Chapter 6

2.2K 91 4
                                    

Janine POV...




                "Halika ipakilala kita sa kuya ko." Sabay hilang muli ni Jayde sa kamay ko,hindi parin ako maka get over sa sinabi nang Mommy nito kanina or ako lang tong nagbigay nang ibang kahulugan.  Pinilig ko nalang ang ulo ko at nag focus sa sinasabi ni Jayde. Si may kuya pala ito akala ko mag isa lang itong anak. Nagtataka ka lang ako at hindi man lang kina musta si Frank ng mommy ni Jayde.










                    Ipinakilala ako sa kuya nito at sa asawa nya at may anak silang lalaki na tatlong taong gulang.. Guwapo ang kuya ni Jayde,angkan talaga sila ngay itsura. Ipinakilala pa niya ako sa iba pang bisita mga malalapit lang na kamag anak nila ang ibang dumalo sa salo salo. Habang nakikisalamuha kami sa iba pang bisita ay bigla namang nag ring ang phone ko na  nasa loob ng aking shoulder bag. Nag excuse muna ako para sagutin ang tawag. Mabilis akong humakbang patungo sa labas ng bahay..









           'Gosh' si Joseph ang tumatawag nakalimutan ko palang nag paalam sa kanya. "Hi hon.." Masigla ko namang bati pero kinakabahan talaga ako.  Linggo ngayon wala pala itong pasok sa trabaho.









            "Morning hon.. Attend tayo ng mass mamayang 3pm pagkatapos dinner tayo." Aya nito na kina ngiwi ko naman. Shocks bakit ba kasi nawala sa isip ko ang magpaalam. Mariin tuloy akong napapikit. Hindi ko pala naitanong kay Jayde kong ano oras ba kami babalik ng Manila.









              "Ah- Joseph.." Banggit ko sa pangalan nito. "K-kasi Andito ako sa bulacan ngayon.." Nauutal kung sabi. "Birthday kasi nang Mommy ni Jayde niyaya nya ako, hindi ko pa alam kung anong oras kami uuwi.." Bigla namang natahimik sa kabilang linya. Galit kaya ito! Kinakabahan tuloy ako.. "Joseph." Wika ko ng hindi parin ito kumikibo..










              "Hindi ka man lang nagpaalam..." Narinig ko ang marahas na buntong hininga nito.  Nakakainis bakit ba kasi nawala sa isip ko ang bagay na iyon..











              "Sorry hon... De bale ah hahabol ako. Sabihin ko kay Jayde na-"











                    "It's okay.. Sige lang mag enjoy ka lang muna dyan." Putol nito sa sinasabi ko at halata sa himig nito ang pagtatampo. "Ingat ka!" Gosh... Ayokong mag away kami,inaamin ko namang kasalanan ko.










            "Hon.... Are you mad?" Napakagat labi kong tanong..  Naghihintay lang naman ako ng sagot nito.









                "Usap na lang tayo pagbalik mo.. Sige na bye." At nag call ended na ito. Napabuga na lang ako ng hangin pagkatapos.  Lahat ng lakad ko updated ako sa boyfriend ko ngayon ko lang naka ligtaang magsabi. Napa hilot tuloy ako sa aking sentido.. Humanda na lang ako pag balik ko ng Maynila nagpasya na akong bumalik sa loob ng bahay. Sakto namang naka salubong ko si ate Camille sa may pintuan ang asawa ng kuya ni Jayde.. 











                "Heay Janine.." Bati nito. "May kukunin lang ako sa kotse." Sabi pa nito.. At napatango lang naman ako,lalagpasan ko na sana ito ng biglang hawakan nito ang isang braso ko. Kaya agad din akong napahinto at nagtatakang tumingin sa kanya. "Ngayon lang naming nakitang ganito kasaya si Jayde. Sa tingin ko dahil yun sayo." Makahulugang sabi nito. Ano bang pinagsasabi nito. "Lalo na si Mama at halata namang gustong gusto ka nya." Sabi pa nito at ngumiti ng husto. Bago tuluyang umalis sa harapan ko. Hindi ko parin maintindihan ang mga sinabi nito,nawewerduhan ako na tumungong muli sa loob ng bahay.









             Masaya! Oo masaya marahil si Jayde dahil sa best friend ko at alam ko namang mahal na mahal nila ang isa't isa. Kumbinsi ko naman sa sarili ko.











               "Sino yung tumawag sayo?" Tanong naman ni Jayde nang muling makalapit ako sa kanya.












               "Ah si Joseph.. Nagpaalam lang akong pumunta tayo dito." Sabi ko naman ayoko naman kasing mag worry pa si Jayde dahil lang sa hindi ako nakapag paalam sa boyfriend ko. Aayusin ko na lang pagbalik namin. Napatango tango naman ito. "Tara na sa dining kompleto na yata ang bisita ni mommy." Hinawakan na naman nito ang kanang kamay ko at iginiya niya ako patungo sa kanilang dining area. Hindi ko na tuloy naitanong kong anong oras kaming babalik ng Maynila. Mamaya na lang pagkatapos ng tanghalian.













             Todo naman ang pag aasikaso sa akin ni Jayde habang kumakain. Pansin ko ding may kaya ang pamilya nila Jayde,kahit ganun hindi mapag mataas tulad ng iba para nga lang silang mga ordinaryong tao lang din. Nag kakantyawan habang kumakain at sobrang sarap ng mga pagkaing naka hain sa mesa. Grabe sobrang nabusog ako.









                    "May bakeshop si Janine sa taguig kung maka bisita kayo doon. Matikman ninyo yung masasarap niyang cakes,cookies at marami pa." Nahihiya tuloy ako sa pinagsasabi ng babaeng ito. Lagot sya sa akin mamaya. Kumpara kasi sa pamilya nila alam ko maliit lang yung negosyo ko.











               "Dapat ikaw din Jayde, magpa tayo ka na din ng sarili mong business hindi yung  ginagawa mong tamad yung sarili mo hindi porket binibigyan ka ng malaking pera ng Dad mo-"











                   "Mommy!! Nakakahiya po kay Janine.." Parang bata namang saway nito sa Mommy niya. At napatawa lang  ako. "Work naman po yun eh!" Katwiran pa nito.










               "Work work ka dyan ha... Pag isipan mo ang sinabi ko Jayde.. Dapat pagbalik ninyo ni Janine dito may progress kana.." Sermon parin ng mommy nito na kina tawa naman ng lahat. Kaya lang ewan ko ba iba yung pakiramdam ko magmula pa kanina nung dumating kami rito. Hindi naman sa naiilang ako, parang kasing sobrang welcome ako sa family nila. Naalala ko na naman si Frank, ganun din kaya ito ka welcome dito. Parang hindi pa naman kasi nito nabanggit na naka pasyal na ito dito.












                   "Dito ba kayo matutulog?" Bigla namang naitanong ng kuya ni Jayde nang nasa living room na kami at yung ibang bisita ay nagsi alisan na dahil may mga importante pang lakad. Napa tingin naman ako kay Janine habang magkatabi kaming naupo sa couch..  "Ngayon nga lang tayo magkaka bonding ulit,birthday ni mommy kahit ngayon lang Jayde bukas na lang kayo umuwi ni Janine..Right Janine?" Sabay baling nito sa akin. Nahiya naman ako kaya marahan na lang akong napatango..

"I HATE THAT ILOVEYOU" (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon