Chapter 7
Walang gusto
“Eh hindi mo naman pala kailangan ng tulong ko eh! Sa lakas ng suntok mo, mapapatulog mo silang lahat!” Sigaw ni Cyrus sa babaeng napag-alaman na niyang Boudicca nga ang pangalan.
“Sino ba naman ang hindi lalakas ang suntok sa ginawa mo? Ninakaw mo lang naman ang first kiss ko! Alam mo bang itinakda ko yun para sa first boyfriend ko? Pero anong ginawa mo? Nakakainis ka talaga!”
“Eh di ako na lang ang first boyfriend mo!” natigagal silang pareho ni Boudicca sa sigaw na iyon ni Cyrus.
“Nababaliw ka na ba? Gusto mo bang masuntok ulit? Aba’t! Bakit naman kita gagawing boyfriend eh ngayon lang nga tayo nagkakakilala!”
“Para majustify yung pagnanakaw ko sa first kiss mo. Ayaw mo nun? Ang gwapo ng boyfriend mo, hija.”
“Hah! Ikaw, gwapo? Ipakain kita sa aso diyan eh!” sigaw din dito ni Boudicca.
Naiinis na talaga si Sail sa pagiging non-existent niya.
“Marami sa mga kaibigan ko sa Russia ang hindi lang halik ang nagawa at mga kaedad natin sila ngunit hindi ako gaya nila! Hindi ko kailanman gugustuhing makita ang sarili ko na ginagawa ang ginagawa nila! I got that from my Filipina mom.”
Taas noong sinabi iyon dito ni Boudicca.
Unti-unti, habang abala siya sa pakikinig lamang sa sigawan ng dalawa, nagugustuhan niya ang ugali ng babaeng ito. Hindi ito nagpapadala agad sa kalokohan ni Cyrus. Kung ibang babae lang ito katulad ng mga nakaraang nobya ni Cyrus, malamang kanina pa ito nakatanggap ng sabunot mula sa kanya.
“Mapanlait! Ikaw pa lang ang unang babaeng itinanggi na gwapo ako. Magsisisi ka. You’re going down! Tinatanggap ko ‘yan bilang isang hamon. Hindi lamang ito dahil sa hindi ko matanggap na hindi ako gwapo para sa’yo.”
Natatawa siya sa mga sinasabi ni Cyrus pero pinipigilan lang niya.
“Masyado mong pinapababa ang self esteem ko. Kaya simula sa araw na ito, sa ayaw at sa gusto mo, nobyo mo na ako!” nanlaki ang mata ni Sail sa deklarasyong iyon ni Cyrus.
“At sino ka para sabihin sa akin yan? Ngayon lang tayo nagkakilala!”
“Love, hindi naman kailangang matagal ng magkakilala ang dalawang tao para maging magnobyo. Don’t you believe in love at first sight?” nakangising tanong ni Cyrus dito.
“I don’t. Kung nakukuha mo ang mga babae mo sa pamamagitan ng mga salitang ginagamit mo, well, ibahin mo ako. I’m not like those women! And don’t you ever call me love again! Ang korni nun!”
“Tsk, wala ka ng pag-asa. Mahal mo na agad ako. Denial queen ka agad eh.”
Napatigil ang mga ito sa pag-aaway ng marinig ang malakas na tawa niya. Napakaseryoso ng mukha ng mga ito ng bumaling sa kanya.
“What are you laughing at?” nakataas ang isang kilay na tanong sa kanya ni Boudicca.
“Hay. Sa wakas, napansin niyo na rin ako. Akala ko tutubuan na ako ng ugat dito eh. O sige, ituloy niyo lang ‘yang away niyo at ako’y kakain lang dito.” Nakangising sabi niya sa mga ito.
“Hey you.” Binalingan muli ni Boudicca si Cyrus. “Huwag mo akong paglaruan! Kung gagawin mo akong girlfriend mo, gagawin din kitang boyfriend ko!” sigaw ni Boudicca kay Cyrus.
“Ano? Diba pareho lang yun?” nawala ang ngisi sa mga labi ni Cyrus dahil sa sinabi ni Boudicca. Napakamot pa ito sa noo nito na isa sa mannerisms nito kapag naguguluhan ito. Mukhang nabaligtad na ang sitwasyon.
BINABASA MO ANG
The Green-Eyed Butler
RomanceInfluenced by Kuroshitsuji: The Demon Butler *** Highest achievement: General Fiction #265 Romance #532 *** An emotionless and devil-may-care type of butler. I don't give a fvcking shiz about other people's emotions and feelings. All of them are jus...