Jayde POV...
Naka sunod lang ang mga mata ko bawat kilos ni Janine dito sa loob ng baking area niya. May isang oras na yata akong andirito sa kanyang shop kaya lang hindi man lang nya ako kinikibo. Para na nga akong tanga na sumusunod sunod sa kanya kanina pa kaya para lang akong hangin sa kanya. Akala ko ba may gusto itong sabihin..
Isang buntong hininga pa ang pinakawalan ko tsaka ako lumapit na naman sa kinaroroonan nito. Hindi pupwede sa akin yung pag iignora nya sa akin ng ganito.. Sya palang yung gumawa sa akin ng ganito.
"You know what Janine, mas mabuti pang umalis na lang ako.. Pinagmumukha mo na akong tanga-" Napailing kung turan at akmang tatalikod na sana ako ng mahigpit nitong hinawakan ang isang braso ko. Nagtataka tuloy akong tumitig sa kanyang mga mata.
"Jayde.." Garalgal na boses nitong turan. At napakunot noo naman ako ng matitigan kong namumula ang mga mata nito na parang naiiyak na.. Bigla namang may malamig na hanging humaplos sa puso ko ng sandaling ito. Ayoko syang nakikita na ganito,parang ang hina hina nito.
Hawak hawak nito ang braso ko ng hilahin nito ako palabas ng baking area at humakbang kami patungo sa hagdan at pumanik kami. Iginiya nito ako hanggang maka upo kami sa mahabang couch. Narinig ko na naman ang kanyang pag hikbi. Kaya mabilis kong sinapo ang pisngi nito gamit ang mga palad ko. Bakit ba sya umiiyak na naman. Sumasakit ang puso ko kapag nakikita ko syang ganito.
Biglang naman nito akong kinabig at niyakap ng mahigpit doon sya tuluyang napa hagulgol. Marahan ko namang hinahagod ang likod nito at pilit na pinapatahan.
"Sorry Janine kung ako ba yung dahilan kong bakit nag away kayo ni Joseph kahapon.." Turan ko pa habang hinihimas ko ang likod nito. Nanatili lang itong naka yakap sa akin. "Ssshhh tahan na please.." Sabi ko pa,ayoko talagang nakikita syang ganito. "Gusto mo bang kausapin ko si Joseph!" Mabilis naman itong kumalas sa pagkakayakap nya sa akin sa sinabi kung yun at pinahid ang mga luha sa kanyang mga mata gamit ang palad nito.
"Sige na pwede ka nang umalis.." Ano? Napa maang tuloy akong tumingin sa mukha nito. Ganun lang! pagkatapos papaalisin na nya ako. Fine madali naman akong kausap eh! Mabilis na akong tumayo ng hawakan na naman nito ang braso ko. Napabaling na naman tuloy ako ng tingin sa kanya.
"Ito naman di na mabiro.." Napa simangot naman nitong turan. Napadako na naman tuloy ang mata ko sa tumulis na labi nito. Shit!! Kailangan ko nang pigilan talaga ang sarili ko tama na yun natikman ko na ang mga labing yan,kailangan ko nang kalimutan tong nararamdaman ko. Hinila nito ang braso ko para maupong muli sa tabi nito.
"Galit ako sayo alam mo kung bakit?" Nakatitig lang kami pareho sa bawat isa. At tumaas pa ang isang kilay ko sa sinabi nito. Kahapon pa nya sinasabi na galit sya sa akin.. "Argghh basta!!" Sabay yoko nito. Hayy hindi ko talaga sya maintindihan. Napabuga tuloy ako ng hangin. "Tumawag pala si Frank sa akin!" Muli itong nag angat ng mukha.. "Nasabi mo pala sa kanya yung pagpunta natin sa bahay ng Mom mo!" Expected ko na ito dahil mag best friend tong dalawang to.
Marahan naman akong napatango habang nakatitig sa mukha nito. Naalala ko tuloy yung plano kung surprise para kay Frank. Napangiti tuloy ako na kinapag taka naman ng itsura nito.
"Bakit ka ngumingiti dyan,guilty ka noh kasi kasalanan mo yun bakit mo sinabi." Lalo tuloy akong napatawa."Ouch!!" Daing ko ng hinampas ba naman ako sa balikan. Ang bigat kaya ng kamay niya.. Hinimas himas ko tuloy yung braso ko. "Bakit naman ako ma giguilty normal kang yun na sinabi ko dahil yun naman ang totoo." Katwiran ko pa. Bigla namang nag seryoso ang mukha nito.
"Di dapat sinabi mo na rin sana sa kanya na hinalikan mo ako." Bubulong bulong nitong sabi. Ah ganun pwede rin naman. Napa ngisi tuloy ako.
"Gusto mo bang sabihin ko sa kanya ang tungkol dun?" Hamon ko naman dito at pinaningkitan naman nya ako mata tila may pagbabanta na sige subukan mong sabihin.. Napatawa na naman tuloy ako ng malakas. Ang saya saya ko talaga kapag kasama ko sya kaya lang pareho na kaming pagmamay-ari ng iba.
"Don't worry hindi ko na ulit gagawin yun." Biglang seryoso ko namang sabi. Hindi ko naman mabasa ang ekpresyon ng kanyang mukha basta mataman lang itong naka titig sa akin. "Ahmn may gusto rin pala akong sabihin sayo!" Turan ko pa.
"Ewan ko sayo.. Umalis ka na nga!" Pagtataboy na naman nito sa akin. Biro pa ba to' bahagya pa kasi ako nitong tinulak. Hindi ko talaga sya ma gets.. "Sige na umalis ka na seryoso na talaga ako." Kung kelan namang tinataboy na nya ako hindi naman ako maka galaw sa kinauupuan. Ewan ko ba pati tuloy sarili ko hindi ko na rin ma gets.
"Fine.." Pag suko ko nalang na turan sabay hugot ng malalim na pag hinga. "Baka hindi muna ako makaka punta dito,one week siguro." Paalam ko naman dahil totoo naman yun. Gagawin ko muna yung ibang pinapa gawa ni Dad bago ako umalis ng bansa. Tama din yung desisyon kong puntahan si Frank dahil litong lito na ako sa nararamdaman ko. Kailangang mas matimbang parin si Frank dito sa puso ko. Mas mabuti yata kung ako na mismong magyayang magpa kasal sa kanya para wala na akong kawala. 24 naman na ako at mag 28 na si Frank sa birthday niya.
Mariin kong hinalikan si Janine sa kanyang noo. Bilang pamamaalam dahil hindi ko alam kung ano ng mangyayari pagbalik ko galing ng Canada. Narinig ko namang napa singhap ito sa ginawa ko. Kailangan kong pigilan ang sarili ko. Naabuso ko na masyado ang nararamdaman ko para sa kanya.
"Bye Janine.." Wika ko bago tuluyang umalis."Jayde!" Narinig ko pang tawag nito sa pangalan ko pero nag kunyari na lang akong walang narinig at tuloy tuloy na akong umalis..