Chapter 5

2.6K 95 4
                                    

Janine POV...




                      "Kaya ko na.." Wika ni Jayde habang inaagaw ang mangkok sa kamay ko. Nilutuan ko kasi ito ng sopas pagka uwi ko nang bahay galing sa dinner namin ni Joseph. Iba na talaga yung boses nito dahil sa kanyang sipon. Panaka naka din itong inuubo. Tapos ang tigas parin ng ulo. "Ako na hindi naman ako baldado para subuan mo pa.. Trangkaso lang to!" Sabi pa nya.. Nila lang!! Lang nya yung trangkaso.. Masama kaya yun pag lumala.  Napaikot na naman tuloy ang eyeballs ko.








            "Oh hayan bahala ka na nga." Pagsuko ko at iniabot sa kanya yung mangkok at umuusok pa yung laman. Narinig ko na naman ang mahina nitong pagtawa. Pinatong naman nito ang bowl sa kandungan niya habang naka Indian sit ito, sa ibabaw ng kumot. Nagsimula na itong kumain habang nakaupo parin ako sa harap nito.










             "Mag suot ka nga ng face mask baka mahawa pa kita." Ngayon pa nya ako pagsusuutin ng ganun hinalikan na nga nya ako kanina. Napalunok naman ako ng mapadako ang tingin ko sa mapupulang labi nito.  Bigla naman itong nag angat ng mukha at nahuli tuloy akong nakatitig sa mga labi niya. "Pag magaling na ako pwede na.." Makahulugan nitong turan at mabilis pa sa alas kuwatrong umalis ako sa kama. Nakakahiya ako. Tatawa tawa na naman itong mag isa. Kainis..










                   Lalabas na sana ako ng kuwarto ng biglang magsalita ito ulit.
"Tumawag na pala si Frank.." Bigla naman akong parang tinakasan ng dugo sa mukha ng muli akong humarap sa kanya. Kaya ba hindi tumatawag sa akin ang best friend ko baka galit na yun sa akin. "Don't worry hindi ko naman sinabi sa kanya ang totoong nangyari."









                  "Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko naman..










                "Well,normal lang naman yung ganito magka trangkaso. Kaya sinabi kong bigla na lang akong nagka sipon ubo. Sabi lang nya magpa galing ako kaagad." Sabi naman nito na kina hinga ko ng maluwag.. Kaya lang nagiguilty parin ako sa nangyari sa kanya.  "Pero may kapalit yung pag sisinungaling ko sa kanya." Bigla naman itong nag seryoso na tumitig sa akin. Gusto kong itanong kong ano ba yung kapalit na yun kaya lang wala namang salitang lumalabas mula sa bibig ko.









                  "Sa ayaw at sa gusto mo kailangan mong sumama sa akin..." Pabitin pa nitong sabi.. Hindi naman ako kinakabahan sa sinabi nyang kailangan kong sumama sa kanya. Kaya kalmado lang naman akong naghihintay sa susunod nitong sasabihin. "Birthday nang Mom ko sa Sunday gusto kong sumama ka." Sabi nito. Ewan ko pero bigla naman akong na excite na makilala ang pamilya nito..











              "Sure.. Sabi mo nga sa ayaw at gusto ko eh!" Turan ko naman na kunyari no choice naman ako sinabayan ko pa ng pagbuntong hininga. "Kaya kailangan magpa galing ka na bago sumapit ang linggo." Dagdag ko pa bago tuluyang lumabas ng kuwarto..




---------





                   "Hiwalay na ang parents ko." Pag kukwento naman ni Jayde habang nasa beyahe na kami papuntang Bulacan kong saan doon daw ang bahay ng Mom niya. Buti naman at maayos na ang pakiramdam nito. Magaling naman akong nurse niya eh. Hindi ko talaga ito pinapa uwi sa bahay niya hangga't hindi ito tuluyang gumaling. Napabaling naman ako ng tingin sa kanya habang seryoso ito sa pagmamaneho. Pareho lang din kami ng kwento ng buhay. Mahirap maging broken family,kaya ako pag magka pamilya na ako gagawin ko ang lahat panatilihin kong buo ang pamilya ko..












                  "Hanggang ngayon hindi ko pa rin maintindihan kong bakit sila nang hiwalay dahil pareho naman silang hindi na nag asawa. Si Dad nag focus sa family business na pinamana ng grand parents ko at si Mon naman pinagkaabalahan nalang yung flower shop niya." Pag kukwento pa nito.










               "Eh ikaw anong pinag kakaabalahan mo?" Bigla ko namang naitanong rito hindi pa kasi malinaw sa akin kung ano ba talaga ang work nito. Dahil mula noong umalis si Frank lagi naman ito sa bakeshop medyo nakikilala ko na din sya ng husto. Taliwas sa impression ko sa kanya noon.. Tama nga si Frank mabait ito may katigasan lang ang ulo.










               "Tambay lang..." Napatawa naman nitong tugon. Sarap batukan eh! Tinignan ko tuloy  ito ng masama. "Tumutulong ako sa Dad ko tapos binibigyan niya ako ng sweldo.." Panong tumutulong! Dapat andun sya sa company nila. Hindi ko na lang inusisa baka ma stressed lang ako sa kanya..













                   Halos isang oras din mahigpit ang beyahe namin ng pumasok na ang sasakyan ni Jayde sa isang malaking gate na nakabukss at punong puno ng  halamang namumulaklak sa paligid. Isang malaking bahay naman ang bumungad sa amin at bukas din ang main door. Mukhang may malaking salo salo ang magaganap.  Inayos na ni Jayde ang pagpark ng sasakyan nito sa may parking area,may ilang sasakyan ding naka parada.











                    Naunang bumaba ng sasakyan si Jayde habang nagtatanggal palang ako ng seatbelt. Mabilis itong umikot sa gawi ko at pinag buksan nya ako ng pinto. Wow' gentlewoman ang peg.. Nginitian ko naman ito bago tuluyang bumaba ng sasakyan. Binuksan nito ang back seat at kinuha mula roon ang isang malaking paper bag. Marahil regalo nya iyon sa Mom niya.











                "Let's go.." Wika naman nito pagkatapos mai lock lang sasakyan. Bigla naman  akong na tense  kung kailan nandito na kami. Agad naman nitong kinuha ang isang kamay ko at pinagsalikop sa palad nya hindi nalang ako tumutol. Mukhang nabawasan din kasi yung kabang nararamdaman ko ng hawakan nito ang kamay ko.. Humakbang na kami patungo sa may pintuan may mga boses akong naririnig mula sa loob mukhang marami na yatang bisita sa loob.











                 "Oh! Ang aking bunso.." Wika nang isang ginang na taglay parin nito ang mala dyosang ganda parang older version lang ni Jayde.. "Akala ko mahuhuli ka na naman ng dating." Sabi pa nito at bahagyang niyakap ang anak dahilan para magbitaw ako sa pagkaka hawak sa kamay ni Jayde. Grabe  sobrang laki ng loob ng bahay nila. Nang pasimpleng nilibot ko ang aking tingin. May mangilan ngilan lang na bisita. Akala ko sobrang dami.











                     "Siya nga po pala Mommy si Janine po. Kaibigan ko." Pinakilala naman ako sa kanyang INA. At nagbaling naman ng tingin sa akin ang mommy nito. Sa kanya din namana ni Jayde ang magandang ngiti nito..












               "Hi Janine..." Sabay yakap nito sa akin.. "Welcome to our family iha." A-ano daw??

"I HATE THAT ILOVEYOU" (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon