Chapter 17

2.1K 78 0
                                    

Jayde POV...


                  Mabilis itong kumilos at naupo sa gilid ng kama,patalikod sa gawi ko. Pinagmamasdan ko lang naman ito habang marahang isinuklay ang mga daliri nito sa kanyang buhok. Marahan naman akong bumangon at naupo sa kama habang mabilis parin ang aking paghinga.






                     "That's it..." Dinig kong turan nito. Tatayo na sana ito ng tuluyan ng nagring ang messenger sa laptop nito.  Pareho kaming napabaling ng tingin doon pagkatapos ay nagka tinginan  dahil si Frank ang tumatawag. Shit!! Hindi pa talaga ako ready para kausapin sya dahil masakit yung ginagawa nya sa akin. Mabilis namang kumilos si Janine at agad na sinagot ang tawag at nag appear ang mukha ni Frank sa screen ng laptop.






                   "Hi best... Happy 28th birthday!!" Masayang turan ni Janine. Ang sarap lang magmura ngayon! Paano nila nagagawa na maka pag usap ng ganito. Nakita ko naman ang mabilis na pag ngiti ni Frank na parang totoong too. Hindi pa ako nagpapakita sa kanya ng nagbaling ng tingin sa gawi ko si Janine.





                   "Thank you best ah! Wala a-kong handa eh.. Alam mo naman kailangan kong mag ipon." Tugon naman ng mokong at nagulat pa ako ng hilahin ako ni Janine at tinapat sa front camera ng laptop. Nakita ko naman ang pagka gulat sa itsura ni Frank. Dalawang araw mula ng huli kaming magkita.
"B-babe!" Nauutal nitong turan. Si Janine ay tatawa tawa lang naman na para bang wala silang itinatagong sekreto sa akin.







               "Yan oh,sya muna yung gift ko sayo." Sabi pa ni Janine habang nakaupo sa gilid ko at magka dikit ang tagiliran namin.






               "Happy birthday BABE.." Seryoso ko namang turan at mataman tumitig sa mga mata nito.. Nakita kong nag iwas ng tingin si Frank.




                   "Kayong dalawa.. Parang hindi ninyo na miss ang isa't isa.." Asar pa ni Janine. Kapag si Frank ang kausap nito nagagawa nyang magbiro ng ganun.. Hindi ko naman mawari kung napangiti ba o napa ngiwi ang boyfriend ko.






                  "Mas happy sana kung dito sya nag birthday kasama natin hindi yung iba ang mga kasama niya." Makahulugan ko namang turan. Pareho namang natahimik yung dalawa. Bigla naman akong napatawa para maalis ang tensyon sa pagitan naming tatlo.. "Ipaghahanda ka nalang namin dito ni Janine, dalawa na lang kaming mag bonding! Right Janine?" Sabay baling ng tingin ko dito sa katabi ko.





              "Yeah sure-" mabilis namang tugon ni Frank.. "Isama niyo na rin si Joseph." Dagdag pa nito na lalong kinatahimik ng katabi ko at naging mailap ang mga mata. Hindi parin ba sila okay ni Joseph nakalimutan ko palang itanong kay Lisa kanina. Yun pa naman yung isang pakay ko kaya tumungo ako dito.




               "Busy sya.. Isang buwan siyang nasa out of town!" Malungkot nitong tugon at pakiramdam ko hindi totoo iyon. Mukhang hindi pa nagkaka ayos ang dalawa. Maya maya pa ay nagpaalam na si Frank at busy daw ito,busy siguro sa kanyang asawa.. Muli ng isinara ni Janine ang kanyang laptop.






                "Wala man lang ilove you!" Kantiyaw naman ni Janine nang nagbaling ito sa akin. Masama pa loob ko kay Frank para sabihin ang mga katagang yun sa kanya. Mukhang nahihiya din itong sabihin na kaharap si Janine.





                  "O di ilove you.." Tugon ko habang titig na titig sa mukha nito.






                  "Ewan ko sayo.." Turan naman nito at agad ng umalis sa kama. Kita ko namang pinamulaan ito ng pisngi..







            "Totoo bang nasa out of town si  Joseph." Napa hinto naman ito ng akmang bubuksan na sana nya ang pintuan.. At narinig ko ang paghugot nito ng malalim na paghinga.. Kahit naman gusto ko sya ayoko namang malamang hindi sila okay ng boyfriend niya. Ayoko syang masaktan..





                  "Hindi mo na kailangang malaman." Mahinang pagkaka sabi nito. At masakit para sa akin yung tugon niyang yun. Para bang sinasabi niyang wala akong karapatang malaman kung ano ang nangyayari sa relasyon nila ni Joseph.  Samantalang yung tungkol sa sitwasyon namin ngayon ni Frank alam niya every single detail.







                 "So until now ayaw mo parin akong maging friend?" Turan ko na kina lingon nyang muli sa gawi ko. At nakita ko ang galit sa kanyang mga mata. Hindi naman siguro masamang magtanong. "Alam ko namang ayaw  mo sa akin dati para kay Frank." Diritsa ko nang sabi. Nasaktan kasi ako eh! Lalong naningkit ang mga mata nito.




                 
               "Please ayokong pag usapan ang bagay na yan.. Isa lang ang masasabi ko naging totoo ako sayo!" May himig na galit na pagkakasabi nito.






                "Kaya  lang hindi mo parin ako tinuturing na kaibigan.."







             "Ano bang pinag sasabi Jayde.. Nag aaway ba tayo?" Napangisi naman ako sa sinabi nito habang kalmado parin akong nakaupo sa kama nito. Gusto ko lang naman makatulong kong hindi sila okay ng boyfriend niya.  Dahil sa kagagawan  yun ni Frank.






                "Kaya nga pwede mo naman akong pagsabihan kung may problema ka ba-"






                "Wala akong probelam okay!" Putol nito sa sinasabi ko at mabilis ng binuksan ang pinto at humakbang palabas.. Agad ko naman itong sinundan.







             "Janine naramdaman ko meron!" Turan ko habang hinahabol ko sya pababa ng hagdanan.






              "Talaga lang ha!" Buska naman niya.. Para lang kaming mga tanga. Mabilis ang mga hakbang nitong pababa ng hagdanan. Nakasunod parin ako. Didiritso na sana ito sa loob ng baking room.






               "Janine.." Prenteng naka upo si Joseph sa may pintuan ng bake shop. Kapwa kami napahinto ni Janine sa paghakbang at nagbaling nang tingin doon. 






               "H-hon." Wika naman ni Janine.. Habang si Frank ay tiim bagang na nagpalipat lipat ng tingin sa aming dalawa. Lalapitan na sana sya ni Janine ng mabilis itong humakbang paalis ng shop. Narinig ko pang nagmura ito.  "Joseph wait.." Habol naman ni Janine sa kanya. Agad naman akong sumunod sa dalawa mukhang may tesnyon na namamagitan sa kanila I mean sa aming tatlo dahil kita ko ang galit sa mga mata ni Joseph.








                  "Joseph...! Sinundan nito hanggang sa may sasakyan ni Joseph na naka parada.  Hinawakan ni Janine ang braso ni Joseph kaya lang mabilis nitong hinila ang braso niya at sa sobrang lakas ay bumagsak si Janine sa sementadong sahig.  F**k Nanlaki ng husto ang mga mata ko at mabilis kong nilapitan ang dalawa at inundayan ng suntok si Joseph sa kanyang panga.. Wala syang karapatang manakit ng babae,lalong lalo na kay Janine..

"I HATE THAT ILOVEYOU" (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon