Chapter 10
Ang Nagpapakilig
Hindi pa man siya nakakababa ng sasakyan ni Cyrus ay may nagbukas na ng pintuan sa gawi niya.
“Ang bilis mo ‘ata!” she exclaimed when she saw that it was Larry who opened the door for her.
“We need to talk.” sagot nito sa kanya. Ang sama pa ng tingin nito kay Cyrus.
Inimbitahan muna niyang magkape sina Cyrus at Boudicca ngunit tumanggi ang mga ito.
“Hinahanap na si Bou ng daddy niya, eh. Kailangan ko nang ibalik ang aming prinsesa.” Nakangiting saad ni Cyrus. Simple namang ngumiti sa kanya si Boudicca gaya ng ginawa nito kanina.
She can only agree with what Cyrus has said. Maaari ngang ituring na isang prinsesa si Boudicca. At sa mga panahong ito, siya ba ang evil witch sa love story ng mga ito? Napalingon siya kay Larry na nasa likuran niya.
Hindi. Hindi siya papayag na maging evil witch. Dahil gagawa siya ng sarili niyang fairy tale. Hindi nga lang niya alam kung paano sisimulang buuin ang fairy tale na iyon. Lalo pa’t mukhang awa lang ang nararamdaman sa kanya ng napili niyang prince charming.
Magkatabi silang dalawa ni Larry sa couch habang nagkakape. Walang sinuman sa kanila ang unang nagsalita. Nang hindi siya makatiis sa tila pader sa pagitan nila ay binuwag niya iyon sa pamamagitan ng paghilig sa kanyang ulo sa kaliwang balikat nito. Iyon lang ang ginawa niya pero kinikilig na siya at hindi niya napigilan ang pagbuo ng maliit na ngiti sa mga labi niya.
“Why are you smiling?” salubong ang kilay na untag nito sa kanya. Nagulat siya ng makitang mataman pala itong nakatitig sa kanya. Nararamdaman niya ang pamumula ng kanyang mga pisngi. Nahuli pa siya nitong kinikilig! “Tuwang-tuwa ka kasi hinatid ka ni Cyrus?” salubong na naman ang kilay na tanong nito.
Pero shiz! Hindi din napigilan ng kanyang mga kilay na magsalubong gawa ng ginawi nito. Diyata’t pinagbibintangan siya nito. “What are you talking about?”
“Kinikilig ka. Kasi hinatid ka ni Cyrus.” Inulit lang nito ang unang sinabi.
“At bakit naman ako kikiligin sa paghahatid niya sa akin?” naiinis na naman siya rito. Mula noon hanggang ngayon, ganoon nito kabilis baguhin ang damdamin niya. One moment, she’s willing to die for him. And then one moment, she just wants to kill kim. Hindi din niya alam kung manhid ba ito, tanga, o sadyang walang confidence sa sarili.
“Of course. You like him. Ako man, kapag hinahatid ko ang babaeng mahal ko sa bahay nila, kinikilig ako. Same goes with women, I guess.”
Nagpanting ang tainga niya sa sinabi nito. “At sino namang babaeng mahal mo ang hinahatid mo sa bahay nila na nagpapakilig sa’yo?”
Hindi siya nito sinagot. He just stared at her like she was the only one that he could see. His face showed emotions she could not identify. Para bang nahihirapan itong huminga.
“I think I should just go.” Bumuntong-hininga ito.
Pinilit niyang kumalma. Hindi. Wala siyang iba. Ako lang ang girlfriend niya. Pinilit niyang tingnan ito sa mata kahit na nga ba naiiyak siya sa ideyang may mahal itong iba. Pero teka, totoo nga bang girlfriend siya nito? O napipilitan lang ito? Shiz! Naguguluhan na siya sa sitwasyon nila! Malabong usapan, malanding ugnayan.. Mukhang ito lang ang meron sila ah.
Tuloy-tuloy ito sa paglabas sa bahay nila at nakasunod lang ang tingin niya dito. Masaktan na kung masaktan! Wala akong pakialam kung may mahal ka mang iba Larry. Matagal ko nang tinanggap at niyakap ang damdamin ko sa’yo. At hindi mangyayari ito kung hindi mo ako ginawan ng mga bagay na nakapagpaibig sa’yo sa akin.
Nakapagdesisyon na siya. Si Larry lang ang tanging lalaki para sa kanya. Durog na durog na ang puso niya sa mga pangyayari ngayon sa buhay niya. At si Larry ang isa sa mga lakas niya. Kaya hindi siya papayag na mawala ito sa buhay niya.
A/N:
*** the next ud will be on sept. 19 ***
Income statement pa lang ang tapos ko sa aking FS. Wala pang balance sheet. So once again, magbubuhay-CPA muna ako.
Please SHARE this story to your friends.
Please ADD this to your RL.
Please VOTE for this story by clicking the star button sa upper right side kung nagustuhan niyo ang chapter na ito.
Please also leave a COMMENT below.
Please FOLLOW ME.
Salamat!
Thank you!
Domo arigatou gozaimasu!
Xiexie!
~ Laters baby ♥ AnastaShang
BINABASA MO ANG
The Green-Eyed Butler
RomanceInfluenced by Kuroshitsuji: The Demon Butler *** Highest achievement: General Fiction #265 Romance #532 *** An emotionless and devil-may-care type of butler. I don't give a fvcking shiz about other people's emotions and feelings. All of them are jus...