Janine POV...
"Ma'am nasa labas po si Sir Joseph hinahanap po kayo." Napa baling ako ng tingin sa isang tauhan ko ng biglang nagsalita ito mula sa pintuan dito sa baking area. Awtomatiko namang sumilay ngiti sa mga labi ko sa sinabi nito,nag de decorate kasi ako ng order na cake para sa isang birthday party. Andito naman yung pag gulo sa sa buhay ko na si Jayde. Nang aasar lang kasi ang ginagawa nito.
"Pakisabi saglit lang ha! Tapusin ko lang ito." Tugon ko naman at agad naman itong tumalima. Naka balik na ang boyfriend ko galing ng seminar. Miss na miss ko na rin sya.
"Ako na mag tutuloy nyan,puntahan mo na yung hon mo doon." Wika naman ni Jayde. Na kina taas ng isang kilay ko nang nag baling ako ng tingin sa kanya.
"Ayoko nga.. Wala akong tiwala sayo baka ano pang gawin mo dito sa cake na to'." Natatawa ko namang turan. Pang bawi ko lang sa pang aasar nito sa akin. Narinig ko naman ang malutong nitong halakhak. Natawa naman ako sa tawa nya. Para lang kaming timang. At muli naman kaming natahimik habang pinagpatuloy ko na ang aking ginagawa. Sinipat kong mabuti ang ginawa ko ng matapos na at mukhang okay na yung design ng gusto nong batang lalaki na mag birthday. Napabuga ako ng hangin sabay tanggal sa suot kong gloves.. Nagulat naman ako ng bigla lumapit si Jayde sa akin at sya mismo ang nag hubad ng apron ko. Sobrang lapit lang naman ng mukha nito sa mukha ko. Sanay naman na ako sa pagiging clingy nya,sweet, makulit at mapang asar.
"Thank you." Mahina ko namang turan. Sobrang na gi guilty parin ako sa ginagawa ng best friend ko kaya pilit ko nalang na nililibang tong sarili ko. Pinag dadasal kong magiging maayos din ang lahat. Nag ayos ako saglit sa sarili ko bago ako tumungo sa labas at naka sunod lang naman sa akin si Jayde. Agad namang hinagilap ng paningin ko si Joseph at nakita ko itong naka upo sa isang bakanteng table sa may sulok. Akmang lalapitan ko na sana ito ng may tumawag sa pangalan ko.
"Ate Camille?" Gulat kong tanong kasama nito ang kuya ni Jayde na si kuya Jordan. Ano kayang ginagawa nila dito. Bigla naman akong napangiti na miss ko din sila agad ko tuloy silang nilapitan at naki pag beso. Nawala na sa isip ko ang boy friend ko. "Asan po si Uno?" Tukoy ko sa anak nila.
"Naiwan sa bahay.. May pinuntahan kasi kami malapit dito eh naalala ko dito din pala banda tong bakeshop mo." Si kuya Jordan ang sumagot. At nabaling naman ang mata ko ang mga bitbit nilang mga paper bags. Hala ang dami naman nilang pina mili sa mga paninda ko,aanhin naman nila ang madaming tinapay.
"Oh andito din pala si Jayde." Baling naman ni ate Camille ng makita ang hipag nito..
"Naku huwag mong pinapatambay yan dito sa shop mo baka mawalan kayo ng customers." Biro naman ni kuya Jordan at nagtawanan kaming tatlo. Maliban kay Jayde. "Huwag mong kakalimutan yung bilin sayo ni mommy,kailangan mo na ding magpa tayo ng sarili mong business nakakahiya dito kay Janine." Sabi pa ng kuya niya. Kakamot kamot tuloy ng batok si Jayde. Ilang saglit pa ay nag paalam na rin ang mag asawa. May sinabi pa si kuya Jordan sa kapatid na hindi ko namana gets.. Hayy! Hayaan ko na nga. Babalik daw ulit sila dito para bumili ng cookies at brownies. Itsura palang daw kasi masarap na. Hinatid namin ang mag asawa hanggang sa sasakyan nilang naka parada.
"Huwag kang nagpapaniwala dun sa kuya ko ah!" Natatawa namang turan ni Jayde nang tuluyan ng nakaalis ang mag asawa at yumakap pa sa baywang ko.
"Bleeh.." Sabi ko naman na parang bata. Saka ako tumawa. Asar talo kasi sya sa kuya nya.
"Janine." Dun ako biglang nagbaling ng tingin kay Joseph. Gosh nawala tuloy sya sa isip ko. Agad namang binitawan ni Jayde ang baywang kong yakap nya. Isa pa tong babaeng to eh! Nag umpisa na naman sa pag lalambing. Pinitik ko tuloy ang ilong nito bago nagmamadaling tumungo sa kinaroroonan ng boyfriend ko. Na tila madilim ang mukhang naka titig sa akin.
"Hi hon.. Sorry ha bigla kasing dumating sila ate Camille." Masigla kong bati sa kanya. Nung akmang hahalikan ko sana ito sa kanyang pisngi ay umiwas sya.
"Kanina pa ako naghihintay dito pagkatapos inuna mo pa silang e entertain." Tila may pagtatampo naman sa boses nito na kina ngiti ko naman.
Iniyakap ko naman ang mga braso ko sa batok nito. "Aba nagtatampo ang hon ko ah!" Sabi ko pa habang titig na titig ako sa mukha nito. Samantalang sya ay hindi maka tingin ng diritso sa akin. Maya maya pa ay kinalas nito ang pagkakayakap ko sa batok nito at hinawakan ang isang kamay ko.
"Tara dito tayo mag usap." Seryosong wika nito at hinila nya ako patungo sa kanyang sasakyan tsaka nya ako iginiya na sumakay sa loob. Mag poprotesta sana ako dahil hindi pa ako pwedeng umalis ng shop,ka kausapin ko pa kasi yung kukuha ng order na cake mamaya. Kaya lang nung maka pasok na kami ng sasakyan ay hindi naman nito binuhay ang makina.Narinig ko ang kanyang pag hugot ng malalim na paghinga.. "Alam mo bang kagagaling ko lang ng beyahe at dumiritso na agad ako dito para makita kita. Dahil sobrang na miss kita pagkatapos-"
"Hon.. Kaya nga sorry na diba!" Putol ka sa sinasabi nito sabay haplos ko sa kaliwang pisngi niya. Alam kong kulang lang to sa lambing.. Miss na miss ko din kaya sya. "Syempre customer yun at pamilya yun ni Jayde nakaka hiya naman kong hindi ko sila kibuin." Sabi ko pa na kina tawa naman nya ng pagak.
"Isa pa yang girlfriend ng best friend mo.. Alam mo kung lalaki lang sya nagselos na talaga ako. Mas madalas mo na nga syang kasama kesa sa akin." Napa maang naman ako sa sinabi nito.
"Joseph!!" Tila may himig nang pagtataka na banggit ko sa pangalan nya. Paano nya naisip ang bagay na yun.. Ngayon lang sya nagka ganito..