Chapter 18

2K 84 1
                                    

Jayde POV...


                    "Joseph...." Mabilis na tumayo si Janine mula sa pagka bagsak ng pwet nito sa sahig. Habang si Joseph ay hinihimas himas ang pangang nasaktan.. Nagpalipat lipat ng tingin sa amin si Janine.. "Jayde bakit mo ginawa yun?" Alin ba ang ginawa ko yung pag suntok ko sa bastos nyang boyfriend. At halatang pinagtatanggol pa nya.









                   "Diba napag usapan na natin ito Janine." Galit namang turan ni Joseph habang kay Janine ito nakatingin. Ni hindi man lang nag sorry sa pagkakabagsak ng girlfriend nito kanina.








                "Pwede ba Jayde umalis ka muna.. Kailangan lang naming mag usap!" Pagtataboy naman ni Janine sa akin.








                "Bakit mo naman sya pinapaalis mas maganda na yung marinig niya ng harap harapan.." Naka ngisi namang turan ni Joseph. So,tungkol nga ba sa akin kaya meron silang hindi pagkaka unawaang dalawa?








                "Joseph-" Turan ni Janine na tila sinasaway naman nito ang kanyang nobyo at napailing pa..








                  "Para malaman nya ang totoo.." Tiim bagang na turan ni Joseph.. "Ako ang boyfriend mo Janine.." Sabay turo nito sa kanyang sarili. "Pero mas sinusunod mo ang gusto at mga utos sayo ng best friend mo. Wala ka nang panahon sa akin alam mo ba yun!" Pasigaw nitong turan na kina singhap ko naman. Sabay baling ng tingin nito sa akin.








                 "Umalis ka na sa buhay namin Jayde.. Hindi ka obligasyon ng girlfriend ko." Nangigigil nitong wika.








               "Joseph tama na.." Awat naman ni Janine sa kanya. Habang naka awang parin ang mga labi ko sa sinabi ni Joseph.. Anong obligasyon! Gosh.. Meron palang ganun.







               "Hindi ko alam kung anong pinagsasabi ninyo.. Wala akong balak na sirain ang relasyon ninyong dalawa kung yun man ang tingin mo Joseph.." Kalmado kong turan sabay baling ko kay Janine. "Hindi mo rin ako obligasyon.. Kung ano pinagsasabi sayo ng boyfriend ko hindi mo naman kailangan na sundin. Ini stressed mo ang sarili mo alam mo ba yun Janine."  Nakita ko ang pagpatak ng luha sa kanyang mga mata. Ayaw na ayaw ko syang nakikitang ganyan. "Hindi mo kailangang gawin.." Pag uulit ko pa..








                 "Joseph ikaw na lang ang umalis muna.." Pagtataboy naman nito sa boyfriend niya na parang nalilito na kung sino ang kakausapin nya sa aming dalawa.








                 "Really Janine ako ang pina paalis mo?" Di naman makapaniwala na turan ni Joseph at napatawa pa ng pagak.. "Hindi ko na nga mahintay yung isang buwan dahil hindi kita matiis. Pagkatapos ako pa ang ipagtatabuyan mo. Fine!!" Sabay kampay niya sa dalawang kamay sa ere. "Mas mabuti pa siguro kong mag cool off muna tayo.."










                  "Joseph.." Hikbi naman ni Janine.. Paano nya nagagawang saktan ng ganito ang girlfriend nya. "Please don't do this!" Sabay sapo sa dalawang palad nya sa kanyang mukha.







               "Para din lang sa ikabubuti natin itong dalawa." Mabilis nang sumakay si Joseph sa kanyang sasakyan.. Napahagulgol naman ng malakas si Janine at agad ko syang niyakap ng mahigpit. Habang mabilis na pinaharurot ni Joseph ang kanyang sasakyan. Gosh! Ayoko syang nakikitang nasasaktan ng ganito. Pilit ko itong pinapatahan..










                 "Leave me alone.." Hikbi nito at paulit ulit nitong sinasabi habang yakap yakap ko parin ito ng mahigpit. No! Hindi ko sya maaring iwan sa ganitong sitwasyon. Not now in her fragile situation. Gagawin ko lang yun kapag nakaka siguro akong maayos na sya. Lalayo at tatapusin ko na rin ang relasyon namin ni Frank. Masyado ng magulo ang nangyayari.









               Hinayaan ko lang syang umiyak ng umiyak..







               "I'm so sorry kung ano man ang nangyayari sa inyo ngayon ni Joseph. Promise ko aayusin ko ang lahat!" Turan ko rito. "Let's go inside.." Akay ko na rito papasok sa loob at pumanik kami ng hagdan habang yakap yakap ko parin ito hanggang sa maka upo na kami sa may couch..










                   "Leave me alone.." Mariin naman akong napapikit ng sabihin na naman nitong muli sa akin. Sabay hugot ko ng malalim na pag hinga. Siguro nga mas makakabuti kong putulin ko na lang yung ugnayan naming dalawa kung yun ang makakabuti para sa lahat. Pero bago ko gawin yun, gusto ko rin na magka liwanagan kami ng husto.. Pagkatapos nun hindi na ako magpapakita pang muli kahit na masakit pa yun para sa akin.









                 "Alam kong nung una palang ayaw mo na sa akin para sa best friend mo." Panimula ko at mabilis naman nitong kumalas mula sa pagkakayakap ko sa kanya at tumitig ito sa aking mukha. Napabuntong hininga naman ako bago ko pinag patuloy yung sasabihin ko. "I'm not a bad person Janine. Ilove Frank but- ayoko ng magsinungaling pa sa sarili ko. I'm inlove with you-" napasinghap kong turan na kina laki ng mga mata nito. "I'm so sorry ayoko naman itong maramdaman eh! Kusa na lang nung una palang kitang nakita." Napabuga ako ng hangin. Sya naman itong napa singhap.










                  "Alam ko na din ang lahat Janine... G-galing ako ng Canada para e surprise ko sana si Frank sa birthday nya. Yun yung sabi kong mawawala ako ng isang linggo."









                "Jayde.." Turan nito. Na para bang hindi ito makapaniwala sa sinasabi ko.








                     

                   "Sa halip na sya yung masuprise.. Ako pa ang nasurpresa.. Nagpa kasal pala ang gago." Napatawa ako ng pagak. "Gusto ko nang mawala yang bigat na dindala mo dyan sa dibdib mo na pilit mong tinatago. Ayaw kitang nakikitang nasasaktan dahil mas masakit yun para sa akin Janine. Yung ginawa sayo ni Joseph parang dinudurog yung puso ko.  Gusto kong magka ayos kayong dalawa dahil alam ko naman kung gaano mo sya kamahal."









                  "Ayoko na ding e tolerate ang   ginagawa ni Frank. Sarili lang nya ang iniisip niya.." Sabay hugot kong muli ng malalim na paghinga. Kailangan ko nang magpaalam sa kanya. Tumitig ako sa mga mata nito kahit sa huling pagkakataon na nababakas parin ang lungkot. "Alam ko namang pilit mo na akong pinagtatabuyan. Don't worry hindi na kita guguluhin pa pero gustong malaman mo na hindi ko ginusto na mahalin kita. Mahal na mahal kita.." Mariin ko itong hinalikan sa kanyang noo sa huling pagkakataon. Narinig ko na naman itong napasinghap..











               Mariin akong napapikit bago tuluyang tumayo at walang lingon likod na umalis.. 'Good bye Janine I Hope na magkaka ayos na kayo ni Joseph' napangiti ako ng mapait bago pinaharurot ang aking sasakyan..

"I HATE THAT ILOVEYOU" (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon