Chapter 12

2.1K 83 2
                                    

Jayde POV...

                  'Ihate you Jayde' Narinig kong turan ni Janine nang maka pasok ako sa loob ng banyo at agad na sinara ang pinto.  Bakit ba nito nilulunod ang sarili sa shower? Alam kong nagtalo sila ng boyfriend nya habang nasa loob sila ng sasakyan kanina. At bigla na lang itong nagtatatakbo papanik dito,agad ko itong sinundan kanina sa sobrang pag aalala ko. Pero ng hagilapin ko sya sa buong kabahayan hindi ko sya,narinig ko na lang ang lagaslas ng tubig sa loob ng banyo..






                Napangiti ako sa pagitan ng aming mga halik ng nangigigil na gumanti si Janine sa mga halik ko sa kanya. Tila nagdiwang ang kalooban ko sa sandaling ito at napa ungol pa ako ng mahina. Ngayon lang kasi ito gumanti sa ilang beses ko nang hinalikan ang mga labi niyang nang aakit. Gosh!! She's a good kisser too. Ninanamnam ko ang bawat halik niya ng bigla na lang ako nitong tinulak. Nakaawang naman ang labi ko sa sobrang pagka gulat.








              "Ano bang ginagawa mo?" May galit na himig nito. Galit pero gumanti naman kanina.. Kapwa kami hinihingal ng sandaling yun. "Diba sabi ko iwan mo muna ako." Sabi pa nito. Idadahilan ko na naman bang pinapa tahan ko lang sya,baka hindi na ito maniwala.






              "Janine." Yun lang ang nawika ko at ng hahakbang na sana akong muli palapit sa kanya.






              "Umalis ka na Jayde.." Pasigaw na nitong turan. "Galit ako sayo,hindi kami magkaka ganito ni Joseph kung hindi dahil sa inyo.. I hate you!" Parang sinaksak naman ng punyal ang dibdib ko sa huling sinabi nito. Paanong ako ang dahilan ng pagtatalo nila ng boyfriend niya! Pero sinabi niyang sa inyo.. Ibig sabihin hindi lang sa akin ang dahilan maaring sa amin ni Frank? Pero bakit? "Leave me alone please.." Hikbi na naman nito.. Ayoko na sana syang iwan sa sitwasyon nya ngayon kaya lang naki usap na sya. Siguro nga mas makaka tulong kong aalis na muna ako. 






             Marahan na akong tumalikod sa kanya. "Huwag ka na sanang babalik pa." Mariin naman akong napa pikit sa huling katagang sinabi nito. I don't understand bakit nya sinabi yun.. Ibig sabihin forever na nya akong ayaw makita.. Masakit pero pilit ko nalang syang intindi. Tuluyan na akong umalis ng banyo,umalis sa bahay nya kahit basang basa ang kasuotan ko. Nagtataka namang tumingin ang mga tauhan ni Janine na di alintana ang basang basa kong katawan na tumungo sa aking sasakyan.. Mabilis kong in start ang engine at pinaharurot ang kotse ko.







                   I'm a bisexual at alam yun ng family ko. Nagkaroon na ako ng girlfriends before at boyfriends. Hanggang sa nakilala ko si Frank, iba sya sa lahat ng lalaking nakilala ko. Marunong syang rumispeto sa mga kababaihan. Yun ang isang nagustuhan ko sa kanya kaya nahulog ang loob ko ng tuluyan at naging kami. Responsible din sya at may plano sa buhay sa future.







                  Kaya lang bakit nakilala ko pa ang isang dyosa kung kelan meron na si Frank sa buhay ko. At ang dyosa na yun ang best friend pa ng boyfriend ko.  Nang pinakilala sya sa akin ni Frank hindi ko inaasahan na mayroong spark na sinasabi ng iba at bumilis ang tibok ng puso ko.  Nung una kong nakilala si Janine single pa ito. Kaya lang after a month may pinakilala na rin syang boyfriend kay Frank at si Joseph iyon. Pilit kong sinusupil ang umuusbong na nararamdaman ko sa kanya dahil alam ko namang hindi na pwede.







                     Naramdaman ko din ang pagka disgusto niya sa akin una palang. Hindi ko naman alam kong bakit, dahil siguro may kahati na sya sa atensyon ng best friend nya.  Hindi ko na lang yun pinansin mas okay na din siguro yun para maka iwas din ako sa kanya at ignorahin kong ano  man tong nararamdaman ko.









                 Mabilis akong makarating sa bahay ko dito sa greenbelt sobrang ginaw na ginaw na ako sa sobrang lamig.. Pagka park ko nang aking sasakyan agad na akong lumabas ng kotse ko at nagmadaling pumasok sa loob ng bahay..







              "Susmaryosep kang bata ka saan ka ba nag susuot at basang basa ka!" Nag aalalang turan ni yaya Loleng Yaya ko pa sya nung baby ako ni hindi na nag asawa kasa akasama ko na sya hanggang sa bumukod na ako. Dalawa lang kaming nakatira dito sa bahay hindi naman kalakihan,two storey house na may tatlong kuwarto. Tig isa kami ng kuwarto ni Yaya loleng at guest room yung isa.







                  "Ayos lang po ako." Tugon ko naman at pumanik na ako para mak ligo at maka pag bihis agad.  Hindi ko na alam kong anong mangyayari ngayon at pinagtabuyan  na ako ni Janine. Marahil galit lang sya,mainit ang ulo niya sa pag aaway nila ng boyfriend niya. Pupuntahan ko na lang sya kapag sigurado na akong okay na sya..








               Pagpasok ko ng aking kuwarto ay dumiritso na ako sa banyo para maka ligo. Makaraan ng tatlumpong minuto ay nagpasya na akong tapusin ang pagligo ko at nagbihis ng pambahay. Hindi pa tumatawag si Dad mukhang wala pa itong iuutos sa akin. May ari kasi kami ng isang shipping line at minsan lang mag utos si dad kung ano ano lang tapos sasahuran ako ng malaki. Palibhasa kasi na spoiled nya ako. Napangiti naman ako sa sarili ko ng maalala yung sinabi ng mommy ko. Kailangan ko nang magkaroon ng business para kay Janine, halata naman nilang inlove ako sa kanya. Sabay buntong hininga ko. Ang dapat sigurong gawin,kailangan ko nang magkaroon ng sarili kong negosyo para malibang na ang sarili ko.  Para tuluyan na akong maka iwas kay Janine, dahil sa tuwing malapit ako sa kanya hindi ko mapigilang magkasala lalo kapag tumitig na ako sa mga labi niya.








                  

                 Ano kayang magandang business.. Naisipan ko namang tawagan si Frank sa messenger miss ko na rin ito at baka may mai suggest ito na magandang gawing negosyo. Binuksan ko na ang laptop ko at nag log in sa aking Facebook account habang nakasalampak ako ng upo sa aking kama. Naka online naman sya kaya pinindot ko agad ang  video call,ring lang naman ng ring at matyaga akong naghintay. Mga limang attempt ng biglang nag off ito. What the.. Mukhang busy yata. Napa hugot na lang ako ng malalim na paghinga..

"I HATE THAT ILOVEYOU" (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon