Jayde POV...
'Hello?' Hindi parin ako mapakali sa boses babae na sumagot kanina ng tinawagan ko si Frank ng hindi sumasagot sa kanyang messenger. Baka naman yung Tita nya yun! Nataranta kasi ako kaya in off ko kaagad. Parang akong timang habang naka tihayang naka higa dito sa kama ko at iniisip ko parin yung kanina. Dinampot kong muli ang phone ko ng may maisip akong tawagan at nag dial ako kaagad!
"Hello po ma'am Jayde." Wika ng secretary ng Dad ko ng mabilis na sinagot ang tawag.
"Cheng pa book mo nga ako ng flight sa Canada by next week-"
"Ho?" Gulat naman nitong turan halos mabasag na yung eardrum ko sa lakas ng boses nito. Napa ngiwi tuloy ako.
"Narinig mo naman siguro yung sinabi ko diba! Ayoko nang ulitin pa." Sabi ko naman. Isang beses ko lang sabihin tyak papayag agad ang Dad ko. My business Visa naman ako kaya anytime pwede akong pumunta kahit saan ko gustong lugar sa labas ng bansa, kahit maubos pa yung ipon ko. Next week kasi birthday ni Frank. Gusto ko syang surpresahin.
"Yes po ma'am, masusunod po." Tugon agad nito.. Good' turan ko na lang sa sarili ko bago tinapos ang tawag.. Sabay itsa ulit ng cellphone ko sa aking tabi at napa buga ng hangin.. Masyado namang bata yung boses kung yung Tita nya yun.. Balik ulit ng isip ko yung kanina.
"Ay kabayo!!" Nagulat pa ako ng tumunog at mag vibrate yung phone ko kaya mabilis ko ulit itong dinampot. Si Frank yung tumatawag' napangiti na ako na kaagad kong sinagot yung tawag..
"Hello babe!" Masigla kong turan. Benalewala ko nalang yung sumagot sa tawag ko kanina."H-hi babe.. Kamusta ka na? Ilove you and I miss you so much.." Parang nagmamadali nitong turan alam ko namang mahal ang tawag doon. Napatawa tuloy ako.
"Isa isa lang naman po.. Ilove you too.." Tugon ko naman. Oo mahal ko naman sya at mamahalin ko pa sya ng husto.. "Babe may itatanong pala ako sayo."
"Ha! A-ano yun?" Napa kunot naman ako dahil parang balisa ito or baka guni guni kolang.
"Hmmnn babe.. Baka naman pinagpalit mo na ako sa iba dyan ha!" Hindi naman talaga yun yung sasabihin ko. Bigla ko lang naisip na biruin sya.
"Of course not b-babe.. Ikaw lang ang babae sa buhay ko. Mahal na mahal kita." Mariin naman akong napapikit sa mga sinabi nito at napakagat sa pang ibabang labi ko. Ramdam ko namang sincere ito sa sinabi niya.
"I know babe.." Tila kinikilig ko namang turan. "Ang totoo niyan gusto ko sanang itanong sayo kung anong magandang gawing business kinukulit na kasi ako ni Mommy. Kesyo daw si Janine may business ako wala pa."
"Babe hayaan mo by next month papa dala ako ng puhunan mo." Tugon naman nito.. Hindi naman puhunan ang kailangan kasi meron na ako nun..
"Babe may pera naman ako.. Suggestion mo lang yung kailangan ko!" Narinig ko namang napa buntong hininga ito. At biglang natahimik sa kabilang linya. "Babe!" Sabi ko pa..
"Paano pala nakilala ng Mom mo si Janine at nalaman tungkol sa pagkakaroon ng negosyo ni Janine?" Biglang tanong nito.. Gosh!! Oo nga pala hindi ko naman pala nabanggit kay Frank na sinama ko si Janine sa bahay ng Mom ko. Napa kagat tuloy ako ng pang ibabang labi ko..
"In invite ko sya nung birthday ni Mom, since di naman sya busy that time.. Yun sumama sya." Pikit mata kong turan.
"Okay.." Tugon lang nya na para bang okay lang sa kanya. Hindi man lang nagalit or what.. Mas nakaka takot yung ganito yung di man kumikibo. "By the way babe.. Magiging busy pala ako this coming week isasama ako ng ka church nila Tita ko. Basta!" Sabi pa nito. .Mukhang nakalimutan nya na yata yung birthday niya.. Basta tutuloy parin ako sa plan ko na pupuntahan ko sya.
"Babe eh yung business na sinasabi ko sayo!" Pahabol ko paring turan. At narinig ko na naman ang pag hugot nito ng malalim na paghinga..
"Saka na lang natin pag usapan yan. Sige na babe may gagawin pa ako. Tawag nalang ako ulit.. Ilove you so much Jayde.." Tila nagmamadali na nitong turan at napa okay nalang ako.. Hindi na naman matutuloy yung business ko,baka kasi magtampo or magalit sya kapag tinuloy ko yung plan ko na wala syang approval. Kahit papaano boyfriend ko parin sya. Napabuga na tuloy ako ng hangin habang nilalalaro laro yung phone ko sa aking kamay.. Boring day! Uwi kaya muna ako sa bulacan. Kaya lang naisip ko kawawa naman si Yaya dito kung iiwan ko na naman sya mag isa.
Maya maya pa ay tumunog ulit ang phone ko. Tamad na tamad ko namang tinignan kong sino yung nag message..
"Jayde sorry kung pinag tabuyan kita kanina, ikaw yung napag buntunan ko ng frustration ko" Napangiti naman ako sa message nito at kinagat kagat ko pa yung hintuturo ko. Kaya lang agad ding napawi ang ngiti sa mga labi ko ng naisip kong kailangan ko nang pigilan tong nararamdaman ko sa kanya,kailangan ko na syang iwasan. Kaya mas minabuti kong huwag na munang sagutin yung message nya sa akin. Maya maya pa ah tumunog muli ang phone ko.
"Pwede mo ba akong puntahan? May importante sana akong sabihin sayo." Message niyang muli sa akin. Na kina buntong ko naman. Paano ko ba ito maiisawan best friend parin sya sa ng boy friend ko. Pupuntahan ko sya pero huwag muna ngayon bukas na lang siguro. Tinatamad na akong lumabas ng bahay.. Iniisip ko na naman sya. Napabuga tuloy ako ng hangin.
Maya maya pa ay kinakatok na ni Yaya loleng ang pintuan ng kuwarto ko. Hindi ko namalayan ang oras at hapunan na pala.
Nagpasya na akong lumabas ng kuwarto at iniwan ko muna yung cellphone ko sa ibabaw ng kama ko. Para maka iwas narin na mag reply sa message ni Janine. Mamaya kasi hindi ko na naman sya matiis.