Chapter 3

2.9K 89 4
                                    

Janine POV...



               "Didiritso ka na ba sa shop mo?"  Tanong ni Jayde. Kami lang kasing dalawa ang naghatid kay Frank dito sa airport. Ang Mommy kasi ni Frank ay may iba ng pamilya dahil maagang naulila ito sa ama. Matagal na itong bumukod mula noong nag aral nito ng kolehiyo. Halos pareho lang din kami ng sitwasyon dahil broken family din ako. Mahirap makisama parehong may kanya kanya ng pamilya ang magulang ko.  Kaya naging independent na ako at the age of 15.. Naging working student ako hanggang naka tapos ng kolehiyo.









                "Oo.." Tipid ko namang tugon. Hindi ko kasi alam kong paano ko sya pakikitunguhan medyo naiilang pa ako sa kanya. Alam kong nalulungkot at nasasaktan din ito sa pag alis ng best friend ko magaling lang talaga itong magdala ng emosyon.








               "Gusto mo ihatid na kita?" Alok naman ito. May sarili kasi itong sasakyan. Samantalang ako meron din pero ginagamit namin yun sa bakeshop pag may delivery. Kaya sasakyan din nito ang gamit namin na nag hatid kay Frank kanina..










               'Naku huwag na okay lang ako.." Tanggi ko naman rito mag taxi na lang ako pauwi malapit lang naman. Na kina tawa lang nito ng mahina. 








                   "Sama na lang muna ako sa shop mo,wala naman akong gagawin ngayon.." Napa baling naman ako ng tingin sa kanya sa tinuran nito. Bakit naman gusto nitong pumunta sa shop? Sabagay okay lang naman para mabantayan ko sya tulad ng pangako ko sa best friend ko. 'Best ikaw na ang bahala kay Jayde ha! Kahit nagka usap naman kami ng maayos alam kung nasaktan ko parin sya sa biglaang pag alis ko.'  Naalala kong bilin ng best friend ko.








                   Lulan ng kotse ni Jayde ay wala parin kaming imikan patungo sa bakeshop ko. Nagkaka ilangan pa kaming pareho. Pagdating naman namin sa shop ay nadtanan namin si Joseph. Hindi ko alam na pupunta ito dito dahil hindi naman sya na message sa akin.  At alam naman nitong ngayon ang flight ni Frank at ihahatid ko sya sa airport. Nagpalipat lipat naman ang tingin niya sa amin ni Jayde.








                "Kanina ka pa ba?" Tanong ko naman rito ng makalapit ako at hinalikan ko sya sa pisngi habang nakaupo ito sa bakanteng table. Tumungo naman si Jayde sa counter at nagtitingin ng makakain.









                 "Bakit kasama mo pala sya." Tukoy nito kay Jayde. Alam din nitong dalawa kaming nag hatid kay Frank sa airport. Umupo ako sa katapat nitong upuan.









             "Hinatid nya ako at gusto daw nyang mag stay muna dito.. Nalulungkot siguro sa pag alis ng best friend ko." Tugon ko naman. "Wala ka na bang pasok?" Bigla ko namang naitanong,kaya lang ng tinignan ko ang wrist watch ko lunch time na pala.









                 "Tara lunch tayo sa labas." Aya naman nito. Tumingin naman ako sa gawi ni Jayde at busy  naman ito sa pakikipag usap sa isang tauhan ko. Parang close na ang dalawa at may pahampas hampas pa ng balikan si Lisa kay Jayde. Pangalan ng cashier ko. Napa kunot noo tuloy ako.











   

             "Next time na lang hon." Naalangan ko namang tugon. Ayoko naman kasing iwan si Jayde dito mag isa kahit paano bisita ko parin sya. "Magpa deliver nalang tayo at dito na lang tayo mag lunch." Suggestion ko naman at agad namang pumayag si Joseph. Bait talaga ng boyfriend ko. Tumawag na ito sa isang food chain para mag pa deliver ng pagkain. Dinagdagan ko na rin para kay Jayde na patungo na sa direksyon namin.











            "Hi Joseph.." Bati naman nito sa boyfriend ko at umupo sa katapat din ni Joseph na upuan at tumabi ito sa akin.









                "Hi." Tipid lang naman na tugon ng boyfriend ko. "Ah hintayin na lang natin nagpa deliver kami ng lunch natin." Sabi pa nito.










               "Nakakahiya naman. Pero thank you na rin." Wika naman nito. Mukha nga namang mabait ito at halatang malungkot the way na magsalita sya.










            "So Jayde, ano palang pinag kakaabalahan mo?" Namamangha naman ako sa tanong ni Joseph sa kanya. Dapat nga ako ang gumagawa nito para makilala ko sya ng husto. Napatingin tuloy ako sa mukha nito parang naghihintay sa isasagot niya.  Pinagmasdan ko naman ang paggalaw ng kanyang mga labi. Ngayon ko lang napansin wala pala itong kahit anong kolorete sa mukha at natural ang pagiging mapula ang mga labi nito. Hindi ako naiinggit kundi bigla akong humanga.











                "Ang totoo nyan.. Atin atin lang to ah." Pabulong naman nitong sabi habang seryoso ang kanyang mukha.Tila naghihintay naman kami ni Joseph sa sasabihin nito.. "Leader ako ng sendikato." Nanlaki ang mata ko sa sinabi nito. Nakita kong ganun din ang naging reaksyon ng boyfriend ko. Bigla ba naman itong humagalpak ng tawa. "Joke lang yun baka bigla kayong maniwala.." Sabi nito at nakahinga naman ako ng maluwag.










                 "Tumutulong ako sa negosyo ng parents ko." Yun lang ang sinabi nito dahil nahinto na ang pag uusap namin ng dumating na ang order namin. Gusto pa nga nitong sya ang mag bayad pero todo tanggi naman si Joseph at hanggang sa napapayag din. Natutuwa naman ako sa kakulitan nito. Bawi naman daw sya next time.











                Pagkatapos naming kumain ay agad nang nag paalam si Joseph baka malate kasi ito sa trabaho medyo may kalayuan pa kasi ang work nito dito sa bakeshop ko. May sasakyan din naman ito na hinuhulugan nito sa banko.  Samantalang si Jayde mukhang wala pang balak umalis. Okay lang naman wala namang kaso sa akin.









              Sumama din ito hanggang sa baking area. Kapag wala kasi akong ginagawa nag be bake ako ng maisipan kong e bake. Iba pa yung dalawang kasama ko na talagang baker.










            "Pwede bang tumulong!" Alok pa nito ng sinimulan ko nang mag dow. Nginitian ko lang ito. Habang nakatayo ito at nakasandal ang likod nya sa may pader. Pag may ginagawa kasi ako ayoko ng may nangingi alam. Pinagpatuloy ko nang muli ang aking ginagawa.  Ilang minuto na ang lumipas ng maalala ko si Jayde nang lingunin ko ito ay napa kunot noo ako dahil wala na ito doon. Hala san na nagpunta yung babaeng yun?











                 Jayde Mendez on media...

"I HATE THAT ILOVEYOU" (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon