Chapter 25

2.1K 80 3
                                    

Janine POV...

                   'Jayde' Bulong nang puso ko.. Miss na miss ko na sya sobra.






                  "Jayde!"
                  "Frank?"
Sabay pa nilang turan hindi pa man nakaka galaw si Jayde sa kinatatayuan nito ay mabilis ng kumilos si Frank at dinaluhan niya ito ng mahigpit na yakap. Nanatili lang naman ako sa kinatatayuan ko habang pinagmamasdan ang dalawa. Ni hindi gumanti si Jayde sa yakap ni Frank at nagtatakang nakatitig ito sa aking mga mata. Ewan pero bigla na lang akong nag iwas ng tingin.







                 "Mukhang kailangan ninyong mag usap, baba muna ako." Interrupt ko sa kanilang dalawa. Dun kinalas ni Frank ang pagkakayakap nito kay Jayde at humarap sa akin.





               "No Janine. Dito ka lang!" Ma awtoridad namang turan ni Jayde at diritso ang tingin sa akin. Sasabihin ba nya kay Frank yung nangyari? Gusto nyang saktan si Frank katulad ng ginawa nito sa kanya.  Mabilis itong naglakad patungo sa kinaroroonan ko at bigla nalang akong niyakap ng mahigpit. Sa harap ni Frank?





                 "Jayde.." Bulong ko habang yakap nya ako ng mahigpit. Ano bang nangyayari? Habang si Frank ay nakatitig sa amin.






                 "I miss you.." Napasinghap ako sa tinuran nito. Pabulong din nyang sabi kaya tyak kung ako lang ang nakarinig nun.
"Anong ginagawa mo dito Frank.." Pormal na humarap si Jayde sa best friend ko matapos ako nitong yakapin.






                 "Jayde.. Andito ako para bumawi sa lahat ng pagkukulang ko sayo.. Mahal na mahal kita." Alam ko naman yun, alam ko kung gaano kamahal ni Frank si Jayde. Dapat tinatak ko yun sa utak ko,dapat hindi ko dapat kinakalimutan ang bagay na yun. Na kaya umalis si Frank dahil para yun kay Jayde, kaya nya nagawang magpakasal dahil para sa future nilang dalawa. Tapos ako anong ginagawa ko sinisira ko ang relasyon nila. Sinisira ko ang relasyon namin naming mag best friend. Argghh!! Ihate myself..







                   "Papanong babawi Frank? Tinapos mo na ba yung relasyon ninyo ng asawa mo sa Canada..!" Narinig ko pa itong napamura. "Sinira mo ang tiwala ko sayo..." Galit nitong turan..








                "Jayde please.." Napaluhod na ito sa harapan ni Jayde habang hilam ng luha ang kanyang mga mata, agad naman akong mag iwas ng tingin. Ayokong nakikita ang best friend ko na nasasaktan ng ganito. Aalis na sana ako kaya lang mabilis na hinablot ni Jayde ang braso ko.







               "Minahal kita Frank... Ginawa ko ang lahat para maging maayos ang relasyon natin. Pero sinaktan mo ako dahil lang sa pride mo!" Heto na yung sinasabi ni Frank sa akin na iba si Jayde kapag nasaktan. Hawak parin nito ang  braso habang sinasabi nito ang mga bagay na yun.. "At alam mo ba kung anong masaklap sa ginawa mo ikaw mismo ang nag palapit sa akin sa taong unang kita ko palang minahal ko na.." Napa baling ako ng tingin sa gawi niya at nagtataka akong tumitig sa kanyang mukha..






              Kita ko rin sa reaksyon ni Frank ang pagkalito at muli itong napatayo mula sa pagkakaluhod.
"Anong ibig mong sabihin Jayde?" Parang nagngangalit ang mga mata ni Frank.. Taimtim naman akong nanalangin na sana huwag madulas si Jayde at baka masabi niya ka Frank-







                  "Kasalanan mo kung bakit ako napalapit ng husto kay Janine..." Napa awang ang labi ko sa sinabi nito. Jayde huwag mong gawin ito please naiiling ako habang nakatitig sa mukha niya habang kay Frank sya nakaharap. "I hate to admit it but,I'm a bisexual Frank and- mahal ko ang best friend mo higit pa sa pagmamahal na naramdaman ko para sayo.." Lalong naningkit ang mga mata ko ng sandaling iyon.. Gosh Jayde!! Hindi ko na ito kaya pa,kaya napatakbo na akong pababa ng hagdanan. Bakit ginagawa ni Jayde ito? Totoo yatang naghihiganti sya kay Frank! gusto niyang saktan si Frank. At hindi ko yun kakayanin,ayokong masaktan ang best friend ko.







               "Janine wait.." Narinig kong tawag ni Jayde sa pangalan ko pero hindi ko yun pinakinggan,tuloy tuloy lang akong tumakbo paalis hanggang sa labas ng bakeshop.. Kaya lang may malakas na kamay na humawak sa isang braso ko kaya napahinto ako sa pag hakbang.








                 "Totoo ang sinabi ko Janine, alam mo naman yun diba! Inamin ko na yun sayo.." Mariin akong napapikit aa tinuran ni Jayde. Bigla na lang ako nitong niyakap mula sa aking likuran. "Ginawa ko naman lahat para iwasan ka,para kalimutan ka pero hindi ko magawa. Mahal na mahal kita-"







               "Tama na Jayde.." Napasinghap kung turan pagkatapos nagpupumiglas ako mula sa pagkakayakap niya sa akin.







              "Janine kaya kong ipaglaban itong nararamdaman ko para sayo. Hayaan mo lang ako.. May nangyari sa atin at-"







                 "Pasensya na Jayde ha, lasing lang ako nun!" Putol ko ulit sa sinasabi nito at dun nya ako binitawan.  "A-at ano bang pinagsasabi mo! Huwag mong gawin yan kasi wala ka namang dapat ipaglaban dahil wala akong gusto sayo.. Straight ako Jayde at mahal na mahal ko si Joseph.." I'm sorry Jayde pero mas pinipili ko ang friendship namin ni Frank. Ayoko syang masaktan de bale nang ako ang masaktan..








               Kitang kita ko ang sakit mula sa mga mata ni Jayde nang sandaling yun! Napakagat ito sa pang ibaba niyang labi para pigilan ang mga luha nito sa kanyang mga mata kaya lang napasinghap na ito at tuluyang nalaglag ang luha sa kanyang mga mata.. Gosh!! Bakit may kumurot sa puso ko ng sandaling ito, umiiyak sya? Totoo ba lahat ng pinapakita niyang emosyon ngayon?









               "Okay I understand..  Kung mahal mo  talaga si Joseph. Aalis na ako Janine and I promise na hindi na ako manggugulo pa.. Huwag mo na akong ipagpipilitan kay Frank dahil gaya ng sinabi ko ikaw ang mahal ko.. Kahit sobrang sakit hindi na ako magkaka kita pang muli. Ilove you..." Tuluyan na itong napatalikod at walang lingod na tinungo nito ang kanyang sasakyan.. Mariin na lang akong napapikit ng pinaharurot na nito ang kanyang sasakyan.







               Dun lang akong biglang naubusan lang lakas at napaluhod sa sementadong sahig at tuluyang napahagulgol. Bakit ako nasasaktan ng ganito!Sobrang sakit.. Tama lang naman yung naging desisyon ko diba?

"I HATE THAT ILOVEYOU" (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon