Janine POV...
Napakunot noo akong nagbaling muli ng tingin kay Frank.. Kanina pa sya andito sa bakeshop,hanggang dito sa loob ng baking room sinundan nya ako. Gumagawa kasi ako ngayon ng brownies, nakatutok naman sya ng tingin sa ginagawa ko kaya lang parang anlayo ng iniisip nito.. Ni hindi pa nya nito sinasabi kong anong pakay nya.
"Best.. Okay lang?" Hindi ko na natiis na hindi tanungin. Para na kasi itong tanga. Naka titig sa kawalan. Narinig ko naman itong napa hugot nang malalim na paghinga..
"Flight ko na next week..!"
"Yun lang ba ang sasabihin mo?" Hindi agad nag zinc sa utak ko ang sinabi nito.. "WHAT!!!" Biglang sigaw ko ng napag tanto ko ang sinabi nito.. "Anong flight na pinagsasabi mo." Nag hi hysterical tuloy ako. Napatawa naman ito ng mahina at napayuko.
"I'm sorry kong ngayon ko lang sinabi. Alam mo naman ang tungkol sa matagal ng inaalok sa akin ng Tita ko na trabaho sa Canada. Tinanggap ko na-"
"Bakit ngayon mo lang sinabi.." Putol ko sa sinasabi nito at hininto ko muna ang aking ginagawa. Sobrang nagulat talaga ako. Alam ko naman ang tungkol doon matagal na yun na ino offer ng Tita niya na residence na doon sa Canada. Doon na din kasi ito nakapag asawa. Kapatid yun ng Dad nya. Akala ko kasi ayaw niya eh! Kasi binabale wala lang naman niya yun. Tapos ngayon sasabihin niya na magpa flight na sya!!
"Ayoko kasi munang abalahin ka nung inaasikaso mo yung opening nitong bakeshop mo." Paliwanag naman nito. Mataman ko naman itong tinitigan at iniisip ko palang na aalis sya nalulungkot na ako. Nakakainis sya,binigla nya ako.
"Sigurado ka na ba talaga sa naging desisyon mo?" Naiiyak ko nang sabi. Marahan lang naman itong napatango bilang tugon. Sobrang pinipigil ko talaga ang luha ko.
"Sorry.." Guilty nitong sabi. "Alam mo namang konte lang ang kinikita ko bilang staff sa isang banko kompara sa kikitain ko doon. Isa pa wala akong ginastos sagot lahat ni Tita." Sabi pa nya. Ano pa bang magagawa ko mukhang tuloy na tuloy na talaga ang pag alis niya. Napahugot tuloy ako ng malalim na paghinga.
"Best..." May gusto pa itong sabihin kaya lang parang naalangan ito. Naghihintay lang naman ako sa sasabihin niya. "May ipapakiusap sana ako sayo.." Seryoso nitong turan. Ewan ko at bigla naman akong kinabahan. Kapag ganito kasi alam kong malaki ang hinihingi nitong pabor.
Napabuga ito ng hangin bago ito muling nagsalita. "Limang taon best,mag iipon ako doon,limang taon para sa future namin ni Jayde." Future talaga. Seryoso na talaga sya kay Jayde! "Ikaw muna sana ang bahala sa kanya.." Napatanga naman ako sa huli nitong sinabi. Anong ibig nitong sabihin..
"Mahal na mahal ko si Jayde. Iba na sya sa lahat ng babaeng nakilala ko. Sya na yung gusto kong makasama habang buhay. Sya din ang dahilan kaya tinanggap ko na yung matagal ng ino offer ng Tita ko." Seryoso nitong turan. "Si Jayde ang nagpabago sa akin sa mahigit isang taon nang relasyon namin. Sya yung nagtatama lahat pagkakamali ko,inaaway nya ako para natuto. Sa sobrang kaprankahan nga nya minsan nakaka sakit na ng damdamin pero natatanggap ko yun dahil ang dami nitong pinapa realize sa akin." Litanya pa nito. Talaga? Ganun si Jayde! Bigla tuloy akong naging interesado na makilala din sya ng husto. Dahil mukhang tinamaan ang best friend ko sa kanya.
Sabagay hindi ko pa naman talaga nakikilala ng husto si Jayde, dahil nakikita ko lang naman ito kapag may mga lakad kami ni Frank at sinasama. Lagi lang naman itong nakadikit sa best friend ko na parang tuko..
"Janine.. Mabait si Jayde." Makahulugan nitong turan. "Naramdaman ko kasing hindi mo sya ganun ka gusto para sa akin.. Makilala mi din sya kung bakit minahal ko sya ng husto." Hindi tuloy ako nakakibo sa sinabi nito. Dahil tama ang sinabi niya. .
"At hindi ko pa naipapa alam sa kanya tungkol sa pag alis ko. Yun ang susunod kong gagawin.." Mahina nitong pagkakasabi. Na kina kunot noo ko na naman. Nakita ko naman ang pagka bahala sa kanyang mga mata. Hay naku Frank ano ba kasi itong pinasok mo. Kung kailan paalis ka na tsaka bibiglain mo yung mga taong malalapit sayo.Buntong hininga kong turan sa sarili ko.
"Pero Janine tungkol sa ipapa kiusap ko sayo.. Pwede bang ikaw muna ang bahala kay Jayde habang nasa malayo ako."
"What do you mean na bahala!" Nababahala nga ako sa sinasabi nito eh..
"Gusto ko sanang paki bantayan mo muna sya. Baka kasi maagaw sya ng iba kapag nasa malayo ako." Seryoso? Napatawa tuloy ako ng mahina..
"Para mo naman sinabing wala kang tiwala sa kanya.." Biro ko lang naman yun. "Pero alam mo ngayon lang kitang nakitang ganyan.. Inlove talaga ang best friend ko." Napakamot naman ito ng batok parang nahihiya na kinikilig.
"Kaya nga nakikiusap ako sayo.. Wala na akong ibang mapagkaka tiwalaan kundi ikaw lang best." Parang nagpapa awa naman nitong turan.
"Okay....!!" Napatango tango pa ako bilang pag payag sa gusto nito.. "Huwag ka nang mag alala okay mapapanatag ang loob mo na aalis. Babantayan ko ang Jayde ng best friend ko." Napangiti naman ito ng husto sa pagpayag ko. At agad ako nitong niyakap ng mahigpit.
"Maraming salamat best.." Masaya naman nitong wika. Mabilis lang namang hintayin ang limang taon. Sana nga magkakasundo ko si Jayde. Kaya lang sobrang nalulungkot din ako na aalis ang best friend ko at malalayo sya sa akin. Ilang taon na kaming magkasama na nagdadamayan sa problema ng bawat isa.
Basta bahala na,para sa best friend ko gagawin ko ang lahat. Mahal ko sya bilang kapatid at ayoko syang masaktan. Hindi ko yun hahayaan.
"Ma'am may naghahanap po sa inyo sa labas..." Wika ng isang staff ko dito sa bakeshop. Nagka tinginan naman kami ni Frank.
"Baka si Jayde yun. Sinabi ko kasi sa message ko na dito kami magkikita." Wika naman ni Frank at humakbang na palabas ng baking area,sumunod naman ako rito.
Frank Dionicio on media...