng lahat. Napahugot ako ng malalim na pag hinga sabay baling ng tingin sa gawi ng bake shop kahit naka sara tong bintana ng sasakyan nakikita ko parin ng matamang nag uusap si ate Camille at Janine.
Nakita ko pang bumaling ng tingin si Janine dito sa sasakyan.. Ewan ko lang kung maaninag nya ako dito sa loob. Miss na miss ko sya pero kailangan kong panindigan yung sinabi kong lalayo na ako. Muli naman akong napayuko na para bang ayokong salubungin ang mga tingin nito. Ang tagal naman ni ate Camille nakipag chikahan pa yata. Si Frank naman magmula ng birthday nya hindi pa kami nakakapag usap,bahala nga sya. Sinabi ko na yung gusto kung sabihin nung nag kaharap kami at kung si niya yun sinunod pagkatapos ng isang buwan isa lang ang ibig sabihin nun.
Muli na naman akong nag baling ng tingin sa may bake shop ng naramdaman ko ang pagka inip sakto namang nakita kong andun si Joseph. Mukhang okay na ang dalawa napangiti na lang ako ng mapait. Ganun talaga ang life, kailangan mong magparaya kung ang mahal mo ay may mahal na iba. Napabuga nalang ako ng hangin,buti naman at pabalik na si ate Camille dito sa kotse.
"So,may boyfriend pala.. Na friend zone ka?" Seryoso namang turan ni ate ng makapasok na ito ng sasakyan at agad kung pinausad iyon. Hindi ko naman kasi pinatay yung makina kanina.. Pilit namang inabot ang mga pinamili sa may backseat. Napangisi na naman ako sa sinabi nito.
"Hindi naman yun papatol sa akin ate.. Straight!!" Turan ko lang na kina tawa naman nito. "At ayokong maka sira ng relasyon." Dagdag ko pa.
"May pinagdadaanan ka pala ngayon hindi mo sinasabi. Malay mo matulungan ka namin ng kuya mo.." Simpatya naman nitong turan. Kaya ko naman ang sarili ko. Ako pa ba! "Sinabi ko pala sa kanya na pinag drive mo ako.. Malungkot naman sya ng tumingin pa sya sa gawi mo." Hayy si ate pinapaasa pa ako. Dapat nga masaya sya kasi mukhang okay na sila ng boyfriend nya.
"In invite ko pala sya sa birthday ni Uno.. At sinabi kong huwag syang mawawala dahil magtatampo talaga ako." Sa isang linggo na pala yung birthday ng pamangkin ko sa bahay nila sa Pampanga. Ganito kaming pamilya magkaka layo ng mga tinitirhan,lumuluwas lang sila dito sa Maynila kapag may importante silang gagawin. Ang Dad ko naman ay sa Batangas, may bahay din sya doon.
Okay lang naman kung I invite nila si Janine. Sila naman ang may okasyon. Sa bahay ko sila tumuloy ngayon kaya dun na kami dumiritso. Kaya lang luluwas din sila pauwi mamayang hapon. Pagkatapos ng meeting ni kuya sa client nya. Buti pa sila mahal na mahal nila ang isa't isa,ni hindi sila mapag hiwalay sa loob ng 24 hrs.
~~~~~~~~~~~~~
"Ang hina mo naman pala.. Bakit ka kasi sumuko kaagad." Wika nang kuya ko ng e kwento ni ate Camille sa kanya ang sitwasyon namin ngayon no Janine. Kaya imbes na uuwi na sana sila ngayon bukas nalang daw at mag bonding muna kaming magkapatid mukhang kailangan ko daw ng makaka usap. Nandito kami sa terrace ng bahay habang may kaharap na isang bote ng brandy.
"Kuya bago pa kami naging close ni Janine may boyfriend na sya.." Paliwanag ko naman. "Kaya din kami nagkakilala dahil best friend sya ng boyfriend ko!" Napa nganga naman ang kuya ko. Pasensya hindi kasi ako pala kwento sa pamilya ko. .
"Hanep ka tol. May boyfriend ka pero halata namang inlove ka sa iba.." Natatawa na nitong turan. "So anong plano mo nyan ipagpapatuloy mo parin ang relasyon mo sa best friend ni Janine?"
"Hindi ko na alam,masyadong ma pride si Frank. Iniisip niya lagi yung may maipagmalaki sya sa pamilya ko kapag pormal na daw syang magkakilala. Kaya ngayon andun sya sa Canada nagtatrabaho." Buntong hininga ko namang turan. Ayoko nang isa isahin ang mga nangyari..
"Ganun talaga ang mga lalaki minsan. Kaya lang kong somosobra naman na hindi na yun tama." Tama naman ang kuya ko at sa kaso ni Frank ngayon. Ganun na nga. Na sobrahan na. "Pero alam mo Jayde, kung hindi mo din lang maibibigay ang buong pagmamahal mo sa boyfriend mo ngayon mas mainam na lang kung putulin mo na ang uganyan ninyong dalawa habang maaga pa. Huwag mong kakalimutan nasa huli ang pagsisisi." Sabay inum nito sa laman ng kanyang baso.
"Planuhin nalang natin kung paano natin mapapaamin si Janine na may gusto rin sya sayo." Biglang sulpot naman ni ate Camille. Napatawa naman ako sa sinabi nito. Pinipilit parin nya ako kay Janine.
"Inlove yun sa boyfriend nya ate.. Hayaan na natin silang maging masaya." Turan ko naman. Lagi na nga nya akong pinagtatabuyan. Kung di naman dahil kay Frank hindi ako naging malapit sa kanya. Alam ko namang hinabilin lang ako ni Frank kay Janine habang malayo ito. Dun tuloy sila nagkalabuan ni Joseph.
"Basta ako may plano ako pero secret ko lang.." Turan parin nito.. Hindi na lang namin sya kinontra ng kuya ko. "Sya nga pala Janine sa birthday ni Uno isabay mo na lang yung pinsan kong si Claude. Yung nagtatrabaho sa makati." Claude? Nakita ko na ba yun! "Binigay ko yung number mo sa kanya,wala kasi syang sasakyan. Kaka start nya lang kasi halos sa trabaho. Laking Pampanga yun, nakita mo na sya nung kasal namin ng kuya mo." Siguro nga kapag nakita ko sya sa mukha.. "At isa pa bisexual din sya." Pahabol pa nitong turan.