Chapter 8

2.2K 80 0
                                    

Janine POV...



                 "Hon.. Huwag mo na ulit gagawin yun ha!" Wika ni Joseph habang mahigpit nya akong yakap. Agad ko naman iyong ginantihan. Maaga kaming  umalis ni Jayde kanina galing sa bahay ng Mom niya at nangako pa akong babalik kami doon. Napaka swerte ko talaga sa boy friend ko dahil sobrang bait nito. Hindi ako natiis at pinuntahan nya ako dito sa bakeshop ko pagka out nito sa trabaho. Akala ko talaga galit na sya dahil sa hindi ko pag paalam kahapon na pumunta sa bulacan. Maghapon din kasi itong walang message kanina kahit ang dami kung message dito na humihingi ako ng sorry.










             "Sorry talaga hon.. Promise hindi ko yun uulitin.." Sabi ko naman. Oo promise talaga. Lesson na yun para sa akin.








                "Alam mo nagtampo talaga ako sayo.." Napalabi naman nitong sabi ng maghiwalay na kami sa pagkakayakap ang cute.. "Pero mahal kita eh!" Bawi naman nito..









              "Ilove you too.." Tugon ko naman.. "Bawi nalang ako sayo,treat kita ng dinner." Napatawa naman ito sa sinabi ko.









              "Hindi mo naman kailangang gawin.. Ako ang boyfriend dito. Kaya tara dinner tayo later.." Aya nito. Napatawa nalang din ako. Maaga pa naman kasi. "Uwi nalang muna ako saglit sa bahay okay.." Napatango nalang ako agad na itong nagpaalam at umalis..










            Nawala na yung bigat na nararamdaman ko dahil okay na kami ni Joseph. Pangako ko sa sarili ko na hindi na talaga yun mauulit.. Babalik na lang muna ako sa baking area para ipagpatuloy ang aking ginagawa. Bigla ko namang naalala si Jayde. Kamusta kaya yun? Mukha yatang busy at hindi nagpapa ramdam,madalas kasi andito na yun. Uuwi pagka sara na yung shop. Baka may work,sabi nga nya may work sya eh.. Napapangiti naman ako kapag naalala ko yung panenermon sa kanya ng mommy nito. Tamang katwiran lang ang peg.










                     Pagka salang ko ng caramel cake sa oven. Ay sya namang pagtunog ng phone ko na nakalagay sa may bulsa ng apron ko. Agad kong tinanggal ang suot kong gloves at tinignan kong sino ang tumatawag. 'Frank' wika ng isip ko ng overseas ang number na nag appear sa screen ng phone ko.. Agad ko naman itong sinagot. "Hello best." Alam ko na kasing sya yun.












                "Janine..." Seryoso ang pagka bigkas nito sa pangalan ko. Magdadalawang buwan na ito sa Canada at ito ang pangalawang beses nya na pag tawag. Madalas naman kaming nagkaka mustahan sa chat..










              "Hoy.. Napaka seryoso nito." Natatawa kong turan. "Para kang baliw.. Kamusta ka na dyan.." Wika ko pa.










                  "Best... Ayos lang naman ako si Jayde ba kamusta?" Naalala ko tuloy yung mga sinabi sa akin ni Jayde nung natulog kami sa bahay ng mommy niya.. Lokong Frank to kung malapit lang sya babatukan ko talaga. .











                "Okay lang naman. Madalas nga sya dito sa shop.." Yun lang ang sinabi ko ayokong nang sabihin tungkol sa pagpunta ko sa bahay nila Jayde yung nakilala ko ang mommy niya at ibang kamag anak.










               "Buti naman at nababantayan mo sya ng maigi." Bantay ba yun? Hindi nga eh, at mukhang hindi naman kailangan ni Jayde yun. Nakilala ko na sya at sobrang seryoso ito sa relasyon nila. "Best may goodnews at bad news ako.." Bigla naman akong kinabahan sa sinabi nito.. "Anong gusto mong unahin ko?"










             "Pwede ba huwag ka ngang magbiro ng ganyan.." Pasigaw kong turan. Narinig ko  naman ang paghugot nito ng malalim na paghinga.












                    "Hindi nga ako nagbibiro.. Okay bigyan kita ng hint.. Hindi aabutin ng 5years at makakasama ko na ulit si Jayde yun ang good news.. At ang bad news ay complicated." Ano bang pinagsasabi nito.. "Ano nang gusto mong unahin ko." Masaya ako kung hindi na abutin ng ganung katagal at makakauwi na sya. Eih ano naman yung complicated nyang sinasabi..











               "Okay sige.. Para maniwala ako good news muna.." Sabi ko nalang.. Muli itong napa hugot ng malalim na paghinga.











                "Good news dahil in two years magiging citizen na ako dito, pwede na akong makahanap ng mas maayos at mas malaking sahod sa trabaho. At pwede ko pang kunin si Jayde dito pag magpakasal na kami pag uwi ko dyan.." Mataman lang naman akong nakikinig sa sinasabi nito.. Di maganda yun kung ganun. Bakit kailangan pa ng bad news!
"Ang bad news ay kailangan kong magpakasal sa isang Canadian citizen para mapabilis yung gjkdrynnkkknnhhjkfhjjhkkkkk wala na akong naintindihan sa sumunod na sinabi nito  dahil ang tumatak lang sa isip ko ay yung sinabi nyang ikakasal sya sa iba??











                 "Ano??? Frank nahihibang ka na ba.." Pasigaw ko na namang turan. "Hindi basta ganun lang yun! Kausapin mo muna  si Jayde sa bagay na yan.." Hysterical kung turan..













              "Best.. Nakapag desisyon na ako at next week na yung nakatakda naming kasal nung Canadian na kaibigan ng Tita ko." Nag desisyon na naman sya sa sarili niya..












                    "Nahihibang ka na talaga Frank.."











                "Makinig ka kasi muna.. Hindi naman totoong kasal yun, I mean kasal pero palabas lang para maging citizen ako dito.. After 2 years pwde na kaming ma annul.. Mahal na mahal ko si Jayde nagsusumikap ako dito para mabigyan ko sya ng magandang buhay at may  maipagmalaki ako sa pamilya nya." Mariin tuloy akong napapikit sa huling sinabi nito. Yun na nga ba yung sinasabi ni Jayde. God Frank ginagawa mo lang komplikado ang lahat.. "Kaya sana best.. Nakiki usap ako sayo,sayo ko lang sinabi ito.. Huwag mo sanang sasabihin kay Jayde. Two  years lang best.. Ikaw muna ang bahala sa kanya." Ako ang iniipit niya sa totoo lang..











              "Frank... Baliw ka na talaga.."
Pranka kong sabi..











               "Please Janine.. Ikaw lang ang pinagkakatiwalaan ko dyan. Pangako babawi din ako sa lahat ng pabor na  hiningi ko." Napabuga na lang ako ng hangin.. Kapag malaman ito ni Jayde pareho kaming dalawa ang mananagot.










                "Okay.." Tugon ko nalang. Pilit ko nalang syang intindihin dahil sabi nga nya ginagawa lang nya lahat ng ito dahil sa pagmamahal nito kay Jayde.. Ewan ko nalang talaga. Gagawin ko na lang lahat ng makakaya ko para maitago ko ito..

"I HATE THAT ILOVEYOU" (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon