Chapter 21

2.2K 76 0
                                    

Janine POV...



Asar!!! Kanina ko pa tinatawagan yung phone number ni Joseph pero out of coverage. Maayos naman akong nagpaalam sa kanya na pupunta ako dito sa birthday party ng anak ni ate Camille omoo naman sya. Maggagabi na at kailangan ko na ding makauwi. Napamura na lang ako ng ilang beses ng hindi ko parin ito makontak. Magpapasundo sana ako at taliwas sa sinabi ko kanina kay Jayde na susunduin ako.





Nakakainis kasi yung Claude na yun. Argghh! Ah basta..






"Janine okay ka lang?" Nagulat pa ako ng hindi ko namalayang lumapit sa akin si ate Camille. Andto kasi ako sa bandang garden at tiniyak kong walang makakapansin sa akin dito. Nagsi uwian na din kasi ang mga bisita nila na karamihan ay mga bata kasama ang mga magulang..





"Ah okay lang ako ate.." Tugon ko naman kahit sa totoo balisa na ako. "Ang tagal kasi ng boyfriend ko." Napangiwi ko pang turan.




"Bakit uuwi ka ba? Dito ka nalang matulog.. Gagabihin na kayo masyado sa daan at isa pa may adult party para mamaya.." Sabay kindat nito. Adult party talaga.. Lalo yata akong napangiwi, ayoko ng makasalamuha si Jayde ng ganun katagal. Sobrang awkward na nga eh! Mula nung inamin niyang mahal nya ako.. Ginugulo na nya parati yung isip at puso ko.






"Kasama din ba yung Claude?" Bigla ko nalang naitanong. Paano ba naman kasi wala na silang ibang ginawa sa birthday party kundi mag PDA. Gosh!! Bata kaya yung may party..Tapos may nalalaman pang mag uusap in private..Tsss!! Narinig ko namang napatawa ng mahina si ate Camille.




"Yeah," Walang ka gatol gatol na tugon nito. "Halika ka na Janine balik na tayo sa party and if ever man na dumating yung boyfriend mo.. Mag stay parin kayo dito ngayong gabi." Dagdag pa nitong sabi. Nababahala na naman ako kahit ayoko itong maramdaman. Kahit pupunta man dito si Joseph iniisip ko parin yung balak ni Claude at Jayde na mag over night sa isang resort. Bahala na in switch off ko na rin ang aking phone naiinis na rin ako kay Joseph..






Kahit nagka ayos na kaming dalawa parang hindi na maibabalik yung dating tibay ng relasyon namin. Lagi na kasi itong nagdududa. Selos dito selos doon na wala namang basehan. Minsan iniintindi ko na nalang, iniisip ko na marahil nadala lang ito dahil nga sa nangyari sa pagitan namin nila Frank.






Hinila na ni ate Camille ang kanang braso ko pabalik sa front yard ng bahay nila.. Nakita ko namang karga karga ni Jayde ang pamangkin nito na mukhang sarap na sarap na sa pagtulog habang isinasayaw at nakasandal sa kanang balikat nya. Mabilis namang hinanap ng mga mata ko si Claude. Pero hindi ko naman makita.








"Nakatulog na pala ang baby ko,napagod!" Turan ni ate Camille habang hinahaplos ang ulo ng anak. 4 years old na si Uno at malaking bulas pero kayang kaya itong kargahin ni Jayde.







"Akyat ko na lang sya sa room nya ate asikasuhin mo muna yung ibang bisita" Narinig kong turan ni Jayde ni hindi man lang ako tinatapunan ng tingin. Hayaan mo na nga! Care ko ba..







"Sige nga Jayde please..." Tugon naman nito. "And Janine paki assist nalang si Jayde ha!" Sabay abot sa akin ng isang bungkos ng susi. "Naka lock kasi yung mga rooms paki tulungan na lang si Jayde. " Sabay turo kung saan ang susi para sa room ni Uno. Marahan na lang akong napatango,hindi ako pwedeng mag inarte sa harapan ni ate Camille. Mukhang wala naman itong alam na may gap kami ni Jayde.. Nang maglakad si Jayde patungo sa may main door agad naman akong napa sunod ako.








Nauna itong pumanik ng hagdanan patungo sa second floor ng bahay. Malaki ang bahay nila ate Camille may ikatlong palapag pa nung makita kong may hagdan pa paitaas. Naka sunod lang ako ng huminto so Jayde sa isang pintuan agad ko naman itong sinusian at binuksan. Napa nga nga naman ako sa aking nasilayan nag mukhang toy room ang kuwarto ni Uno sa dami ng laruan at nasa gitna ang kama nito. Marahang inilapag ni Jayde ang bata saka inayos ang pagkakahiga nito. Kinintalan nya ito ng mariing halik sa noo. Na kinalunok ko naman dahil madalas nya yung ginagawa sa akin dati. Mabilis tuloy akong nag iwas ng tingin. Kapag hinalikan ka daw kasi sa noo tanda ng pag respeto ng isang tao sayo.








"Halika na Janine!" Nabigla pa ako ng nakalapit na pala ito sa akin. "Siya nga pala asan na yung sundo mo almost dinner na wala pa sya." Bigla nalang nitong pinaalala si Joseph. Naiinis parin ako doon.








"Baka parating na yun!" Tugon ko naman. "Sya nga pala asan yung si Claude mo?" Bigla ko ding naalalang itanong sa kanya. Wala naman sigurong masama. At wala narin akong pakialam kung ano na yung nangyari sa relasyon nila ni Frank. Dahil tama din si Jayde,nawala yung bigat sa dibdib ko nung sinabi nitong alam na nito ang pinaggagawa ng best friend ko. At nung nag message ako kay Frank na sinabi kong alam na pala ni jayde lahat lahat hindi pa ito nagparamdam. Ano bang klase itong best friend.








Bigla naman itong napatawa ng mahina. "Kaibigan ko lang yun! Ewan ko kung saan nagpunta." Tugon naman nya. Kaibigan! Ano yun friends with benefits.. Lokohin nya lelang nya.. "Yung itsura mo parang hindi ka naniniwala sa sinasabi ko." Nakangisi pa nitong turan. Napasimangot tuloy ako.









"Ewan ko sayo!" Bulong ko pang sabi at humakbang na ako patungo sa may pinto.









"Namiss kita Janine." Napahinto tuloy ako ng akmang bubuksan ko na yung pinto. Bakit ba kasi napaka pranka nyang tao. Nakakainis sya,di man lang marunong magtago ng feelings niya.
Mariin naman akong napapikit bago tumugon..








"Hindi kita na miss.." Taliwas yun sa nararamdaman ko. Namiss ko din sya sa totoo lang. Pero mas mainam ng nagsinungaling sa pagkakataong ito. Narinig ko na naman ang pagtawa nito ng mahina. Bakit ba kasi ayaw nyang maniwala.









"Sabihin mo ulit yan mamaya." Narinig ko pang turan nito. Hindi ko na lang pinansin ang sinabi niya at binuksan ko na ang pinto at naglakad palabas ng kuwarto.

"I HATE THAT ILOVEYOU" (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon