Jayde POV...
What the F!!!! Napatawa ako ng pagak. Habang prenteng naka upo.
"Jayde..." Turan naman ni Frank sa pangalan ko ka harap ko silang naka upo sa sala. Parang may conference lang. Kasama ang Tita at Tito ni Frank na halatang sobrang itong kinakabahan.Hindi naman ako nangangain ng tao ah! Katabi naman ni Frank ang isang babaeng sa tantya ko parang ka edad na ng nanay nito.. Akala ko ma susurpresa ko si Frank sa pagpunta ko dito.. Yun pala ako ang masusurpresa! God.. Nagpakasal pala ang gago sa may edad ng babae.
Tama din pala ang desisyon ko na pumunta dito. At least nalaman ko kung ano ang pinag gagawa ng boyfriend ko dito.
"Pwede ba tayong mag usap. BABE!!" Pinagdiinan ko talagang sabihin yung babe at matalim ang nagbaling nang tingin sa ibang kasama naming nandirito. Nakita kong lalong na bahala ang mukha ng Tita ni Frank.. "Yung tayong dalawa lang!" Seryoso ko pang turan.. Napakapit tuloy ang Tita ni Frank sa braso ng kanyang asawa. Hindi naman ako masamang tao ah,kung tutuusin nga ako pa nga ang naagrabyado.
Marahan namang napatango si Frank. "Sige na po iwan niyo muna kaming dalawa." Turan nito at mabilis namang tumalima ang tatlo.. Magka harap kaming naka upo. Bigla naman itong napa tayo sa kanyang kinauupuan at agad na lumapit sa akin at lumuhod sa harapan ko. Hinawakan nito ang dalawang palad ko.
"Alam din ba ni Janine lahat ng ito.." Tiim bagang kung turan.. Marahan naman itong napatango habang hindi nito ako matignan sa mga mata. Mabilis na dumapo ang kanang palad ko sa pisngi nito. Hindi yun para sa akin.. Para kay Janine ang sampal na yun. Ngayon nauunawaan ko na kung bakit sobrang stressed si Janine at hindi nito masabi sabi sa akin. Kaya sila nag away ng boyfriend niya! Sya ang naiipit sa kalokohan na ginawa ni Frank.
"Babe makinig ka sa akin please.. Ginagawa ko ang lahat ng ito para sa ating dalawa. Para sa future natin. Sana maintindihan mo ako." Tama! Huwag niyang indahin ang sampal ko sa kanya dahil kulang pa yun sa kalokohan nya. Magmula sa pag punta nya dito sya lang nag desisyon sa sarili niya. Ang babaw pa nang mga katwiran niya. Mabilis akong nakatayo mula sa pagkaka upo ko.
"Hindi mo naman kailangan gawin lahat ito Frank.. Hindi pera mo ang kailangan ko kundi ikaw mismo." May diin kong sabi..
"Jayde.. Para ito sa future natin.. Sa negosyo na gusto mo. After two years pwede na tayong magpakasal. Pwede na tayong manirahan dito.." Napailing naman ako sa katwiran nito.
"Alam mo sa totoo lang. Sarili mo lang ang iniisip mo Frank.. Ni hindi mo iniisip kung ano din ba ang gusto ko. Hindi mo naman kailangang gawin lahat ng ito para may maipag malaki ka sa pamilya ko." Sabay tulak ko sa dibdib nito. "Alam mo mas mabuti kung pag isipan mo muna ang lahat ng to' marealize mo din na maling mali ka sa lahat ng pinag gagawa mo. I have to go!"
"Jayde please mahal na mahal kita.." Turan nito sabay hawak muli sa mga kamay ko. "Please.. Ayokong mawala ka sa akin!"
"Kung ganun itigil mo na lahat ng kalokohan mo. Makipag annulled ka na sa kasal kasalan ninyong yan sa lalong madaling panahon. At umuwi ka na ng Pilipinas." Gigil kong turan. "At isa pa..huwag na huwag mong sasabihin sa best friend mo ang pagpunta ko dito dahil sa totoo lang ini stressed mo na sya masyado. Pati relasyon nila ni Joseph naapektuhan na dahil sa mga kalokohan mo. Tandaan mo lahat ng mga sinabi ko." Tuluyan na akong tumalikod at umalis ng bahay. Pupunta na ako sa hotel na tinutuluyan ko at mag pa book na ako kaagad nf flight pabalik ng Maynila.
Kawawa naman si Janine kailangan nya ako ngayon. Kahit ipagtabuyan pa niya ako hinding hindi ko na sya iniwasan pa. Masyado na syang nasasaktan sa mga pinag gagawa ni Frank.
~~~~~~~
Nakatulala si Yaya loleng nang pagbuksan nito ako ng pintuan. Hindi kasi ito makapaniwala na dalawang araw lang ay makauwi na ako ang paalam ko kasi ay isang linggo..
"Pasensya na po Yaya hindi man lang kita naibili ng pasalubong!" Wika ko naman bago tumuloy sa loob ng bahay. Grabe latang lata ako. Para lang akong umihi sa Canada at balik agad dito.
"Naku ikaw talagang bata ka.. Ayos lang yun! Ang mahalaga safe kang naka uwi." Tugon naman nito. "Ano bang nangyari sa lakad mo at umuwi ka kaagad!" Pabagsak akong umupo sa may couch pagkatapos ay hinilot hilot ko ang aking sentido.
"Hayun po ako ang na surprise. Nagpakasal ba naman yung boyfriend ko para daw mapabilis ang pagiging citizen nya doon."
"Ano???" Pasigaw namang reaksyon ni Yaya loleng.. Sino ba naman kasing hindi magugulat sa binalita ko. "Aba! Susmaryosep na batang yun ano bang pinaggagawa sa buhay." Dagdag pa nitong turan habang di mapakaling nakatayo sa harapan ko.
"Ganun nga po, tignan nyo pati tuloy kayo na surprise!" Buntong hininga ko namang turan.
"Anong balak mo ngayon anak?" Nag aalalang tanong nito. Kapag hindi sinunod ni Frank ang mga sinabi ko sa kanya bago tuluyang umalis. Ewan ko na lang talaga!! Masyado syang selfish. Sarili lang naman nya ang iniisip niya. Oo mahal nya ako kaya lang mas mahal niya yung pride nya.
"Hindi ko pa po alam Yaya. Siguro mas mainam nalang na maging single ulit!" Narinig ko naman itong napa hugot ng malalim na paghinga.
"Tama ka anak. Ang pag ibig! Hindi naman dapat yan minamadali. Darating din yung taong para sayo.." Nalungkot naman ako sa sinabi ng Yaya ko mahal ko si Frank,kaya lang may point naman ito. Huwag nang ipilit kong hindi na talaga pwede,hindi ko na rin kasi maintindihan si Frank,kung ano na ang tumatakbo sa isip nito.. "Magpa hinga ka muna Jayde.. Ipaghahanda kita ng makakain.. Sige na anak pumanik ka muna sa kuwarto mo tawagin kita mamaya kapag nakapag luto na ako." May pag aalala namang turan nito.
"Love you Yaya!!" Sincere kong turan bago muling tumayo at hinila ko na yung maleta ko papanik sa taas ng bahay..