Chapter 16

2.1K 88 1
                                    

Jayde POV...



                     "Hi Lisa!" Masigla kong bati sa cashier dito sa bakeshop sabay patong ng isang braso ko sa transparent glass na pasimano sa harapan niya.Nagulat pa ito at agad na nag angat ng mukha dahil may kung anong kinakalikot sa kanyang cellphone.









                 "Ma'am Jayde!!" Masigla naman nitong wika. Kaya lang biglang tumaas ang isang kilay ko.








                  "Jayde na lang.. Ano ka ba!" Turan ko naman na kina ngiwi niya.









                 "Eih... Yun po kasi ang bilin ni ma'am Janine.." Ano daw? Hindi naman ako boss dito ah..









                 Bigla namang sumulpot si Janine kung saan.. "Lisa paki tawagan na yung may order ng 3layer cake- " huminto ito sa pagsasalita na mapansin ang presensya ko. "Ready to pick up na kamo." Pero sa akin na nakatingin sa huli niyang sinabi. Agad namang tumalima si Lisa..
Nginitian ko naman ito ng pagka tamis tamis.








                    "Hi babe.. I mean Janine!" Wika ko pa na kina pula ng pisngi niya.. Bigla naman itong napatikhim. At lumapit sa akin.








                   "Akala ko ba may importante kang gagawin at one week kang mawawala.." Taas kilay nitong turan. Halata namang kinikig sya ng tinawag ko syang babe kanina. Tinitigan ko naman ang mata nito at halatang pilit parin tinatago ang lungkot.









                "Hindi ako natuloy!" Buntong hininga ko namang tugon. Ilang araw ko lang itong nakikita pero na miss ko sya ng sobra. Agad naman itong nag iwas ng tingin ng matamang tumitig ako sa mukha nito.










                 "Sya nga pala-" bigla naman itong may naalala.. "Birthday ni Frank ngayon diba! Tara batiin natin sya." Agad nitong hinila ang isang braso ko at nagmamadaling humakbang papanik ng hagdan. Kung pwede lang ayoko pang kausapin si Frank. Bilib naman ako dito kay Janine kahit sobrang bigat na ng kanyang dinadala  halatang mahalaga parin sa kanya anh best friend nito.









                  "Teka teka lang Janine.." Kunway reklamo ko naman habang hila hila nito ang kamay ko. Hindi naman nito pinansin ang sinasabi ko at hinila parin ako hanggang sa loob ng kayang kuwarto saka mabilis na sinara ang pinto. Naalala ko naman nung nagka sakit ako sobrang na guilty sya that time at ilang araw akong naglagi dito,nahiga at natulog sa kama nito.  Inalagaan nya ako ng husto at doon nagsimula ang closeness naming dalawa.








                    Iginiya naman ako nitong naupo sa kama nya tsaka nito kinuha ang kanyang laptop. Pagkatapos ay naupo ito sa aking tabi habang kinakalikot ang keyboards ng laptop nya. Pinapanood ko lang naman ito sa kanyang ginagawa. Mukhang nahuhulaan ko na din ang gusto nitong gawin makikipag video chat kami kay Frank. Lihim naman akong napa buga ng hangin hindi pa ako ready na makita si Frank.








                   Nagsimula nang tawagan ni Janine ang messenger ni Frank. Todo dasal ko naman na sana huwag itong sumagot. Hanggang sa naka tatlong attempt ng tawag si Janine pero wala paring sumasagot.










                  "Hayaan mo na sya baka busy!" Sabay pindot ko sa off ng laptop. Agad namang nagbaling ng tingin sa akin at naka kunot ang noo nito.









                "Bakit mo ginawa yun!" Turan nito at muling in on ang laptop.. I ooff ko na naman sana nito ng hinarang nito ang kamay ko. Hanggang sa nag kulitan na kaming dalawa. At nag aagawan na kami sa laptop nya. "Jayde ang kulit mo.." Saway nito samantalang ako tawa lang na tawa. Hindi ko namalayang yakap yakap ko na pala sya at sobrang lapit na naman ng mukha namin sa isa't isa.. Halos maduling na ito sa nakatitig sa mukha ko.











                        Bigla na lang nitong ginawaran ng mabilis na halik ang labi ko na kina tulala ko naman.









                "Hayan inunahan na kita,baka mamaya kasi hahalikan mo na naman ako." Parang bata nitong turan. Nang maka bawi ako sa pagka gulat ay bigla naman akong napatawa ng malakas.








               "Hindi ka naman umiiyak ah! Hindi mo naman kailangang patahanin.." Asar ko naman dito para itago yung kilig na nararamdaman ko. Napa simangot naman ito sabay hampas sa kaliwang braso ko.










                 "Ikaw namimihasa ka na sa pananakit sa akin." Biro ko naman sabay himas sa braso ko.









                "Ikaw naman kasi masyadong mapang asar.." Ganti naman nito sabay pitik pa sa ilong ko. Aba somosobra na tong babae na to ah.. Masakit kaya yun! Yung ilong ko naman ang hinimas himas ko.











                  Napansin yata nitong nasaktan ako sa ginawa niya. Kaya hinimas himas na rin nito ang ilong ko.. Agad naman akong napatitig sa kanyang mukha pababa sa kanyang mga labi. At hindi ko mapigilang napalunok ng sandaling yun. Pero kailangan kong pigilan ang sarili ko. Nangako akong hindi ko na ulit hahalikan ang mga labi niya. Maliban na kang kung sya ang mauna..













                 
                Mabilis na nag landing ang labi ko sa kanyang noo at mariin ko itong ginawaran ng halik doon. Mas okay na sa noo pwedeng pwede ko yung gawin. "Jayde!" Napasinghap nitong turan. Naramdaman ko na lang ang dalawang palad nito na humahaplos sa pisngi ko.. Gosh! Nag iinit ang aking pakiramdam, hindi ito maari. Kaya lang nang nag angat ako ng mukha nagtama ang aming mga mata. Malamlam ang mga mata nitong tumitig sa akin. Sabay napa kagat sa pang ibabang labi nito na para bang nang aakit na halikan ko sya.











                 Ayoko na po sanang magkasalang muli.. Best friend parin sya ng boyfriend ko.









                  "Pwede mo ba akong I kiss.. Promise last na to'" Bulong nito. Totoo ba ang mga sinabi niya? Gusto nyang halikan ko sya.  Hindi na ako nag dalawang isip pa at agad kung siniil ng halik ang mga labi nito na agad din naman nyang tinugon.. Shit!! Ang sarap.. Pareho pa kaming napa ungol sa pagitan ng aming mga halik,halos sakupin pa ng bibig ko ang labi nito sulitin ko na dahil baka nga huli na ito.. Naramdaman ko pa ang isang palad nitong humahaplos sa tyan ko sa loob ng aking damit. Please Janine huwag mong ituloy ang binabalak mo baka hindi lang halik ang magawa ko sayo.












                       
                Nang ipasok ko ang dila ko sa loob ng bibig nito lalo itong napa ungol. Hanggang sa nagsimula ng magtunggalian ang aming mga dila. Bigla na lang akong iginiya pahiga sa kama. Grabe sya ako pa talaga ang nasa ilalim habang patuloy parin ang halikan namin.  Maya maya pa sya na rin ang kusang huminto. At mabilis itong umalis sa ibabaw ko.

"I HATE THAT ILOVEYOU" (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon