Chapter 27

4.6K 129 37
                                    

Jayde POV...

                      "So,totoo nga!!" Matalim ang tinging pinukol sa amin ni Joseph,bigla namang napatayo si Janine mula sa kinauupuan nito dito sa tabi ko kanina.








                     "Ahmn... Joseph." Turan naman ni Janine na para bang gusto nyang maipaliwanag dito sa nakita ng nobyo. Kailan ba nya maipaglalaban itong nararamdaman nya para sa akin. Alam ko mahal  din niya ako,kaya kahit gustuhin ko man syang layuan nang tuluyan,hindi ko rin lang kayang gawin. Nananitili akong nakaupo sa couch habang isinusuklay ko ang mga daliri ko sa aking buhok.








                "Totoo nga ang message sa akin ni Frank may  relasyon kayong dalawa!! Nakakadiri kayo." Pinagdiinan pa nya ang huli niyang sinabi. Dun ako bigla nagmulat nang mga mata nagbaling ako sa gawi nito at matalim ang tinging pinukol ko sa kanya.







                "Don't you dare Joseph.." Napatayo ko na ring turan. "Kung marunong kang mag alaga nang relasyon hindi maibabaling ni Janine ang sa akin ang pag tingin niya sayo-"








               "Jayde please..." Awat naman ni Janine sa akin at halatang na po frustrate na ito. So anong mangyayari ipagtatabuyan na naman ba nya ako. Pipiliin nya na naman si Joseph? Kung ganun din lang ulit ang gagawin nya at paulit ulit lang kami mas mainam na nga siguro kung tuluyan ko na syang lalayuan. Mantili na lang ako sa nabili kong resort sa Cebu, dun ko na lang ituon ang oras ko.







                    Yun ang gusto kong patakbuhing negosyo isang resort. Nagpa sama pa ako kay Cheng para tignan yun at nagsimula na ang operation. Kaya naging busy ako ng halos isang buwan. Kaka balik ko lang halos at tumuloy ako dito dahil sobrang miss ko na si Janine. Hindi ko naman inaasahan na dumating din si Frank. Ang totoo nyang buo na ang pasya ko na tapusin na kung anong meron kami ni Frank dahil si Janine na ang nag mamay ari ng puso ko.







                  Masaya ko din sanang ibalita kay Janine tungkol sa negosyo ko,bilang pangako ko na din sa mommy ko na kapag bumisita ulit kami ni Janine sa bahay nya may maipagmamalaki na akong business ko.








             "Talaga bang may lihim kayong relasyon na dalawa ha!" Galit na turan ni Joseph. Isang beses pa na sisigaw sya matatamaan na talaga sya sa akin. "Sumagot ka Janine.." Nangigigil pa nitong turan. Nagpalipat lipat namam ang tingin nito sa amin ji Joseph.. Kalmado lang ako,ayokong magpakita nang ano mang emosyon. Desisyon parin ni Janine ang masusunod.







                "W-wala..." Mariin akong napa pikit sa naging tugon ni Janine. Fine! wika ko pa sa isip ko tanggap ko na na ganun ang magiging sagot nya dahil totoo namang wala,wala pa. At committed parin sya kay Joseph. Napa hugot ako ng malalim na paghinga.








                     "Narinig mo yun Jayde!" Napatawa pa nang pagak na turan ni Joseph halatang nang aasar pa. "Bisexual ka diba? Yun kasi ang sinabi nang tanga mong boyfriend ni hindi niya na discover na-"






               "Wala kang karapatan na insultuhin ako o si Frank.. Mag ingat ka sa mga binibitawan mong salita Joseph." Nagbabanta ang tinging pinukol ko sa kanya. Naalala ko bigla sya nga yung nakita ko sa airport at may ka hawak kamay na babae.  Kaya lang nang makita nya ako bigla nitong binitawan ang kamay nung babae. Pansin ko din sa babaeng mapayat na yun ang konteng umbok ng tyan.








              "Please tama na.." Saway ulit ni Janine sa amin.. "Naguguluhan na ako sa inyong dalawa sa totoo lang.






                "Bakit Janine, nakaka siguro ka bang ikaw lang ang babae na nilalandi nyan!.. Nakita ko nga may babaeng kasama yan sa airport at nag out of town sila." Sa akin tuloy nagbaling nang tingin si Janine at tinitigan ako nang masama. Halata namang nagseselos yung paraan nang pag titig nya..  Napangisi tuloy ako.








                    "Totoo ba yun Jayde?"






                "Huwag ka na magselos love totoo man na may kasama ako sa airport nung time na yun. Si Cheng lang yun secretary ni Dad.." Kalmado kong turan at lalo nya akong pinaningkitan nang mga mata. "Eih paano si Joseph kung nakita ko din sya nung araw na yun.." Sabay baling nang tingin ko kay Joseph at biglang pinamulaan ng pisngi.. "May kasama ding babae at holding hands pa nila at mukhang ang saya nila.. Magseselos ka din ba?" Kay Joseph ulit ito nagbaling nang tingin..









                  "Ah- " Hindi ito agad naka kibo. "Kasalanan nyang Jayde na yan kung bakit nagkagulo ang relasyon natin Janine.. Tapos nakipag cool off ka pa sa akin-"








                   "Totoo ba yun Joseph? So sino ang babaeng yun?" Putol ni Janine sa sinasabi niya..








               "Hon-"








              "Sagutin mo ang tanong ko Joseph.. Hindi ako nag seselos no, gusto ko lang malaman ang totoo para tuluyan na tayong maghiwalay.." Lihim namang nagdiwang ang kalooban ko nang sandaling ito. Hindi ko naman na sana babanggitin ang tungkol doon,sya naman ang nauna eh!..








                     "I'm so sorry Janine.." Naiiyak na nitong turan.. "Hindi kasi sinasadya ang pag kikita namin ni Dianne sa Baguio.." Napasinghap si Janine nang sandaling yun. "Nagbar kami at hindi ko sinasadya may-!"







               "May nangyari sa inyong dalawa?" Pag tutuloy ni Janine sa gustong sabihin ni Joseph sabay baling nang tingin nito sa akin at napakagat labi. Damn! Gusto ko tuloy ulit itong halikan sa harapan ni Joseph. Naalala din siguro nito ang nangyari sa aming dalawa.








                  "Hindi ko naman akalain na.. Mabubuntis ko sya.."









                  "Well congrats Joseph..." Sarkastikong turan ni Janine. "Ang masasabi ko lang sayo Joseph bago ka manghusga ng ibang tao. Dapat yung perfect ka na.. Makakaalis ka na." Pagtataboy nito. Wala naman magawa yung isa kundi lulugo lugong umalis nang bahay..








                "Alam mo ba yung ex nyang yun matagal sila.. Kung hindi naman nagloko yung girl hindi sila naghiwalay hindi siguro kami nagkakilala." Ewan ko kung nag kukwento ba ito or kinakausap ang sarili niya. "Ang lakas pa nang loob nyang sumugod dito yun pala mas malala pa yung kasalanan nya..."










                  "Relax lang love okay.." Awat ko naman dito at hinawakan ko ang dalawang palad nito..








              "Eh ikaw anong ginagawa ninyo ni Chang ba yun sa airport.." Aba ang sungit naman nitong mahal ko. Napatawa naman ako nang mahina.







               "Si Cheng.." Pagtatama ko naman sa pangalan. "Pumunta kami ng Cebu dahil andun yung pinatayo kong negosyo. Kaya halos one month akong wala.






              "Talaga yun yung dahilan?" Paniniguro pa nito.. Napatawa ulit ako. Nagulat na lang ako ng bigla nyang siniil ng halik ang labi ko. Nangigigil ang bawat halik nito.. "Namiss kita sobra." Malambing nitong turan pagkatapos ng mainit na halik na pinagsaluhan namin. At ikinawit nito ang mga braso nya sa batok ko. "I hate- I hate that ilove you..." Bigla ko na lang syang kinabig at niyakap ng mahigpit. Matagal ko nang gustong marinig yun sa kanya..




End.....

"I HATE THAT ILOVEYOU" (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon