Janine POV...
"Kanina ka pa tahimik.." Puna ni Jayde ng makalabas ito ng banyo at nakasuot ng bath robe habang tinutuyo naman nito ang buhok gamit ang towel sa basa nitong buhok.. Nauna akong naglinis ng katawan at nakaupo ako sa kama nito. Pinahiram narin nito ako ng pantulog problema ko na lang yung isusuot kong pauwi bukas.. Akala ko kasi balikan lang kami,hindi kasi ako naka tanggi sa kuya nito kanina. Iniisip ko si Joseph,mula kasi nung nag usap kami kanina ni isang message wala akong natatanggap galing sa kanya. Kung pwede nga lang umuwi ako ngayon kaso 11 na pala ng gabi.
Ayoko namang matulog sa guestrooms, natatakot ako sobrang lalaki kasi ng mga kuwarto. Kaya dito na lang kami sa kuwarto ni Jayde matutulog.
"Heay,nag aalala na ako sayo." Masuyo nitong turan tsaka marahang umupo sa kama dito sa tabi ko at marahang hinawakan ang isang kamay ko pagkatapos nitong binalik ang tuwalya sa loob ng banyo.. Sasabihin ko na ba sa kanya yung tungkol sa pag aaway namin ni Joseph, baka kasi mamaya sisihin nito ang sarili niya.
"Okay lang ako!" Napangiti ko namang turan. "Nahihiya lang ako sa pamilya mo." Dahilan ko na lang na kina tawa naman nito ng mahina. "Sya nga pala nakilala na ba si Frank nila Tita?" Tukoy ko sa Mommy nito. Bigla ko nalang kasing naalalang itanong.
"Hindi pa.." Diritsa nitong tugon na kina maang ko naman. Isang taon na sila mahigit pagkatapos...
"What? Why?" Sunod sunod ko nang tanong,hindi lang ako makapaniwala.
"Kailangan pa ba nating pag usapan ang bagay na yun!" Tugon naman nito,pagkatapos ay umayos ito ng upo at sinandal ang katawan sa headboard ng kama. Napakunot noo tuloy akong nagbaling sa kanya.
"Of course dahil best friend ko sya at girlfriend ka nya.." Napahugot lang ito ng malalim na pag hinga na tila walang balak sagutin yung mga tanong ko. Nakatitig lang ako sa kanya at naghihintay ng kasagutan.
"Magpapalit lang muna ako ng pantulog." Akmang tatayo na ito ng mabilis kong hablutin ang suot nito,nahawakan ko pala yung ribbon ng kanyang robe at agad itong nakalas sa pagkakatali. Tumambad tuloy sa harapan ko ang katawan nito ni walang suot na panloob. Imbes na mailang ay namangha ako sa aking nakita,ang makinis nitong balat,ang katamtamang laki ng dibdib nya at ang makinis nitong gitna.. Oh my gosh!! Ang manyak ko.
Nakita ko namang napangisi ito bago tumalikod at tumungo sa kanyang closet.. Bigla tuloy akong pinamulaan ng pisngi sa sobrang hiya.. Umayos na ako ng pag kakahiga at binalot ko ang katawan ko ng kumot at patalikod akong nahiga sa gawi nito. Ang ganda ng katawan niya may abs pa sya,paano niya kaya nagawa yun! Para kasing ang payat nitong tignan pag naka damit..
Bigla akong napapikit ng maramdaman kong lumundo nang muli ang kama. Magtulog tulugan na lang akong.. Gumalaw ang higaan at nakisalo ito sa kumot na gamit ko. Oo nga pala kuwarto at kama nya pala ito.
"Para sagutin yung tanong mo kanina.." Buntong hininga nitong turan. "Dahil sya mismo ang may ayaw.." Totoo ba yung sinasabi niya. "Ilang beses ko na syang niyaya na pumunta dito para mameet niya ang mommy ko kaso... Tinatanggihan niya ako." Malungkot nitong turan. Muli tuloy akong kumilos at humarap sa kanya.. Nakatihaya naman itong nakahiga. "Hindi pa daw sya ready na humarap sa pamilya ko." Bakit ganun si Frank..
"Jayde..." Wika ko naman ng makita ko ang lungkot sa kanyang mga mata. Marahan naman itong kumilos at humarap sa akin.
"Ganun ba yun Janine.. Kailangan ba na may maipagmalaki ka bago humarap sa pamilya ng taong mahal mo.." Wika nito habang nakatitig lang sa mukha ko. Bigla namang parang may malamig na hanging humaplos sa puso ko ng sandaling yun. Si Joseph, willing ko naman syang ipakilala sa mga magulang ko dahil mahal ko sya.. Na meet ko na rin naman ang mga parents nya isang beses nung minsang lumuwas sila ng Maynila. Malayo kasi ang province nila Joseph nakatira lang ito sa Tito nito na may sariling bahay sa Maynila.. Hindi ko namalayang hinahaplos ko na pala ang isang pisngi ni Jayde gamit ang isang palad ko.
"Yun kasi ang sinabi sa akin ni Frank. Yun din ang reason niya kung bakit nagtungo sya nang Canada. Kahit sa totoo lang masakit para sa akin yung bigla na lang syang umalis at nagplano syang mag isa niya.." Bigla itong napahinga ng malalim. "Tinanggap ko na lang kasi andun na eh.. Buo na ang desisyon niya."
"Jayde.." Bulong kong sabi ng may ga butil ng luha ba tumulo sa kanyang mga mata.. Ramdam ko ang kalungkutan nito na pilit nyang itinatago. Pinahid ko ang mga luhang yun gamit ang aking daliri.. "I'm sorry, sorry sa ginawa sayo ng best friend ko. Ako din nabigla sa biglang desisyon niya. Naiinis din ako sa kanya sa totoo lang.."
"You don't have to... Wala ka namang kinalaman dun. Thank you dahil andyan ka para sa akin." Nakangiti na nitong turan. At least kahit papaano gumaan na ang kanyang pakiramdam. Hinawakan nito ang kamay kong humahaplos sa kanyang pisngi at dinala yun sa kanyang mga labi at masuyo niya itong hinagkan. 'Jayde' bulong ng puso ko. Sya palang ang gumawa sa akin nito, kahit si Joseph ay never pa nyang hinalikan ang aking mga kamay. Nakaka kilig pala yung ganun,tapos si Jayde pa ang gumawa na isang babae..
Dumukwang pa ito at mariin akong hinalikan sa aking noo. "Good night Janine." Malambing pa nitong turan pagkatapos. Hindi ko naman maiwasang napasinghap ng sandaling yun. Kusang kumilos ang katawan ko at siniksik ko sa katawan nito at iniyakap ang aking braso.. Agad naman nitong iniyakap din ang isang braso nito sa akin. Ito ang pinaka masarap na tulog na mararanasan ko sa buong buhay ko..