Janine POV...
Tulala parin ako habang yakap ako ng mahigpit ni Frank.. 'He's here!' Paulit ulit na sabi ng utak ko.
"Namiss kita best sobra.." Masigla parin nitong turan.. Hindi ko naman magawang gantihan ang mga yakap nya. Galing sa airport ay dumiritso na ito dito sa shop ko. Parang kailan lang nung umalis sya at sobrang lungkot ko daig ko pa ang girlfriend. Kaya lang sa pag alis nya ang daming nagbago ang daming nangyari.."Ah- Frank halika muna sa taas." Aya ko rito para bumitaw na ito sa mahigpit na pagkakayakap nya sa akin. Sobrang balisa talaga ako. Alam ko naman wala itong tutuluyan ngayon dahil nag do dorm lang naman ito dati. Kaya dito muna sya sa bahay tutuloy. Mabilis naman itong tumalima at agad na hinila ang malaki nitong maleta habang nauna naman akong pumanik sa hagdanan.
"Iayos mo muna yung gamit mo sa isang kuwarto. Tapos tsaka tayo mag usap!" Seryoso ko naman na turan,kaya lang mukhang hindi nito na gets ang ibig kung sabihin. Napatawa lang ito ng malakas.
"Namiss mo talaga ako no! At tsaka dami ko kayang dalang pasalubong sa iyo. Sa inyo ni Jayde.." Sabi pa niya bago tumungo sa nasabing kuwarto. Parang wala tuloy ako sa sarili na naupo sa mahabang couch, hinilot hilot ko ang aking sentido. Habang busy pa si Frank sa loob.. Halos isang buwan na ding hindi nagpapa ramdam si Jayde at tuwing naalala ko sya bago ako matulog naiiyak na lang ako. Ayoko naman syang e message baka isipin niya naghahabol ako sa kanya. Gosh!! Kung pwede nga lang sabihin kong panagutan niya yung nangyari. Napangiwi nalang ako sa naisip ko.
"Mukhang pagod na pagod ka ah." Bigla namang umayos ako ng upo ng marinig kong turan ni Frank. Naramdaman ko na lang na lumundo ang bandang kanan kong gilid ng couch. "Kamusta ba ang business?" Tanong pa nito. Napabuga naman ako ng hangin bago tumugon.
"So far.. Okay naman,kahit papaano.." Totoo naman yun. At least maraming nagtitiwala sa serbisyo ko,namin kasama ng mga tauhan ko.
"Pwede na tayong magpa tayo ng branch.." Masaya naman nitong turan. Wala pa sa plano ko yan! Sa dami ng iniisip ko ngayon,tsaka na lang yun. Stressed pa ako.
"So ano palang nangyari bakit umuwi ka na.. Annulled na ba- kayo nung asawa mo sa Canada?" Dun din naman tutungo itong pag uusap namin. Narinig ko naman na napahugot ito ng malalim na paghinga.
"Yun na nga best.. Ayaw ni Tita ko. Wala pa naman kasi akong sapat na pera pambayad sa abugado-"
"Ha? So bakit bigla kang napasugod dito sa Pinas." Putol ko naman sa sabi nito. Akala ko kasi okay na. Yun naman ang pagka intindi ko dun sa message nya sa akin.. Umuwi sya na hindi naman pala nya naayos yung gusot na pinasok nya doon.
"Gusto ko lang sana kausapin si Jayde.. Hindi kasi kami nakapag usap ng maayos ng pumunta sya doon.. Hindi niya pinakinggan yung paliwanag ko." Sabi nito. Sino ba naman kasi ang may gustong marinig ang paliwanag nya. Kahit naman siguro ako,masasaktan din sa ginawa nya. Frank talaga!! "Babalik din ako ng Canada ng leave lang ako ng 10 days.." Napanganga tuloy ako sa tinuran ulit nito.
"Sa tingin mo ba matutuwa si Jayde nyan? I mean- hayy ewan ko sayo Frank.. Ang gulo mo." Napatayo ko nang turan. Nakaka stressed sya. Isinuklay ko ang mga daliri ko sa aking buhok.
"Best tulungan mo naman ako.." Heto na naman po tayo. Kailangan na naman nya ang tulong ko. "Ayaw kasi akong kausapin ni Jayde hindi ko sya makontak kahit sa social media.." Mariin naman akong napapikit. Eh sino ba,kahit nga sa akin. Naalala ko tuloy yung sinabi ni Joseph na nag out of town si Jayde at may kasamang babae. Tapos heto kami ngayon ni Joseph humingi muna ako ng isang buwan na space sa kanya. Pare pareho na kaming hindi maayos ang lovelife ngayon.
"I'm sorry Frank.. Kahit sa akin mukhang umiiwas na rin si Jayde.." Makahulugan ko namang turan at isa pa ayoko narin syang tulungan. Ginagawa ko nang tanga ang sarili ko pag ganun. Bakit ba ako nasasaktan ng ganito! "Hindi na kita matutulungan sa bagay na yan.." Mahina pero may diin kong sabi.
"Janine..." Parang nag mamakaawa pa nitong turan. "Ibang magalit si Jayde,kaya hanggat maari ayoko syang bigyan ng dahilan na ikakasama ng loob niya.." Tinitigan ko naman si Frank na may kasamang panunumbat.Kong kilala na nya ng husto si Jayde dahil isang taon na sila mahigit, alam naman pala niya yung kahahantungan ng mga pinaggagawa nya pero tinuloy parin niya.!!
"Paano ba magalit si Jayde Frank?" Bigla ko nalang naisip na itanong sa kanya.. Habang nakatitig ako sa kanyang mukha. Mariin naman itong napapikit bago muling nagsalita habang nakaupo parin sya sa may sofa.
"Alam kong hindi mo pa sya ganun kakilala Janine.." Humugot ito ng malalim na paghinga. "Iba sya magalit iba sya maghiganti kapag nasaktan sya. Sisiguraduhin din niyang mapaparusahan nya ng husto kung sino man naka sakit sa kanya. Kaya sobrang nababahala na ako Janine.. Baka naghihiganti na si Jayde sa akin!" Gosh!! Paano kung naghigiganti lang pala si Jayde kay Frank kaya ginawa nya lahat ng paraan para mapalapit ng husto ang loob ko sa kanya! Parang ngayon ko lang naintindihan ang lahat. Paano kung plano din pala nya kaya nasira yung relasyon namin ni Joseph. Maaring tama nga lahat ng sinasabi ni Joseph.. Kaya lang tuwing naalala ko yung naging bonding namin, yung dinala nya ako sa bulacan nameet ko yung mom nya. Yung kuya at asawa ng kuya niya sobrang bait sa akin. Ayoko paring maniwala sa sinasabi ni Frank. Kaya lang sino ba ang dapat kung paniwalaan yung best friend ko na ilang taon na kaming magkakilala o si Jayde na kelan lang kami naging close.
"Frank...." Gusto ko nang sabihin sa kanya ang lahat.
"Janine!!" Sabay pa kaming napabaling ng tingin ni Frank sa may pintuan.. 'Jayde' bulong ng puso ko. Kita ko naman ang pagka bigla sa mukha nito ng nag baling sya ng tingin kay Frank..