Chapter 15

106 3 7
                                    

Chapter 15

Pagsasanay

"How old are you?" Hindi napigilan ang sariling tanong ni Sail sa batang babae..

"Eighteen." Simpleng sagot nito.

"You look so young!" Manghang sabi ni Cyrus.

"I know. It's just the height." Mabilis nitong hinila ang lalaki palayo sa kanilang lahat. Nakakagulat kung paanong ang isang assassin ay napapasunod ng isang teenager. Halata sa aura ng lalaking iyon na marami na itong napatay na tao.

But looks like ever since meeting the little girl-no, she's a woman! Looks like ever since she came to his life, all that has changed.

***

Nang pareho na silang nasa kwarto ni Larry ay nanatiling tahimik pa rin silang dalawa. Iniisip ni Sail kung ano ang sasabihin niya at kung ano ang pag-uusapan nila. Masyadong nakakagulat ang mga pangyayari simula kanina.

Pero sa pagkakataong ito, mukhanng kailangan na munang harapin nilang pareho ni Larry ang mga issues nila.

Sa gabing ito, magaganap ang lahat ng pag-amin niya. She would confess to him all her love. She would wear her heart out on her sleeves and make him feel, see, and realized the should bes and long have beens.

Maari kayang hindi nito nagustuhan ang mga namutawi sa labi niya? Ayaw ba talaga nito sa kanya? Sa naisip na iyon ay parang gustong maiyak ni Sail.

Mula noon hanggang ngayon, palagi siyang handang magbigay para kay Larry. Subalit mula noon hanggang ngayon, wala naman itong ginusto mula sa kanya. Maaring sasabihin nitong tumigil na siya sa palabas niya.

Na alam na nitong hindi naman talaga niya gustong pagselosin si Cyrus sapagkat wala naman talaga siyang gusto dito. At alam nitong ito ang mahal niya. Kapag nangyari iyon, maaring sabihin nitong itigil na nito ang palabas nila. At lalayo na naman ito sa kanya.

Kaya ngayon, nakapagdesisyon na siya. Hindi siya papayag na sa ikalawang pagkakataon ay iwan ulit siya ni Larry. Sasabihin niya na talaga dito ang lahat ng nararamdaman niya at.. at bahala na!

Naramdaman niya ang pagtayo nito mula sa sofa kaya naman napatayo siya mula sa pagkakaupo sa kama.

"Saan ka pupunta?" tanong niya rito. Hindi siya papayag na umalis ito ng hindi sila nagkakalinawan. It's now or never!

"Kukuha ako ng wine." Sagot nito at tuluyan na siyang tinalikuran.

"Hurry back to me!" she shouted. At napatigil ito sa paglalakad. Nilingon siya nito at nagtagis ang mga bagang nito. She saw him composed himself and continued his way towards the wine bar.

Mabilis nga itong nakabalik na may dala ng isang bote ng Carlo Rossi at dalawang wine glass. Umupo ito sa tabi niya at ipinatong ang mga dala sa bedside table. Naglagay ito ng kaunting alak sa kopita at ibinigay iyon sa kanya habang kinuha nito ang isa pa at nilagyan din iyon ng alak.

"Sail.." nilingon siya nito. "What am I really to you?" he looked at her closely. He was as if magnifying whether she would dare tell the truth or lie.

Napakagat labi siya at tiningnan ito. Nakita niya itong nakatingin sa mga labi niya.

Sa tingin niya ay ito na ang tamang panahon para sabihin niya rito ang tunay na nararamdaman niya. Kailangang matapos na ang mga agam-agam niya at ng magkaroon na sila ng isang maayos na simula.

"I love you, Larry." Lakas loob na sabi niya. "I never stopped loving you. I just stopped showing it but I never, ever stopped loving you."

Inangat nito ang isang kamay at pinahid ang mga luhang hindi niya namalayang naglandas sa mga pisngi niya. Hindi ito nagsasalita. My God! He's not speaking! Sa katotohanang iyon ay mas lalong tumulo ang mga luha niya.

Ang hindi nito pagsasalita ay isang patunay na wala talaga itong nararamdaman sa kanya. He just wants her body and that's the end of it. Hindi siya nito mahal gaya ng pagmamahal niya rito. And that truth really hurts like hell!

Bumaba ang mukha nito at hinalikan ang mga luhang patuloy na dumadaloy sa mga pisngi niya. "Ssshh.. stop crying sweet, please. Please." He continued kissing her tears away.

Nahihiya na siya sa inaakto niya kaya naman pinipigilan na talaga niya ang sarili niyang umiyak. Pero ang awa niya sa sarili niyang katangahan ang nagtutulak sa patuloy na pagtulo ng mga luha niya.

"Hindi ko naman talaga mahal si Cyrus eh. Not anymore. Maybe I used to have feelings for him but I swear to God, not anymore! Mula ng ikaw na ang nakasama ko, nabaling na sa'yo lahat ng pagmamahal ko. Mahal kita Larry. Mahal na mahal kita." Tumatangis pa ring patuloy niya.

"Please.. You're tearing me apart." He said. And that made her, really stop crying. Pero sa pagnanais na pigilan ang mga luha niya ay nagkahiccups naman siya ng grabe. Niyakap siya nito hanggang sa tuluyang kumalma ang sistema niya.

"I'm fine now. You can let go of me already." She said. But instead of letting her go, he kissed her mouth torridly and pulled her closer to him. She was startled by what he was doing. But when she realized that maybe, just maybe, she was wrong awhile ago about all his actions, she instantly flung herself to him.

"Sail, gaya ng sabi ko kanina, we need to talk. Seriously." Sinserong pigil nito sa pagdaluhong niya rito bago pa man tuluyang lumalim ang kanilang mga halik.

"O-okay. W-what do you want us to talk about?"

"I hope that after hearing all these things that I'm gonna tell you right now ay matanggap mo pa rin ako at manaig ang pagmamahal mo." Hinapit siya nito palapit rito. "Cause honestly, I don't think I can stop myself ever again from staying away from you."

Hinawakan niya ang mga pisngi nito at iginiya ang mga tingin nito patungo sa kanya. "Try me Larry. Just try me."

***

[ Larry's Flashback ]

"Ngayong 13 years old na kayong tatlo, panahon na para mapasali kayo sa pagsasanay para maging sunod na butler ng Humphreys family. Maswerte kayo dahil ang inyong magiging master ay walang iba kundi ang young master na si Cyrus Humphreys."

Ito ang bumungad kina Larry, Harry, at Barry sa araw ng kanilang labintatlong kaarawan.

"Pero hindi ho ba't mga bata pa lamang kami ay nagsasanay na kami?" pagkaka-klaro ni Barry sa kanilang amang si Gary sa kanila pa nilang pinagbubulungang tatlo.

The Green-Eyed ButlerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon