Chapter 28
Key
Hinalikan nito ang pisngi niya. “Lalampasan pa rin kita hindi dahil sa walang laman yang utak mo kundi dahil ayokong mapahamak ka.” Iniharap siya nito.
Hindi niya naman mapigilang mapanguso.
“Talaga?” naninigurado pa ring tanong niya.
“Talagang-talaga.” At sinakop nito ang mga labi niya.
---
Tinititigan ni Larry si Sail habang natutulog ito sa tabi niya. Once again, they had a wonderful evening. Palagi naman. Basta’t magkasama sila. Walang boring moment. Pati issue ng Hacienda Binay at Papal visit napag-uusapan nila.
Habang tinitignan niya ang payapang pagtulog nito ay di niya maiwasang maisip na nasa tama ang lahat. Na walang masamang mangyayari. Na ayos lang kung masaktan siya. Huwag lang si Sail.
Sa haba ng panahong iginugol niya bilang butler ng mga Humphreys, namanhid na siya sa sakit. Bata pa lamang siya ay naranasan na niya ang mga bagay na hindi dapat maranasan ng isang bata.
His experiences and the way his family prepared him for the role he has to portray made him beyond ordinary. Walang ibang pamilya ang alam niyang may tradisyon ng gaya ng sa kanila.
He’s definitely a tough cookie. Pero ang maisip lang na may masamang mangyayari kay Sail, nahihirapan na siyang huminga.
Pero sa tuwing nakikita niya din naman ang ngiti sa mga labi nito, di din naman niya maiwasang umasa. At gusto niyang isipin na kaya nilang dalawa ito. No one can take the two of them down. Tanging si Sail lamang ang magiging dahilan ng kabiguan niya.
At iyon ay magaganap sa panahong mawala ang nararamdaman nito which he prays would not ever happen.
Pero kung sakali mang mangyari iyon, tingin niya tanging ito pa rin ang mamahalin niya. Naalala niya rin ang reaksyon ni Tatum ng malamang asawa na niya si Sail. Napabuntong-hininga siya.
BINABASA MO ANG
The Green-Eyed Butler
RomanceInfluenced by Kuroshitsuji: The Demon Butler *** Highest achievement: General Fiction #265 Romance #532 *** An emotionless and devil-may-care type of butler. I don't give a fvcking shiz about other people's emotions and feelings. All of them are jus...