Chapter 4

2.7K 81 4
                                    

Janine POV..



                   "Achhuu!! Okay ka lang ba!" Wika ng kakaibang boses ni Jayde habang nakahiga ito sa  kama ko at nakabalot din ang katawan niya, gamit ang kumot ko. Dito lang kasi sa itaas ng bakeshop yung tinitirhan ko,parang pinaka second floor. May dalawang kuwarto may isang cr at connected na sala at kusina. Ano ba kasing nakain nito at nagpaka super hero sa ulan,nagka aberya kasi yung sasakyan ko e saktong may order ng cakes para sa isang debut kailangan ng mai deliver kaagad. Hindi naman kasi pwede sa sasakyan nito dahil hindi kasya kaya minadali nitong ayusin yung sasakyan ko,kung dadalhin pa kasi namin sa repair shop magagahol na kami sa oras. Bigla ba naman kasing bumuhos ang ulan habang nag aayos ito kanina. Yan tuloy nangyari sa kanya.









               Ewan ko ba tong babaeng ito ang daming alam gawin. Marunong din itong mag bake,nung time na gusto nya akong tulungan pagkatapos kung tumanggi. Sa mga baker ko ba naman sya nakialam at tumulong doon. Kaya pala bigla itong nawala.  Hindi tuloy ako mapakali ngayon nagka sakit ito at kasalanan ko baka mamaya bigla tumawag si Frank natatakot akong masermunan nung best friend ko.









              "Paano ako magiging okay tignan mo nga yang itsura mo!" Sermon ko rito.. Nakakainis kasi eh! Ewan ko kung kanino ako dapat mainis, dapat sa sarili ko dahil dapat kasi pinapa check ko muna yung sasakyan bago gamitin. Napatawa lang ito ng mahina. Tong payatot na to' sakitin pala,  parang di naman ako payat.










             "Kung di ko naayos agad yung sasakyan mo di sana sira ka na sa client mo ngayon." Sabay bahing na naman ito. Oo nga naman may point naman ito. Nakaka awa tuloy yung itsura nya. Buti nga at naka pag palit na ito ng damit at damit ko sakto naman sa kanya. Buti may extra naman aking mga underwears na diko pa nagagamit. Naka inum na din sya ng gamot. Hay!! Buntong hininga ko,lakas parin ng ulan sa labas.










           "Okay lang ako Janine, bumaba ka na muna baka kailangan ka ng mga tao mo." Wika pa nito. Muli akong napatitig sa mukha nito habang nakatayo ako malapit sa kama. Lagot talaga ako kay Frank baka bigla itong tumawag sa kanya. "Don't worry ako ang bahala na maipaliwanag kay Frank in case na tumawag sya." Wika nito na parang nababasa naman nito ang iniisip ko.  Kainis tong babae na to.









              "Okay tawagin mo lang ako kung may kailangan ka ha.." Wika ko naman,may pag aalala parin akong tumingin sa kanya. Lumapit pa ako para salatin ang noo nito. Sobrang init parin kaya napasimangot tuloy ako.











           "Huwag mo ngang ginagawa yan kapag nasa harapan mo ako at malapit ka sa akin." Wika nito. Ang alin ba? Na kina kunot noo ko pa. Yung pag sisimangot ko ba? Nakadukwang parin ako sa kanya nung tinulis kong muli ang nguso ko. Hindi tuloy ako nakapag react nang may mainit at malambot na bagay na dumampi sa labi ko. Pero mabilis lang yun. Hinalikan ba nya ako? Napakurap kurap naman ako at marahan na akong umayos ng tayo.











              "Ah- sige baba muna ako." Natataranta ko namang turan at mabilis na akong lumabas ng kuwarto at nagmamadaling bumaba ng hagdan. Totoo ba yung naramdaman ko? Sabay dampi sa labi ko gamit ang aking daliri. Hindi naman siguro daliri yun. Para tuloy akong tanga.. Hindi ko naman first time mahalikan. Sa babae oo sya ang first.. Kaya lang hinalikan ba nya talaga ako.. Gosh!!










                  "Okay ka lang ba hon? Ayaw mo ba yung pagkain na inoder ko para sayo!" Bigla naman akong napakurap at nag angat ng mukha sa kaharap ko.  Niyaya kasi akong mag dinner ni Joseph kaya lang naglalakbay yung isip ko at nasa bahay sa babaeng nakahiga ngayon sa kama ko.  Favorite ko pa naman tong pagkain na in order nito.  Bago pa ako umalis ay sinilip ko sya sa loob ng kuwarto at mukhang payapa naman itong natutulog.











                 "Ah gusto ko syempre,gutom na nga ako hon. Dami kong ginawa sa shop kanina..." Tugon ko naman at nagsimula na akong kumain. Kailangan ko palang makauwi kaagad at lulutuan ko pa si Jayde ng pagkain. Yung may sabaw para paggising nito makakain nang muli at maka inum ng gamot. Pasalamat naman ako at hindi pa tumatawag si Frank. Na iimagine ko naman kung paano ngumiti si Jayde kung paano bigla magbago ang ekspresyon ng kanyang mukha. Napapa ngiti tuloy ako..











                "May nakaka ngiti ba sa pagkain mo hon?" Hayan napuna na naman tuloy ni Joseph..





            "Ah wala. May naalala lang akong nakaka tawa hon!" Alibi ko na naman. Para tuloy akong tanga at pinagpatuloy ko nang kumain..  Nagulat pa ako ng biglang mag ring ang phone ko sa aking shoulder na nasa tabi ko lang dito sa upuan.  Mabilis ko namang hinagilap ang phone ko. Kinakabahan ako baka si Frank ang tumatawag. Buti at hindi si Frank,kaya lang kinakabahan parin ako ng si Jayde ang nasa call register ko. Agad ko naman iyong sinagot.











             "Janine san ka?" Bigla itong umubo. Shit!! Lumala na yata ang sakit nito baka kailangan ko na syang dalhin sa hospital.. Bigla naman akong napatingin kay Joseph busy naman ito sa pagkain.










             "Ah.. Pauwi na ako." Tugon ko naman na tila umiiwas akong sabihin na kasama ko ang boyfriend ko.











              "Okay thank you.. Hintayin kita ha!" May kung ano sa himig nito na biglang bumilis ang kabog ng dibdib ko.












                "O-oo sige." Nauutal ko pang turan. Tila ayoko  ding malaman ni Joseph na si Jayde ang kausap ko at nasa bahay ko sya ngayon. Nag call ended na at muling sinilid ko ang phone sa aking bag..














                  "Sino ba yun?" Usisa naman ni Joseph.












                "Ah.. Si Lisa." Tukoy ko kahera sa shop. Ewan ko ba bakit ako nagsinungaling. Hanggang 9pm bukas ang bakeshop ko.











               "Kailangan ka na ba sa shop? Sige  hatid na kita." Marahan na lang akong napatango. Tinawag na nito ang waiter para sa bill out.  Nagmamadali na din akong tumayo at gusto ko na talagang umuwi..










            Joseph Cariño on media....

"I HATE THAT ILOVEYOU" (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon