Chapter 20

2.1K 75 0
                                    

Jayde POV...


'Jayde favor naman,paki sabay mo narin si Janine, hirap kasi pag mag commute pa sya papunta dito' Message sa akin ni ate Camille. Alam kong kasama ito sa sinasabi nyang plano nya. Omoo na lang ako dahil masyado naman akong bitter kung aayaaw ako. On the way na ako para sunduin yung pinsan ni ate Camille at nag half day lang daw ito sa trabaho. Sunduin ko na lang sa tapat ng building na pinagtatrabahuan nito. Pagkatapos tsaka namin dadaanan si Janine. 3pm kasi ang birthday party ni Uno tamang tama lunch time kami mag beyahe.. Abutin din kami ng mahigit dalawang oras sa beyahe.









Pagdating ko sa tapat ng sinabing building ay may naghihintay ng babae sa akin. Palinga linga ito naka suot pa ng uniform sa trabaho. Mukhang namumukhaan ko nga sya. Hindi naman ito pinsang buo ni ate Camille second cousin nito sa mother side. Agad kong hininto ang sasakyan ko sa harapan niya at pinagbuksan ko sya ng pinto sa driver side.








"Hi jayde.." Masiglang bati nito sa akin pagpasok nito sa loob ng sasakyan. Maganda din naman ito medyo chubby lang,tantya ko din magka edad lang kami."Naalala mo pa ba ako?" Limang taon na nung una kaming nagkita sa kasal ni kuya pareho kaming abay noon.








"Yeah,I still remember you Claude!" Turan ko naman na kinangiti nito ng husto. "Lests go.. Daan lang tayo ng taguig saglit." Turan ko pa bago ko ulit pinasibad ang sasakyan.







"Ah oo nabanggit nga ni ate Cams. Yung si Janine ba yun!" At ngumiti pa ito ng makahulugan mukhang may alam din ito sa plano ni ate Camille baka kakutsaba nya.. Lihim na lang akong napatawa masyado akong advance mag isip. Hindi nalang ako kumibo habang patuloy lang sa pagmamaneho,mahirap talagang maka iwas kong ang mga taong malapit sa amin ang naglalapit sa aming dalawa ni Janine. Buti naman at walang masyadong trapik kaya mabilis naming narating ang bakeshop ni Janine.. Bumusina lang ako ayoko nang bumaba ng sasakyan.








"Sa backseat nalang ako!" Lalabas na sana si Claude pero mabilis kong hinawakan ang braso nito. Sinasabi ko na nga ba eh!








"Hindi na.. Dito ka nalang,si Janine nalang sa likod." Turan ko naman mabilis naman itong umayos sa pagkaka upo. Nang hindi parin lumalabas si Janine napilitan tuloy akong puntahan nalang ito, nagpaalam ako saglit kay Claude. Mamaya mahuli pa kami party.








"Hi Lisa asan si Janine?" Nagulat naman si Lisa ng makita ako.








"Jayde namiss kita." Parang bata nitong turan habang nasa counter ito. Buti at hindi na ako nito tinatawag na ma'am.









"Lisa ikaw muna bahala dito ha! Baka malate ako ng uwi." Biglang bumilis ang tibok ng puso ko ng biglang nagsalita si Janine at agad akong nagbaling ng tingin sa kanya at nagtama ang aming mga mata. Pero agad din itong nag bawi ng tingin mukhang kakabihis lang nito.










"Tara." Aya ko na sa kanya. "Bye Lisa." Paalam ko namam sa isa at kumaway naman ito. Nauna na akong lumabas ng shop,habang wala na kaming imikan hanggang marating ang aking sasakyan. At bahagya pa itong nagtaka nung pinagbuksan ko sya ng pinto sa backseat kaya lang mabilis naman itong tumalima. Mabilis na din akong sumakay sa driver seat.










"Hi Janine, I'm Claude.." Baling naman ng katabi ko at bahagyang humarap kay Janine. Kunway deadma naman ako ng muli ko nang pausadin ang sasakyan. "Kaibigan ako ni Jayde.." Sabi pa nito. Kaibigan talaga hindi na lang ako komontra.










Nasa beyahe na kami palabas ng Maynila ng sobrang tahimik parin ang paligid. Si Claude lang panaka nakang sumasabay kapag alam nitong kanta sa may stereo. Halatang hyper na hyper ito..









"Bakit pala hindi mo sinama si Joseph.?" Bigla ko nalang naisip na itanong kay Janine. Masyado kasi itong tahimik.









"Kung sumama sana sya. Di hindi sana ako sumabay sayo.." Wow lakas mambara ha! "Sunduin na lang daw nya ako mamayang gabi. May trabaho kasi sya eh. Hindi katulad ng iba na anytime time kapag may lakad pwede agad." Sapul sa pagpapasaring narinig ko namang napatikhim tong katabi ko.









"Ako nga nag half day sa work kasi nakaka hiya naman kung hindi ako pupunta. Miss ko na din si Uno." Biglang sabat ng katabi ko. "Jayde kelan mo pala start yung business mo?" Ha business paano nya nalaman yung plano ko- ah gets ko na. Lihim akong napangiti. Ate Camille talaga.










"Next month." Sinakyan ko naman ang sinabi nito.









"Magiging busy ka na nyan,mamaya wala ka nang time sa akin." Sabay pilig pa ng ulo nito sa balikat ko. Best actress ang peg. Napatawa naman ako ng mahina.
Narinig ko namang napatikhim ang kasama namin sa may likuran. "After ng party huwag muna tayong bumalik ng Maynila mag over night tayo may alam akong resort doon malapit sa pupuntahan natin para naman masolo kita." Napatawa na naman ako.










"Sure-"








"Matagal na ba kayong magkakilala?" Biglang putol ni Janine sa sinasabi ko.









"Yeah, five years na.. Right Jayde!" Si Claude ang tumugon.. "Siguro kung pumayag akong magkaroon tayo ng commitment noon Jayde tayo parin siguro hanggang ngayon.." Paglalambing pa nito. "Pero pwede naman natin pag usapan mamaya in private.." Dagdag pa nito. Lagot ka talaga sa akin ate Camille.










"Malayo pa ba tayo?" Seryoso nang turan ni Janine. May binubulong bulong pa ito pero hindi ko naman maintindihan.









"Mga isang oras pa.." Tugon ko naman. "Nagugutom ka ba?" Ewan ko bakit bigla ko nalang naitanong iyon sa kanya. Si Claude naman ang biglang napa tikhim ng sandaling yun..










"No thanks.. Busog pa ako nag brunch ako bago tayo umalis." Tugon naman nito.











Naging tahimik na naman ang buong beyahe namin hanggang sa marating na namin ang compound ng pamilya nila ate Camille,halos iisang compound lang kasi nagpatayo ng mga bahay ang kapatid at ibang kamag anakan niya. Inayos ko na ang parking ng sasakyan. Buti at wala lang masyadong bisita abala parin sila sa pag aasikaso ng kids party para mamaya dito sa front yard ng bahay nila kuya Jordan. Agad naman kaming sinalubong ni ate Camille ng makita nito ang sasakyan ko.

"I HATE THAT ILOVEYOU" (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon